a/n: hi theree people! buhay pa pala ako ngayon ko lang nalaman.
Chapter 137 : TBSP
Aeros' POV
“Babe, don't you think Riz is acting weird lately?” mahinang bulong ni Chea sa akin
Ilang linggo na mula nang makalabas ako galing Hospital. Nandito kami sa bahay since Sunday ngayon kakagaling lang namin sa Simbahan. Si Riz naman ay nandito lang sa bahay at walang ibang ginawa kun‘di tumulala at bumuntong hininga.
“You think so?”
Tumango si Chea habang ang paningin ay na kay Riz “I think something happened.”
Iyon din ang tingin ko.
Hindi naman siya ganito e, ilang araw mula noong nakalabas ako sa Hospital ay tsaka lang siya nagkaganito.
“Riz” tinawag siya ni tita para bigyan ng ice cream pero nanatiling tulala si Riz hanggang sa tapikin siya ni tita sa balikat
“Ha? Bakit?”
“May problema ka ba, Riz?” tanong ni tita sa kaniya
“Marami, gusto mo ba malaman lahat?” parang bigla siyang bumalik sa sarili nang may kinuha siyang nakaroll na papel at nang binuksan iyon ay naging mas matangkad pa sa kaniya
Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Chea na nasa tabi ko mukhang natutuwa siya sa nakikita.
“Riz! Aeriz!” napalingon kami sa gate nang makarinig ng sunod sunod na katok
“Sino 'yon?” tanong ko kay Riz
“Tao po! Po tao!”
Napangiwi si Riz bago sumagot “Sperm”
What the fuck?
Pumunta siya sa may gate kaya naman sumunod kami. Nandito ang anim na black section at nag iingay sa gate.
“Ano ba?! Hindi na kayo nahiya. Pinagtitinginan na kayo ng ibang tao.” inis na sabi ni Riz sa kanila pagkabukas ng gate
Sumilip ang ulo nu'ng Nate at Mac nang makita nila si Chea ay kumaway pa ang mga ito.
Feeling close.
“Riz, nandito lang naman ako para tanongin kung papasok ka bukas e.” Nate asked while pouting
Damn. Paano natitiis ni Riz na makasama ang ganito ka-isip batang tao?
“Oo” maangas na sagot ni Riz
“Riz, may pagkain ba riyan? Gutom na kami.” nakangusong sabi naman nu'ng Mac
Nakita ko kung paano tumirik ang mata ni Riz sa sobrang inis.
“Pasok kayo.”
Napangiwi ako nang halos mapaatras si Riz nang itulak ng limang black section ang gate at tumama iyon kay Riz.
“Hey careful!” sigaw ko na ikinagulat naman nila
“Hi Chea. Ang ganda ganda mo talaga. Sayang nga lang kasi may sayad syota mo.”
“May sinasabi ka?” tinaasan ko ng kilay 'yong Klein na kaagad namang umiling
Nauna na silang pumasok sa amin kasama ni Riz. Tanging kami na lang ni Chea ang naiwan dito sa may gate.
“Sa tingin ko naman magiging okay na si Riz.” nakangiting sabi niya
Kahit pa labag sa loob ko ay alam kong totoo ang sinabi niya “Yeah I think so.”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...