Chapter 110

2.3K 104 13
                                    

Chapter 110 : TBSP

Aeriz's POV

“Hindi mo ba talaga iniisip ang nararamdaman namin, Riz?! Kung aalis ka mag sabi ka naman sa'min! Halos mabaliw na kami mabuti na lamang at nag text si Grae kay Aeros at sinabing kasama ka niya!” galit na sabi ni kuya sa akin

Nakaupo ako ngayon habang siya ay palakad-lakad sa harapan ko at ang iba ay nakatingin lang sa amin habang pinapagalitan ako ni kuya.

“Hindi ka ba napapagod na pagalitan ako, kuya?” nanunuyang tanong ko

“A-Ano? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?”

Tumitig ako sa mga mata nito Kailan mo ba mare-realize na pagod na ako? Pagod na akong makinig sa sermon mo. Pagod na akong mapagalitan. Pagod na akong maging masama sa paningin ninyo. Pagod na pagod na ako sa lahat.” kahit na pigilin kong umiyak ay hindi ko pa rin nagawa dahil habang patagal nang patagal ay lumalakas lang ang hikbi ko

Naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Lumapit si tita sa akin at mahigpit akong niyakap pero buong lakas na lumayo ako sa kaniya.

“Ano bang nangyayari, Riz? Naguguluhan ako. Okay ka lang ba?” nag aalalang tanong ni tita na naging dahilan kung bakit lalo pa akong napaiyak

Lagi niyo na lang tinatanong kung okay lang ako! Kung maayos ba ako! Halata namang hindi 'di ba?! Hindi ako okay! Hindi ako maayos! Dahil nabubuhay ako sa purong kasinungalingan na lang! Napapagod na akong mag tiwala at maniwala sa inyo!” sunod sunod na hikbi ang lumabas sa labi ko naitakip ko na lang ang mga palad ko sa mukha habang humihikbi

Napatakip sa bibig si tita habang naluluhang nakatingin sa'kin at napaawang naman ang bibig nila kuya. Lahat sila awang-awa na nakatingin sa'kin.

“Huwag niyo akong kaawaan kung nag-sisinungaling lang naman kayo sa'kin! Palagi kong iniisip na baka kapag nakilala ko ang papa ko ay maaaring may mag mahal din sa akin! Palagi rin akong nagsisisi dahil alam kong malabo! Malabong mangyari iyon! Masasaktan lang ako at ayaw ko no'n. . .ayoko ng masaktan. Ayoko na!”

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap ni Lucifer sa akin.

“I'm sorry. . .” bulong nito hanggang sa paulit-ulit lang siyang humingi ng tawad sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko

“G-Gusto ko lang namang sumaya. . .gaano ba kahirap gawin iyon? Gusto ko lang naman magkaroon ng pamilya. . .”

“Anong tingin mo sa amin? Katropa mo? Kaaway?” sarkastikong tanong ni kuya

Kapuso.

“Pamilya mo kami, Riz.” lumapit si tito sa akin at hinaplos ang buhok ko ganoon din ang ginawa ni tita

“May pamilya bang nag-sisinungaling? Nagtataguan ng sikreto? Walang pamilyang ganoon, hindi pamilya ang tawag do'n.” mapait na wika ko bago lumayo kay Lucifer na nakaawang bibig habang lumuluhang nakatingin sa'kin

Dumeretso ako kay mama na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

“Tanggap ko naman na, ma, e. Tanggap kong anak mo ako sa labas.” mapait na ngumiti ako rito “Pero alam mo kung ano iyong hindi ko matanggap? Iyong part na anak din pala ako ng papa ko sa labas.”

Nanlaki ang mga mata ni mama at napaawang ang bibig “S-Saan mo naman nalaman iyan? Sinong nag sabi sa iyo niyan?!”

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now