a/n: lamig.
Chapter 101 : TBSP
Aeriz's POV
“Okay lang kami, Jadey. Promise no lies.” pilit na ngumiti si Amiel sa akin kahit na halata naman sa mukha niyang nasasaktan siya sa mga sugat na natamo niya
“Hindi mo naman kailangan mag alala sa'min, Jadey.” halatang tuwang tuwa pa si Ryeio
Gagong 'to.
“Sino namang may sabing nag aalala ako sa inyo?” walang emosyong tanong ko kaagad na nawala ang ngiti sa labi nila dahil napanguso sila pareho
“Jadey, naman. . .”
“Paano ako mag aalala sa katangahan niyo? Hindi kasi kayo marunong mag ingat. Tapos gusto niyo umiyak ako sa pag aalala ha?” puno ng sarkasmong sabi ko
“Jade, huwag mo na silang pagalitan.” awat ni Van sa akin at niyakap pa ako mula sa likod kaya nadibdiban ko siya
“Abuso ka ng tangina ka.”
Ngumiti lang ito habang iniinda pa rin ang sakit “Sinusubukan na ni Theo hanapin ang may gawa no'n.”
“Kailangan pa ba niya hanapin kung may ideya na tayo kung sino?” walang emosyon akong tumingin sa kaniya
“Sinasabi mo bang si Red?”
“Hindi nga ba?”
Tumitig sa akin ang tatlo na para bang isa akong malaking question mark sa kanila. Isang librong mahirap intindihin.
“Jade! Van!” natigil lang ang pagtitig nila sa'kin nang pumasok si Theo
“How's the investigation?” tanong kaagad ni Van
“Kasalanan ni Red ang lahat. May delivery ng mga delata sa mini mart, one of those can has a bomb. Mayroon siyang grupo na inutusan para mag lagay ng bomba sa lata at pasabugin iyon.”
“Balak ba ni Red gawing sardinas ang bomba?” nagtatakang tanong ni Amiel
Sa katangahan niya ay hindi ko maiwasang maalala si Nate.
“And, Jadey, I think you need to see this.” nag aalangan na iniharap ni Theo sa'kin ang laptop niya
“Horror?” dinig kong tanong ni Ryeio kay Theo pero hindi siya nito pinansin gano'n na rin ako na naka focus lang sa laptop
“Ito iyong cctv sa tapat ng mini mart, tanging pagpasok at paglabas lang ang makukuhanan dito.” sabi ni Theo
Napatitig ako sa isang taong pumasok sa mini mart.
“Klein. . .” mahinang sabi ko nang makilala ang taong iyon
“Nagawa niya pang makalabas kagaya nila Amiel, Jade. Pero kasi. . .” hindi tinuloy ni Theo ang sinasabi niya
Nabuhayan ako nang makita kong lumabas si Klein ng mini mart pero napahinto ito na para bang may nakalimutan dahil kitang kita ko ang pagkamot nito sa ulo bago umastang babalik sa loob kaso bigla na ngang sumabog.
Hindi ko na alam kung saan siya napunta dahil napuno ng usok at apoy ang lugar. Mabuti na lamang ay medyo mataas ang pinaglalagyan ng cctv.
“Theo, where's Klein?” walang emosyong tanong ko
“Nasa kabilang room lang siya. Right side.”
Mabuti naman.
Dahil kung malayo ang kwarto ni Klein, baka masapak ko lahat ng taong makakasalubong ko sa daan.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Ficção AdolescenteTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...