Chapter 99

2.4K 96 22
                                    

a/n: christmas lang walang merry dahil hindi merry ang pasko ko.

Chapter 99: TBSP

Aeriz's POV

Basta na nga lang ako hinila ni Kiro papunta sa Gzon's Hospital since malapit lang naman iyon.

Pero ang mali niya ay hindi niya manlang naitanong sa akin kung nandito ba si kuya o wala.

“Cutting classes huh?”

Napaiwas ako ng tingin para hindi makasalubong ang pamatay na titig ni kuya Ryle.

Kasalanan 'to ni Kiro e tangina niya.

“May bibisitahin lang kami sa loob.” sabi ni Kiro

Malamang. Alangan namang kakain tayo.

“Who?”

“Iyong janitor.” sarkastikong sagot ko na kaagad ko ring binawi nang sumama ang tingin niya sa'kin “Syempre pasyente. Alangan namang janitor 'di ba?”

“Behave yourself if you don't want me to drag you out of here.” seryosong sabi ni kuya sa'kin bago bumaling kay Kiro “Don't do stupid things.” nilampasan kami nito kaya naman nagkatinginan kami ni Kiro

“Let's go?”

Tinanguan ko na lang siya at nanguna nang maglakad kaso bigla akong napahinto nang may maalala at lumingon kay Kiro.

Hindi ko pala alam kung saan.

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin nang mag simula na siyang matawa.

“I want you to meet my brother.” nakangiting sabi ni Kiro sa akin bago binuksan ang pinto na nasa harap

Malawak ang kwartong ito. Halatang VIP e. May sariling kitchen at sala. Mayroon pang malaking tv.

“He's Ichiro Thadeus Yokashi.”

Unti-unting tumingin ako sa taong itinutukoy niya at bumungad sa akin ang lalaking walang malay ngunit sobrang pamilyar para sa akin.

“Alam mo bang February 15 no'ng time na naaksidente siya, tapos iyon din 'yong time na iniwan kami ni Mia.”

At naliliwanagan na ako sa lahat.

“Kuya, saved Aeros. Dapat si Aeros ang mahuhulog noon, pero tinulak niya ito at siya ang nahulog.”

Syempre makikilala ko siya.

“Mas nag aalala siya sa amin kaysa sa sarili niya. Hindi siya ganoon kaseryoso sa buhay dahil may pagka-maloko siya.”

Kaugali mo pala.” napangisi ako sa sinabi ko habang inoobserbahan ang kapatid niya

Nakita ko ang hindi makapaniwalang pag sulyap sa akin ni Kiro “Mas gwapo naman ako sa kaniya.”

Malamig na nga rito sa kwarto, mahangin pa ang kasama ko.

“Kung ganiyan din siya kahangin, mas mabuti pang huwag na siya gumising. Baka magkaroon ng bagyo.”

Pero parang bumaliktad ang mundo sa nakita namin.

“G-Gumalaw ang kamay niya. . .” namamanghang sabi ni Kiro habang nakatitig pa rin sa kapatid na unti-unti nang dumidilat “K-Kuya. . .”

Ilang beses muna itong pumikit bago inilibot ang mata hanggang sa tumigil iyon sa'kin.

“Kuya, naririnig mo ba ako?” tanong ni Kiro “Riz, dito ka muna ah. Tatawag lang ako ng doktor.”

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now