Chapter 134 : TBSPAeriz's POV
“Oh my god! What the fuck was that?!” kahit maarte ay mahahalata kaagad sa boses nito na natatakot siya
“Is everyone okay?” patakbong lumapit sa amin si kuya Ryle at nang makita akong tulala ay kaagad siyang lumapit sa'kin para icheck ako “Are you okay, Riz? Answer me!” halos alugin niya pa ako para lang sumagot
Naluluhang nag angat ako ng tingin sa kaniya at nanginginig na itinuro ang pwesto ni Aeros.
“Kuya, si Aeros. . .”
“Call a fucking ambulance!”
Dali-daling lumapit si kuya kay Aeros para itayo ito sakto namang dumating sila Tita rito sa garden.
“Aeros, anak, anong nangyari sa'yo?” kaagad na lumapit si Mama kay Aeros
Si Tita naman ay lumapit sa'kin para alamin kung ayos lang ba ako o kung may tama rin ba ako.
Para akong nakalutang sa ere dahil sa takot at galit na nararamdaman ko ngayon.
---
Nasa operating room pa rin si Lucifer. Habang kami ay nandito sa hallway at alalang-alala. Ewan ko lang sa mga sperm na naglalaro ng pusoy sa sahig.
Mga walang hiya.
“Walang bago. Ikaw pa rin, Tito Ranzel ang habol ng mga taong 'yon.” sambit ni kuya na bagong dating pa lang kasama si Chard
Umalis sila para makapag imbestiga sa kung sino man ang mga taong 'yon. Sinubukan kong sumama pero ayaw ni Kuya Ryle at hindi rin ako mapapalagay hangga't di ko pa nalalaman ang lagay ng demonyo kong kapatid.
“Sinasabi ko na nga ba!” isang malakas na sampal ang iginawad ni Mama kay Ranzel
Si Chea na umiiyak sa gilid ay napatahimik. Ang mga sperm na nagpupusoy sa sahig ay napanganga.
“Mag hiwalay na tayo.” sambit ni Mama na ikinaawang ng bibig namin
Gago?
“Nababaliw ka na ba, Alliana?” natatawang tanong ni Ranzel “Baka naman akala mo mag syota lang tayo, kasal na tayo at may anak pa. Ipinapaalala ko lang sa'yo.”
“I don't care! The fact that you are bringing my son to danger, then you're fucked!”
Mahina akong napahagikgik sa gilid at nang marinig 'yon ni Kuya Ryle ay kaagad na kinurot niya ang bewang ko.
Epal naman.
“You can't do that. You can't live without me, Alliana.”
Hala tanginang drama.
“Tarantado. Anong akala mo sa sarili mo oxygen?” sarkastikong sabi ni Mama
Literal na napaawang ang bibig ko sa rebut ni Mama.
Gago. Self, ikaw ba 'yan?
“Pwede ba? Manahimik na muna kayong dalawa?” iritang singit ni Tita sa kanila “Dinaig niyo pa ang mga batang kasama natin ngayon.”
Natahimik ang mag asawa at nakaramdam ng pagkapahiya, sakto namang bumukas ang operating room at iniluwa no'n ang Daddy ni Aj.
“Doc, how is he?” halos sabay sabay na tanong namin
Bahagyang napaatras ang Doktor bago sumagot “Good thing daplis lang naman ang nangyari sa kaniya, he'll be fine after a week.”
Para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan dahil sa nalaman. Pero hindi sapat 'yon para maginhawaan ako.
Hinding-hindi ako makakaramdam ng kaginhawaan hangga't hindi ko naipaghihiganti ang kapatid ko.
*****
Nate's POV
“Where do you think you're going, Aeriz Jade?”
Lahat kami ay napabaling ang tingin kay Kuya Zach nang marinig namin ang boses nitong halatang galit.
Deretso itong nakatingin kay Riz na walang emosyon ang mukhang tumitig sa kaniya.
“Hahanapin ko ang gumawa niyan sa kapatid ko.” ang boses niya ay hindi ko na makilala
Lumingon ako sa mga kaklase ko para sana may makapitan ako dahil ako ang nakakaramdam ng takot sa tensyon na pumapalibot sa amin ngayon.
Sana andito si Haven para hindi ako natatakot.
“Ano sa tingin mo ang magagawa mo kung nahanap mo sila?” halatang inis na tanong ni Kuya Zach
“Ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila kay Aeros.”
Ang mga mata ni Riz. . .nagbabaga. . .at umuusok sa galit. Parang iba siyang tao.
“Just let the authority handle it for fuck sake, Aeriz!”
Napasinghap si Riz sa galit pero ang galit na 'yon ay hindi mo makikita sa ekspresyon ng mukha niya. Kundi mararamdaman mo mismo.
“Tangina. Anong gusto mong gawin ko rito, Kuya? Tumunganga lang habang pinapanood ang kapatid kong nakaratay?”
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero pilit niyang tinatago para hindi magmukhang mahina.
Riz. . .
“Ano ba sa tingin mo ang magagawa mo? Sa tingin mo ba kapag nagantihan mo sila ay titigil na sila? Mag isip ka, Riz!”
“Edi papatayin ko sila.”
Sa takot na nararamdaman ko habang nakatingin kay Riz ay hindi ko namalayang napaatras na ako at napakapit sa laylayan ng damit ni Kiro.
“Babe, let the police handle this case.” sinubukan ni Grae na lapitan si Riz pero parang may sakit na lumayo si Riz sa kaniya
“Police are nothing.”
Bakit natatakot ako sa kaniya? Bakit pakiramdam ko hindi siya ang Riz na tinatrato kong ate? Bakit para siyang ibang tao?
“Mababaliw ako kapag wala akong ginawa para sa kapatid ko, baka makapatay pa ako.”
“Aeriz Jade, tigilan mo nga ang pagiging basagulera mo kahit ngayon lang!” galit na sigaw ng Mama niya
“Kung ikaw ang nasa posisyon ko at alam mong may magagawa ka, hindi mo ba ipaghihiganti ang anak mo?” tanong ni Riz sa kaniya na ikinatahimik nito “Hindi mo masagot kaya mas mabuti pang tumahimik ka na lang dahil hindi ako tumatanggap ng opinyon galing sa mga walang kwentang tao.”
Isang ingay ay nakapagpatahimik at nakapagpatindi ng tensyon dito sa hospital hall. Iyon ay ang pagsampal ni Tita Leigh kay Riz.
“Pinalaki kita. Inintindi ko ang galit mo sa magulang mo. Pero hindi ko naman inaasahang ganito ka na kabastos para sagot-sagotin mo ng ganiyan ang taong nagbigay ng buhay sa'yo!” parang aatakihin sa puso na sigaw ni Tita Leigh
Gusto kong umatras. . .gusto kong ipikit ang mga mata ko nang makita kong dumaan ang sakit sa mga mata ni Riz.
“Sana. . .sana hinayaan niyo na lang ako.”
Lahat kami nawalan ng imik. Walang nakapagsalita na para bang isang bomba ang pinakawalang salita ni Riz.
Riz. . .hindi ko naman inakalang ganito pala ka-tindi ang problema niya tapos dumadagdag pa kami.
“Excuse me po.” biglang nagsalita ang nurse na kadarating lang “Nailipat na po sa VIP room ang pasyente.”
Lahat kami pare-pareho ng landas ang tinahak, maliban sa dalawang tao.
Nang lumingon kasi ako ay nakita ko si Riz na naglalakad papalabas ng Hospital, ilang sandali pa ay sinundan siya ni Grae.
Sana lang magawa niyang pagaanin ang loob ni Riz.
“Nate, okay ka lang?” tanong ni Klein sa'kin
Tipid akong ngumiti sa kaniya “Okay lang!” ayaw ko na kasing dumagdag sa mga problema niyo kung sasabihin kong hindi.
___________________________________
____________________________
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Fiksi RemajaTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...