Chapter 102

2.3K 101 19
                                    

Chapter 102 : TBSP

Aeriz's POV

Tahimik lang kaming nasa sasakyan ni Van habang si Theo ay nasa shotgun seat hawak ang laptop niya.

“Sure bang dito ang daan?” naninigurong tanong ni Josh

“Are you underestimating me?” salubong ang kilay na tanong ni Theo sa kaniya

“May sinabi ba ako?”

“Wala pero iyon ang pinaparating mo.”

Feelingero ka pala, p're.”

“Kapag kayong dalawa hindi tumigil, ihuhulog ko kayo.” pagbabanta ko sa kanila dahil nagsisimula na silang mag bangayan

Kaagad silang natahimik at napaiwas ng tingin.

“So ikaw iyong black na tinutukoy ng nag ligtas kay Grae mula sa kamay ng ama niya?” seryosong tanong ni Aj

Mula pa kanina ay hindi nila naisip na buksan ang topic na iyan, ngayon lang.

“Oo.” maikling sagot ko sa kaniya

“Pero ano nga ba ang Alpha Society?” tanong ni Josh

“Your curiosity will be the reason for your death.” ang malamig na boses ni Van ang sumagot sa tanong nito

“And you think I'm scared of death?” ganti ni Josh

Basta talaga sperm, matigas ulo.

“Nah. Pero sigurado akong takot ka sa taong papatay sa iyo kapag sinubukan mo pang alamin ang tungkol sa Alpha Society.” nakangising sabi ni Van habang ang paningin ay nasa kalsada pa rin

“Turn left, Van.” utos ni Theo rito

“Sino ba ang papatay sa'kin once na may nalaman ako tungkol sa Alpha-Alpha na iyan?”

“Si Black.”

Gulat na napatingin sa'kin si Aj at Josh habang napangisi naman sila Van at Theo dahil sa reaksyon ng mga ito.

“Van.” naninindak na tawag ko rito

Pero napailing lang ito “You know the rules, Jade.”

“I can break that fucking rules for them. I'm sure you're aware of what I am capable of just to save what I treasure.”

“Treasuring them will led you to your own grave.”

“I'm not afraid of death, death afraid of me.”

Ang apat na kasama ko ay tila napipi at nawalan ng hininga sa sinabi ko.

Handa akong makipag patayan kay kamatayan, para hindi niya makuha ang mga taong mahalaga sa akin.

“We're here.”

Gaya ng inaasahan ko. Isa itong abandonadong gusali na parang guguho na sa isang tapik lang.

“Sigurado ka bang nandito ang mga kaibigan namin?” tanong ni Josh

“Ba't ba hindi ka na lang maniwala sa'kin?” inis na tanong ni Theo

“Hindi kasi katiwa-tiwala iyang mukha mo.”

Ano ba ang mga 'to? Dati siguro silang mag kaaway sa past life.

Akmang susugudin ni Theo si Josh nang humarang naman sa gitna nila si Van.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now