Chapter 124

2.2K 94 12
                                    

a/n: sorry nabusy lang these past few daaaayssss.

Chapter 124 : TBSP

Aeriz's POV

“Hoy, sperm! Saan ba tayo pupunta?” inis na tanong ko kay Grae

Basta na lang niya kasi akong hinila papunta sa kung saan nang makita niya akong bumalik sa room.

Hindi manlang tinanong kung gusto ko bang sumama sa kaniya tapos ngayong tinatanong ko siya hindi niya naman ako pinapansin!

Napanguso na lang ako sa sobrang inis at nagpahila na lang sa kaniya hanggang sa makarating kami sa parlor.

Anong gagawin namin dito?

Nang makapasok kami sa parlor ay kaagad kaming sinalubong ng mga bading.

“Ay pogi!” kaagad na hiyaw no'ng isang sumalubong sa'kin

“May jowa, mars.” dinig ko namang sabi ng katabi niya

“Hindi ko siya jowa!” inis na sigaw ko at galit na hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Grae

Madilim ang mata na tumingin si Grae sa akin bago napabuntong hininga.

“Sorry 'bout that. She's my wife.”

Anak ng sperm!

Sasaksakin kita ng ballpen sa ngala-ngala mamaya.” nanggigigil na bulong ko kay Grae

Matamis lang siyang ngumiti sa'kin at dahil doon ay medyo nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa kaniya.

Tanginang sperm 'to lakas ng dating.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at parang mabait na bata na pinanood siyang naupo sa isang swivel chair mukhang balak niyang magpagupit.

Naramdaman ko namang lumapit sa'kin ang isang bakla Swerte mo, girl.” bulong nito sa'kin

Lumapit ang dalawang bakla kay Grae at ako naman ay naupo sa sofa.

“Anong klaseng gupit, pogi?” dinig kong tanong ng bakla kay Grae

At mula sa salamin ay tinitigan ako ni Grae sa mata. “I want a new hair color.”

Eh?!

“Anong kulay naman? Dami kasing color. May red, violet, pink, green, maroon---”

“What color do you want, babe?” tanong ni Grae habang nakatingin pa rin sa'kin

“Ay for me tingin ko ako ang bagay sa iyo.” sagot ng enchoserang bakla

“Gaga! Hindi ikaw ang tinatanong huwag kang enchosera.” wika ka sa kaniya ng katabi niyang bakla rin

Napatakip naman sa bibig ang baklang sumagot at napatingin sa akin. Napangiwi naman ako sa kaniya.

“Try mo transparent baka bagay.” walang ganang sagot ko kay Grae

Nagtawanan ang mga bakla dahil malamang iniisip nilang nagbibiro lang ako pero nang makita nilang seryoso ako ay natahimik sila.

Mukha ba akong joke sa kanila?

“Gusto ko natural iyong kulay ng buhok mo, kung ayaw mo edi gawin mong transparent.” seryosong sabi ko kay Grae

“You heard my babe.” nakangising sabi ni Grae sa bakla

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now