Chapter 119 : TBSP
Aeriz's POV
Paano ba malalaman kung nagkakagulo ang isang grupo?
“Putcha! Ang akala ko nasa gubat ang ahas, meron din pala rito!” sigaw ni Chard
Ganiyan ba?
“Psh! At least hindi ako pasimpleng nang aagaw. Kunwaring ayaw pero gustong-gusto naman.” inis na parinig ni Nate
Kahit hindi niya sinasabi kung sino ay alam kong si Kiro ang pinariringgan niya na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.
Pagkadating na pagkadating ko pa lang dito sa room ay ganiyan na sila. Nagpaparinigan na.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila nagkakaganiyan ang kaso lang ay kahit ano pa 'atang paliwanag ang gawin ko ay hindi nila maiintindihan dahil mga bobo sila.
“Kaysa naman sa todo angkin, hindi pa naman sila.” pagpaparinig din ni Josh
Sasakalin ko itong mga 'to nang magsitigil na at nang matahimik naman ang buhay ko hindi iyong araw-araw na lang may bwisit.
“Sarap talaga pagsasapakin no'ng mga taong feelingero pero bobo.” naiiling na sabi ni Mac
“Suntukan na lang!” hamon ni Daryl at tumayo
Nagtayuan din naman ang ibang sperm mula sa kaniya-kaniya nilang upuan.
“Mag tigil nga kayo!” galit na sigaw ko at sabay-sabay naman silang tumingin sa akin na kinakabahan “Para kayong mga bata.”
“Riz---”
“Ano bang gusto niyo ha?” tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumitig sa kanila nang seryoso
Tanginang mga sperm 'to.
*****
Kiro's POV
Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'min pero may kung anong kakaiba ro'n.
“Gusto niyong mag suntukan?” tanong nito na walang kahit anong emosyon ang mukha “Parang hindi kayo magkakaibigan kung umasta.”
Lahat kami ay napayuko na lang sa sinabi niya. Tama siya. Magkakaibigan kami pero sa inaakto namin ngayon ay parang wala kaming pinagsamahan.
“Hindi mo kasi kami naiintindihan, Riz.” sabi ni Klein sa kaniya
“Hindi ko kayo naiintindihan o sadyang nagiging bobo na naman kayo? Ang sitwasyon ba namin ni Kiro ay iniintindi niyo? Hindi rin naman ah. Anong karapatan niyo ngayong sabihin sa aking hindi ko kayo naiintindihan?” walang prenong sabi nito
“Kung hindi ka niya patagong sinusulot edi sana hindi nagiging magulo ang lahat.” sabi ni Chard at sinamaan ako ng tingin
“Paano kasi siya makakaporma nang ayos kung binabakuran ng isa riyan? Anong akala niya sa sarili niya? Asawa?” inis na tanong ni Angelo
“Hindi niyo ba talaga maintindihan iyong salita ‘naipit’? Pareho lang kami ni Kiro na naiipit sa sitwasyong hindi namin gusto.” wika ni Riz
“Sigurado ka bang hindi niya gusto ang sitwasyon niyo ngayon?” seryosong tanong ni Aj “Ikaw ang tatanungin ko, Riz. Manhid ka ba talaga o sadyang tanga ka lang?”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...