Chapter 114 : TBSP
Aeriz's POV
From: Red
Kung gusto mo talaga malaman ang lahat, bakit hindi tayo mag kita? Alam mo na kung saan.Napatitig ako sa kawalan matapos mabasa ang text ni Red. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Riz, you should eat.” narinig ko ang boses ni Grae na nasa gilid ko
“Wala akong gana.”
“If you're thinking about Aeros, don't worry, I already asked Aj to look for him for the mean time.” hinawakan nito ang kamay ko
“Grae, nadadamay si Lucifer sa akin. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng nangyayari.” natahimik ako at napabuntong hininga nang muling maalala ang message ni Red
“Hindi kita pipigilan sa ano mang gagawin mo, basta siguraduhin mo lang na tama at hindi ka mapapahamak diyan.”
Napatitig ako sa kaniya “Hindi ka mag aalala?”
Napabuntong hininga naman ito “Palagi akong nag aalala sa'yo kahit pa wala kang ginagawa.”
Kusa na akong napangiti sa sinabi niya. Wala na lalaki na naman ang ulo nito at mag mamayabang na napangiti niya ako.
“Makikipag kita ako kay Red.” sabi ko rito
“Ano?!” halos mapatalon ako sa gulat nang may mag salita mula sa likuran namin ni Grae
“Chismoso ka talaga, Clyden.” naiiling na sabi ko
“Makikipag kita ka roon e kita mong may lahi iyong demonyo.” sabi ni Daryl na masama ang tingin sa akin “Huwag mo akong subukan, Riz. Isang bala ka lang---aray!” napahawak ito sa noo niya ng hampasin ko iyon
“Sana pala itong inuupuan ko na lang ang hinampas ko sa iyong sperm ka.” sabi ko rito
“Sure ka na makikipag kita ka sa kaniya?” nag aalalang tanong ni Kiro sa'kin
Tumango ako sa kaniya at nakita ko naman ang kaagad na pag aalala niya.
---
“Jade! Kamusta?” lumabas ang dimples ni Red nang ngumiti siya sa akin
Ang mga mata niya ay parang dumudugo dahil sa pagkapula no'n. Hindi siya bampira pero pulang-pula ang mata niya.
Kitang-kita rin ang mga peklat niya sa noo kung saan palagi kong nakikita sa mga taong nakakalaban ko.
Dahil ako ang gumagawa no'n.
“Anyway, Jade, I want you to meet someone. Yuiena, come out.”
Napatingin ako sa isang sulok nang makarinig ng yabag at doon nakita ko ang nakangiting si Yena.
“Bitch.” galit na bulong ko
“Hi Riz! How are you? Iyong papa mo kasi hindi okay e.” ngumisi ito sa akin
“She's Yuiena Yamaguchi. My half sister.” inakbayan ni Red si Yena
“Pumunta ka rito dahil may gusto kang malaman ano?” nakangisi pa rin si Yena “Alam mo, matagal na kitang sinusubaybayan kaya naman nag apply akong secretary ni Jin Montero. Hanggang sa may nalaman akong ikakamatay mo sa sobrang lungkot.”
“Sabihin mo sa'kin ang nalaman mo.” matapang na wika ko rito
“May mga manloloko na nakapalibot sa iyo, itinuturin mong kaibigan pero. . .sa huli ay ikaw ang masasaktan.”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...