a/n : 🌷
Chapter 122 : TBSP
Kimiara's POV
“What do you want to talk?” his voice was so cold
Hindi siya ganito makipag usap sa akin noon dahil dati palaging malambing ang boses niya kahit pa naiinis ako sa kaniya ay malambing pa rin ang boses niya para mag kaayos kami.
Ganito ba talaga kalaki ang naging kasalanan ko sa kaniya?
“Kiel---”
“Stop calling me that.”
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilang mapaluha dahil sa sakit na lumulukob sa puso ko.
“I'm sorry.” panimula ko at walang emosyon lang siyang nakatingin sa'kin “I know I'm such a bitch for coming back and wanting you back to me. I regret the time I left you for my career.”
“You called me here to tell me that?” parang hindi pa makapaniwalang tanong niya “I have no time for you, Mia.” tumayo na ito pero bago pa siya makaalis ay kinapitan ko na ang laylayan ng damit niya
“Ano bang dapat gawin ko para patawarin mo ko?” nagmamakaawang tanong ko
I am losing my mind. Hindi ko kakayaning mabuhay nang galit si Kiel sa akin.
“You don't have to do anything, I just don't have a heart to forgive you.” huling sabi nito bago tuluyang umalis
Nawalan ako nang lakas at tuluyan nang napaluha. Hindi ko naman ineexpect na ganito pala kasakit humingi ng tawad.
Parang nagkaroon naman ng sariling isip ang mga kamay ko at gumalaw iyon para tawagan si Van.
Ilang ring pa bago ito sumagot [What?]
The time I heard his voice. . .lahat ng pagpipigil kong humikbi ay nawala at tuluyan na nga akong napaiyak dahilan para mapatingin sa'kin ang mga tao.
[Where are you?] tanong nito at nang hindi ako sumagot ay muli siyang nag tanong [Kim, nasaan ka?]
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot “S-Sa Lovers Cafe.”
[Wait for me. Susunduin kita.] then he ended the call
Nakangusong napatitig ako sa phone ko at parang tanga na napangiti. Para na tuloy akong baliw dahil kanina lang umiiyak ako tapos ngayon naman nakangiti na.
Paano ko ba naman kasi maiiwasang mahalin ka, Van?
*****
Aeriz's POV
“Saan punta mo later?” tanong ni Ivy
Nakipagkita sila sa akin ang sabi ay kakain ng masarap pero ayun dinala nila ako sa ihaw-ihaw edi nangamoy usok kaming apat.
“May kikitain lang.” sagot ko sa kaniya habang kumakain ng isaw
“Who? Your fiancé?” mapang asar na tanong ni Reign at nginisian si Sam
“Gaga nito ni Reign. Nagseselos si Sam gagi ka.” sabi ni Ivy
“You two really love to bully me.” inis na sabi ni Sam sa kanila at nagtawanan naman iyong dalawa at patuloy pa rin siyang inaasar
Sanay na naman ako sa kanila dahil sa aming apat si Sam palagi ang kawawa sa dalawang ito. Napakabully at kapag may gustong malaman ay dinaig pa ang pagiging usisero ni Boy Abunda.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...