Chapter 129

2.5K 96 19
                                    

Chapter 129 : TBSP

Aeriz’s POV

“Ryle, hindi pwedeng basta mo na lang sila ilipat. Baka nakakalimutan mong nag aaral 'yang mga pinsan mo rito.” sabi ni tita sa kaniyang anak

Tanging pag tango lang ang nagagawa namin ni Lucifer habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa.

Baka kasi bigla na lang magkaroon ng tahi ang bibig namin kapag nagsalita kami.

“Ma, mayroon pang online class.” sarkastiko ang boses ni kuya “Riz! Silent your phone! It starting to hurt my goddamn ears!”

“Ryle! Huwag mo sigawan ang pinsan mo!”

Ayan, tita, go lang ipagtanggol mo ako!

Di ko naman kasalanan na kanina pa tumutunog phone ko dahil sa maya't-mayang chat ng mga pesteng sperm.

Hindi pa nga sila nakuntento dahil nag text din sila sa'kin at tumawag pero di ko naman nasasagot.

Nate: Riiiiizzzzz! Sn kna? Miss ko n u!

Mac: Hi Riz! Wer n u? D2 n kmi sa skul^_^

Gago 'tong mga 'to. Kulang kulang ang keyboard.

Kiro: Riz, did something happened?

Aj: Call us if you needed

Grae: are you ok?

Mga magugulong sperm.

Ayaw pa talaga nilang patahimikin ang buhay ko.

Napabuntong hininga na lang ko sa pinatay ang phone ko para naman mabawasan ang galit ng pinsan kong malapit na mag transform as demonyo.

“Was that your classmates?” pabulong na tanong ni Lucifer sa'kin

“Oo. Hinahanap na nila ako, baka mamaya mabalitaan na lang natin na nakarating na sila sa ibang bansa kakahanap sa'kin.” pabulong na sagot ko

“You're so full of yourself, Riz.”

“Anong pinagbubulungan niyo riyan?!”

Anak ng taong puno ng sama ng loob oh! Pati ba naman pagbulony ay bawal?!

“Kuya---”

Sumama ang tingin ni kuya Ryle sa'kin “Oh ano? Sasagot ka na naman? Diyan ka magaling! Iyang pagsagot-sagot mo sa mas nakakatanda sa'yo! Hindi ka na kasi marunong gumalang e!”

“Iyan. Wala ka kasing manners.” pabulong na pangaasar ng panget kong kapatid

Feeling naman niya napakagalang niya e kung kausapin niya nga magulang niya ay para lang nakikipag usap siya sa mga tiga-kanto.

“Isa ka pa, Aeros!”

Ayan gago buti nga sa'yo.

“Habang patagal nang patagal ay lumalabas na ang pagkakapareho ng ugali niyo! Ang masama roon ay pareho pang magaspang!” sigaw ni kuya

Napanguso kami ni Lucifer pero nagulat naman nang makita naming binatukan ni tita si kuya.

“Sa iyo pa talaga nanggaling iyan e ganiyang-ganiyan ka rin naman noong bata ka pa!”

Nagkatinginan kami ni Lucifer at sabay na napahagikhik dahil sa nalaman pero tumigil din nang samaan kami ng tingin ni kuya.

Lakas ng loob niyang pagalitan kami e ganoon din naman pala siya.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now