Chapter 126 : TBSP
Aeriz's POV
“Pwede ba tayong mag usap, Aeriz Jade?”
Ayoko nga!
“Ge. Pasok.” gulat pa ring sagot ko rito
Pumasok naman siya at naupo sa gilid ng kama habang ako naman ay nasa kabilang side ng kama.
“Anong pag uusapan natin? Sa pagkakatanda ko ay wala tayong dapat na pag usapan.” wika ko na ikinataas ng kilay niya
“Pansin kong nalalaman mo na ang tungkol kay Jin Montero. At napapalapit ka na sa kaniya dahil noong isang araw ay may nakakita sa inyo.”
Eh? Si Jim naman ang kasama ko.
“Ano ngayon sa'yo kung makasama ko ang papa ko?” takang tanong ko nang hindi binabanggit na matagal ng patay ang taong kinamumuhian niya
“Do you even realize kung bakit inilayo kita sa mga Montero?”
“Hindi.”
Napabuntong hininga na lang si mama “Akala ko kapag nailayo na kita ay hindi ka na magkakaroon ng kausap na isang Montero, but I was wrong. Hindi mo lang sila kinausap, kinaibigan mo pa.”
Ano? Magulo.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo. Wala akong naintindihan bukod sa Montero na nananatili pa ring misteryo sa utak ko.” wika ko
Napakarami kong gustong itanong sa kaniya kaso tsaka na lang kapag naging matino na siya kausap at hindi na siya bruha.
“May Montero kang nakakausap. . . nang hindi mo nalalaman.”
Sumeryoso ang tingin ko sa kaniya “Paano ko naman masisiguro na hindi ka nantitrip?”
“What do I expect? Bata ka pa nga pala, wala ka pang alam sa nangyayari sa paligid mo. Kahit nga 'ata tinatraydor ka na ay hindi mo pa rin alam.”
Sumasama na ang tabas ng dila nito ah.
Isa na lang sasamain na rin siya sa'kin.
“Alam mo kung wala ka ng matinong sasabihin---well kahit kailan naman ay wala ka pang matinong nasasabi pero mas magandang lumabas ka na ng kwarto ko bago pa lumabas ang tigre at liyon na sasakmal sa'yo.” matapang na sabi ko
Tumayo naman siya at lumapit sa'kin kaya tumayo rin ako at puno ng yabang na hinarap siya.
“Hindi ko inakalang ang galit ko sa ama mo ay dodoble pagdating sa iyo.” mahinang sabi niya
“Bakit ba ang hilig mong makialam? Ba't di na lang si Aeros at ang asawa mo ang pakialaman mo? Tantanan mo na ang pangingialam sa buhay ko para lang masabihan kang isang mabuting ina.” matapos sabihin iyon ay sumalubong sa akin ang palad ni mama
Napaupo akong muli sa kama ko matapos niya akong sampalin ng pagkalakas-lakas. Pakiramdam ko ay nalaglag lahat ng kaalaman ko dahil doon.
“Sinong nagbigay sa iyo ng karapatang bastusin ako?!”
Iyan na nga sumisigaw na, pero di ako papatalo. Sino ba siya para katakutan ko? Hindi naman siya ipis.
“Sino rin ba ang nagbigay ng karapatan sa iyo para saktan ako? Ang lakas din ng loob mong sampalin ako, e hindi mo naman magawang umakto bilang ina ko.”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...