a/n : lapit na valentines aaaahhhh sanaol may tsikolet. 🍫
Chapter 120 : TBSP
Aeriz's POV
Nagpakawala ako ng isang matinding buntong hininga bago isinandal ang likod sa kinauupuan ko.
Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate iyon at nakitang nag text si Lucifer.
From: Lucifer
Where are you? Kuya Ryle was looking for you, hindi ka nagpaalam na lalabas ka pala. Please text back.Napairap na lang ako sa hangin. Nandito ako ngayon kumakain ng ice cream sa labas ng mini mart, malapit lang naman sa bahay pero kung makapag text sa akin 'tong si Lucifer ay para namang nasa abroad ako.
Gusto kong magkaroon ng katahimikan kaya kahit ang text o tawag ng mga sperm ay hindi ko sinasagot.
Patong-patong na ang problema ko, idagdag pa iyong nanay kong bruha. Kanina lang ay kung ano-ano na namang kabaliwan ang sinabi sa akin tungkol sa kasal daw namin ni Kiro.
Tangina! Bakit hindi na lang siya ang magpakasal tutal siya naman ang may gusto?!
Binabaliw na talaga ako ng mundo. Baka sign na 'to para sumama na ako sa manok ni San Pedro.
“Okay ka lang ba?” nakarinig ako ng pamilyar na boses at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Ichiro na nakaupo para mapantayan iyong bata na pulubi
Aba nga naman. Akala ko maarte ang isang 'to dahil mayaman.
“Nagugutom ka ba?” malambing na tanong nito sa bata
“Opo. . .pero wala naman akong pambili e.” sagot ng bata sa kaniya
Nakaramdam naman ako ng awa sa bata kaya bumaba ang tingin ko sa sandwich at juice na nasa harap ko.
Tumayo ako sa lumapit sa kanila nang hindi nila napapansin “Eto oh.” inabot ko rito ang hawak kong tinapay at juice
Napalingon si Ichiro sa'kin at bumakas naman ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
“Gorgeous. . .”
“Huwag mo nga akong tawaging ganiyan. Riz ang pangalan ko.”
“But you're gorgeous.”
Napabuntong hininga na lang ako dahil narealize kong sperm din ang isang 'to katulad ng kapatid niya. Hindi rin nakikinig at gustong palaging nasusunod.
Naupo na lang ako para pantayan iyong bata na nagdadalawang isip na tanggapin ang ibinibigay ko sa kaniya.
“Ako si Ate Riz. Ikaw? Anong pangalan mo?” binigyan ko siya ng matamis na ngiti at sa sandaling iyon ay sumilay din ang ngiti sa labi niya kaya naman lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi
“Ako po si Suah.”
Mas lalo akong napangiti nang marinig ang pangalan niya.
“Ang ganda ng pangalan mo, parang ikaw.” nakangiting hinawi ko ang hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha niya bago hawakan ang kamay niya at dalhin siya sa kinauupuan ko kanina
Tahimik naman kaming sinundan ni Ichiro at naupo sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ang gago matamis lang na ngumiti sa'kin na dahilan kung bakit para na siyang tulog ngayon.
Iba talaga pag singkit. Gwapong singkit pero isa rin pa lang sperm hays.
“Hi Suah! Ako si Kuya Ichiro. May gusto ka pa bang kainin?” nakangiting sabi ni Ichiro kay Suah
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...