a/n: edi sorry na kung na-busy ako sa au😭
Chapter 139 : TBSP
Aeriz's POV
Matapos kong maka usap si kuya ay tinanong niya kung nasaan ako at mukhang si Aeros ang inutusan niyang sundoin ako dahil heto siya ngayon katabi ko sa elevator papunta sa parking lot ng condo ni Van.
“Lumayo ka na sa kanila.” seryosong sabi niya habang nakapikit ang mata
“Hindi ka pa ba kuntento na sinuntok mo si Van kanina? Talaga palalayuin mo pa ako sa kanila?”
“Hindi sapat ang suntok na iyon dahil matigas ang mukha niya.”
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Talaga nga namang pagkayabang ng hayop na 'to.
“Psh! Hinayaan ka lang nilang saktan mo ang sarili mo?” inis niyang tanong habang nakatingin sa kamay kong may benda dahil sa nabasag na baso kanina
“Hindi nila alam.” sabi ko pero inirapan niya lang ako
“Dapat binabantayan ka nila.”
“Hindi na ako bata.”
“Bata lang ba ang binabantayan? Naturingan kang matalino sa acads pero bobo sa buhay.”
Grabe parang hindi rin siya bobo ah.
Bumukas ang elevator at nauna naman siyang maglakad sa akin na tila ba nagmamadali.
Tumigil ako sa pag lalakad kaya naman humarap siya sakin “Asan ba sasakyan mo?” tanong ko sa kaniya
Masyado akong pagod para mag lakad kaya dito niya na lang ako puntahan kung dala niya sasakyan niya.
“Riz, tara na. Naghihintay sila kuya sa bahay.”
“Eh pagod nga ako!”
Napabuntong hininga si Aeros at lumapit sa akin. Bigla na lang siyang umupo patalikod sa'kin so kaharap ko ang likod niya.
“Sakay na.”
Napangiti ako sa sinabi niya kaya naman bago pa magbago ang isip niya ay sumampa na ako sa likod niya.
“Ang bigat mo.”
Kapal ng mukha.
“Thank you, Kuya. . .Lucifer” nakangiting sabi ko
“Lucifer?” sarkastikong tanong niya bago umastang bibitawan ako nang yumakap ako sa leeg niya para masakal siya “Aray ko! Ano ba?!”
“Sige na uwi na tayo dami mong arte kaugali mo naman si Lucifer.”
“Para namang napakabait mo.” sabi niya bago nagsimulang maglakad papunta sa sasakyan niya
Pagpasok namin ay sinubukan niya nang paandarin ang engine.
“Shit! Ayaw mag start.”
Napangiwi ako sa sinabi niya pero nang mapatingin ako sa side mirror ay nanlaki kaagad ang mata ko kasabay no'n ang taong tumakip sa bibig ko hanggang sa mawalan ako ng walay.
Pero bago pa ako makatulog ay nakita ko ring bumagsak si Aeros sa tabi ko.
---
Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako at nakita ko ang sarili kong nakagapos sa silya.
Kaagad na nakaramdam ako ng pagkabalisa nang makitang pamilyar sa akin ang lugar. Parang may kung anong sumasakal sa'kin na nagiging dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...