a/n: how about we go back to their past?
Chapter 91 : TBSP
Grae's POV
“It was the destiny's cruelty, Ezekiel.” nakangiting sabi sa'kin ng aking ina “Ayaw kong mag tanim ka ng galit sa daddy mo.”
“I won't, but promise me first that you won't ever let him hurt you again.” nakangusong sabi ko napangiti lalo siya at hinaplos ang mukha ko
“I promise, my love.”
That's a lie.
Dumating ang araw at nakita ko na naman siyang sinasaktan ni Daddy.
“Mom!” sigaw ko nang makita ang akmang pagsapak ng aking ama sa kaniya dali-dali akong lumapit sa aking ina at tinulungan siyang tumayo kaagad na hinarap ko naman ang galit na galit na aking ama “Don't hurt my mom!”
“Stop meddling, Grae Ezekiel!”
“I'll stop, if you stop hurting my mom!”
Hinawakan niya ako ng mariin sa braso na naging dahilan ng pag sigaw ko dahil sa sakit na naramdaman.
“Enrique, no! Don't you dare hurt my son!” kaagad na itinulak ni mommy si dad papalayo sa akin “Pinapalampas ko ang mga pananakit na ginagawa mo sa akin, pero iba na ang usapan kapag anak ko ang sinaktan mo!”
“Pack all your things, Grace. Iiwan natin ang mga anak mo rito, para matuto silang mamuhay nang sila lang.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy kay mommy.
“Sobrang bata pa ng mga anak natin, Enrique!”
“For fuck sake, Grachangel! Grae is already 10 years old! Let him learn how to be independent!He can already take care of his siblings!”
Bumaling sa'kin ang aking ina at pilit na ngumiti “Grae, pumasok ka muna sa kwarto mo.” tumango ako sa kaniya bago dali-daling pumasok sa kwarto
Hindi ko malaman kung ilang oras na akong naghihintay lang na bumukas ang pinto ng kwarto ko habang nakaupo sa kama.
Nang makita ko pa lang na bumukas ang pinto ay agad akong bumaba sa kama para salubungin kung sino iyon.
“Ezekiel. . .” lumuhod si mommy at sinalubong ako ng yakap “Do you want to sleep with me, my love?” malambing niyang tanong
“With Gwen and Gio po ba?” kumikinang ang mata ko
“Yep!” natatawang sabi niya at hinawakan ang kamay ko para lumabas kami at pumunta sa master bedroom
Wala si daddy, umalis na naman siya.
“Mom, you won't leave us right?” I asked my mom
“Of course I won't.”
“Promise?”
“Yep. I promise.”
And that's another lie. . .
I woke up in the morning, my mom already left.
“Grae, buksan mo! Bilis na!” naririnig ko ang maingay na boses ni Ichiro mula sa labas ng kwarto ko
“Ichiro, baka naman tulog pa siya. Hayaan mo nga muna si Kiel, napaka papansin mo talaga!” dinig ko rin ang iritadong boses ni Jeisz
Dali-dali akong pumunta sa may pintuan para pagbuksan sila ng pinto.
“Yes?”
“Anong yes ka riyan?! Kagabi pa kami tumatawag sa'yo pero di mo sinasagot! Pinapagalitan na nga ako ni Kuya Ryle dahil babad na raw ako sa gadget.” singhal ni Jeisz sa akin
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...