a/n: 🌷
Chapter 97 : TBSP
Aeriz's POV
Ilang araw na rin mula noong nagkasagutan kami ni Lucifer tungkol sa nakaraan namin.
At wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya.
Kapag walang pasok ay palagi akong nakila Sam o kaya naman pumupunta ako sa tambayan namin nila Van para lang iwasan siya.
Pero ngayon ay nandito ako sa bahay dahil akala ko wala rito si Lucifer pero mali ako.
“Aeros, anak, buksan mo naman ang pinto! Mag usap tayo, please!”
Dinig ko ang nagmamakaawang boses ni mama sa labas ng pinto ni Lucifer.
Ano naman kayang meron?
“Aeros Jeisz, hinahanap ka na nila Chea! Hindi ka pumapasok maski lumabas manlang ng kwarto mo hindi mo ginagawa! Nag aalala na si mama, please usap tayo!”
Nag iinarte lang naman si Lucifer pero kung makapag alala kayo parang isang taong hindi lumabas ng kwarto.
Nang lumabas ako ng kwarto ko ay nakita ko pa rin si mama at Ranzel na kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Lucifer at pilit siyang pinapalabas.
Bumaba na lang ako dahil sa nakakasurang eksena ang nakikita ko sa taas.
Bumungad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ni Lucifer.
Anong ginagawa ng mga 'to rito?
Napansin ko pa ang mugtong mata ni Chea. Halatang buong araw nag iyak.
“Riz, c-can we talk?”
Paano kung bawal?
“Ge.” tumango ako sa kaniya at inaya siyang pumunta sa likod ng bahay
Naupo ako sa bench kung saan ako nag drama nung nakaraan pero si Chea ay nanatiling nakatayo sa harap ko.
Hanggang sa bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at umiyak!
Ano ba 'to?!
“H-Hoy. . .! Tumayo ka riyan!” napatayo na ako sa gulat dahil sa ginawa niya
“H-Hindi ko na alam kung anong nangyayari kay Jeisz. . .t-the last time I saw him. . .h-he was so down. . . frustrated. . .and it feels like he's lifeless.” umiiyak na sabi niya sa akin habang nakaluhod pa rin “I tried to talk to him. . .pero wala siyang ibang sinasabi sa akin kundi okay lang siya.”
“E baka naman okay lang talaga siya, oa ka lang sadya.” nakangiwing sabi ko habang pilit siyang pinapatayo
Mas lalo lang lumakas ang iyak niya “Riz, ilang araw na siyang hindi pumapasok. Malapit na ang exam at paniguradong babagsak siya kung hindi siya papasok. I-I don't want him to fail. . .please. . .talk to him. . .”
Nawalan ako ng lakas sa pag pilit sa kaniyang tumayo at napatitig na lang sa kaniya.
“Bakit hindi ikaw ang gumawa niyan? Ikaw ang syota niya malay mo sundin ka.” seryosong sabi ko rito
“I tried, Riz. Sinubukan ko na pero wala talaga akong magawa.” tinuyo niya ang mga luha sa pisngi niya “You are his sister, Riz. Ikaw lang ang makakagawa ng bagay na hindi ko magawa.”
“Matagal niya ng kinalimutang may kapatid siya, Chea. At hinding-hindi niya na ako kikilalanin bilang kapatid niya.” mariing sabi ko sa kaniya
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Fiksi RemajaTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...