Chapter 105

2.3K 92 9
                                    

Chapter 105 : TBSP

Aeriz's POV

“Ang sabi mo raw kay mama ay 2pm ka uuwi.” nagpapasensyang sabi ni kuya “What time is it, Riz?”

Napatingin naman ako sa cellphone ko bago sumagot “11:02”

“That's it! 9 hours late huh?!”

Bahagya akong napaatras sa sigaw niya. May natutulog na kaya medyo kontrolado niya iyon pero dahil katapat ko lang siya ay nakakabingi iyon.

Kasalanan ni Van kung bakit inabot na ako ng ganitong oras! Mag pahatid pa ba naman sa akin pabalik sa condo niya dahil hindi niya raw dinala ang motor niya!

Sasaksakin ko talaga ngala-ngala no'n kapag nagkita kami sa susunod.

Ipapaalala ko lang sa iyo, mahal na prinsesa, hindi pa magaling ang mga sugat na natamo mo sa taong sinugod niyo.” inis na sabi nito

“Okay na naman ako---”

“Huwag ka ngang selfish, Riz! Isipin mo namang may pamilya kang nag aalala sa'yo! Nag aalala kami sa'yo dahil sa tuwing kasama mo sila Van or Grae ay palagi ka na lang napapahamak! Isipin mo naman ang nararamdaman namin, huwag puro sarili mong kaligayahan.” kaagad naman akong napayuko sa sinabi niya at kinain ng guilt

“Sorry, kuya.” mahinang sabi ko

Napabuntong hininga pa si kuya pero lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo “Umakyat ka na sa taas at matulog. May pasok ka pa bukas. Malapit na ang exam at inaasahan kong hindi ko mapupunit ang report card mo.” sabi nito sa akin at nginisihan ko siya kaya naman pinitik niya ang tenga ko bago halikan sa noo “Matulog ka na. Goodnight, Riz.”

Ngumiti lang ako sa kaniya at umakyat na para matulog.

Pero pagdating ko sa kwarto ay naisip ko ang mga sinabi ni kuya.

Naisip kaya ni Ivy ang mararamdaman namin bago niya tanggalin sa'min ang tyansa na malaman ang tungkol sa binabalak ni Red?

Pero baka naman hindi talaga si Ivy ang may gawa. . .baka ginamit lang nila iyong palaso ni Ivy. Baka ninakaw lang para akalain naming siya.

Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate iyon ng dalawang beses. May dalawang text.

From: Kiro
sabi nila kapag 11:11 na raw ang oras ay matutupad ang wish mo, sana makita kita bukas. Goodnight, Riz!

Ginagago talaga ako ng sperm na 'to e. Malamang makikita niya ako bukas kasi may pasok nako naman! Tanga niya talaga.

From: Grae
hope you're fine.

Iyon lang? Nothing more? Ang cold pa. Tangina talaga kasalanan 'to ni Elsa.

---

“Hi Riz!”

“Good morning, Riz!”

“Good na ang morning mo dahil nakita mo na ang mga gwapo!”

Luh! Saan ang gwapo? Parang wala naman. Wala pa kasi si Grae.

At ngayon ay bumalik na ang lahat sa dati.

“Riz, naligo ka ba?” tanong ni Nate sa'kin

“Malamang.” sagot ko rito

Obvious naman na basa pa ang buhok ko e. Basta talaga sperm tatanga-tanga.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now