a/n: lapit na mag last:)
Chapter 138 : TBSP
Aeriz's POV
“Riz, mag usap tayo.” nagmamakaawang tiningnan ako ni Lucifer
Luh problema nito?
“Tungkol saan?” tanong ko sa kaniya
“Sa inyo ni Grae.”
Putanginang iyan.
Napangiwi ako “Alam ko na okay? Napaglaruan ako. Ang bobo ko sa part na 'yon.”
Inamin ko na ah.
“I'm sorry. Ikaw naman kasi e, noon ko pa sinasabi sa iyong hindi seryoso si Grae dahil hanggang ngayon mahal pa rin niya si Mia---”
Pinutol ko ang sasabihin niya pa “Aeros, tama na. Wala na akong pakialam, kaya pwede bang huwag mo na banggitin pa ang pangalan nila?”
Walang imik na tumango si Lucifer kaya naman tipid akong ngumiti sa kaniya at iniwan siya sa sala.
---
“Anong meron dito?” tanong ko kay Van
Gabi na nang makita ako ni Van sa mini mart malapit sa bahay namin. Nakain lang naman ako ng ice cream para gumaan ang pakiramdam ko.
Tapos ito bigla niya akong hinila papunta rito.
“Concert ng December Avenue.”
Nanlalaki ang matang napalingon ako sa kaniya “Gago?! Seryoso ka?!”
Paborito kong banda iyon pero hindi ko alam na may concert ngayon dahil na rin siguro iwas ako sa social media nitong mga araw.
“Oo nga. Hindi mo ba rinig nagsisimula na?”
Doon narinig ko ang kinakanta ng December Avenue at doon parang lumabas lahat ng pangungulila ko.
Pangungulila sa saya. Gusto ko ulit makaramdam ng saya ngunit parang napakalabo na.
Dahil idinepende ko sa kaniya ng kasiyahan ko, ngayong nawala siya pati kasiyahan ko nawala na rin.
Kumanta sila ng Breathe again, Fallin, Magkunwari, Bulong, Sa ngalan ng pag-ibig, Kahit di mo alam.
Masaya naman akong nakikinig hanggang sa bigla na lang sila kumanta ng Huling Sandali.
Nakakaputangina naman. Nananadya ba?
“Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin. . .kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon. . .”
Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko na tila may may pumipisil sa puso ko.
Napakaraming tanong ang nabubuo sa utak ko at sa bawat tanong na 'yon ay bumababa ang confidence ko sa sarili ko.
Parang ang panget ko tuloy puta.
“Kahit sandali. . .palayain ang pusong di mapigil. Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon. . .”
Hindi sapat ang panyo na ibinigay ni Van sa'kin para tuyuin ang mga luha kong walang tigil sa pagtulo.
Wala naman ako sa play store, pero bakit ako ang napili niyang paglaruan?
Gusto kong pagsisihan ang lahat. . .gusto kong malimutan ang lahat.
“At sa bawat minuto ako'y di natuto ipilit mang iba ako'y maghihintay sa'yo. . .”
Hindi ko na dapat pa hinayaan ang sarili kong malunod sa pagmamahal sa kaniya.
Pero sa tuwing naaalala ko lahat ng ginawa niya para sa akin ay mas lalo lamang akong nasasaktan.
Inakbayan ako ni Van at isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya habang ang kamay niya ay panay ang haplos sa buhok ko.
Sumabay siya sa kantang Sleep tonight ng December Avenue habang humahagulgol ako sa dibdib niya.
“Baby, it's alright I'll be right by your side, no need to cry out loud nothing to cry about. . .” pagkanta niya sa mismong tainga ko
Mas lalong lumakas ang iyak ko at nagiging dahilan na iyon para mahirapan ako huminga.
Alam kong basang-basa na ang damit ni Van dahil sa luha ko pero hinahayaan niya pa rin akong umiyak.
“Baby, it's alright I'll be just by your side I'll keep you on my sight I'll never leave till you sleep tonight. . .”
Yumakap ang braso niya sa'kin at ang kamay ko naman ay pilit na pinapawi ang mga luha sa mata ko.
Panay ang sorry sa'kin ni Van kahit pa hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na rin siyang suntukin dahil panay ang halik niya sa buhok ko.
---
“Jade, kain ka muna oh.” may bitbit na tray si Theo na may lamang kanin na may ulam at isang baso ng tubig
“Salamat” tipid akong ngumiti sa kaniya
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Van dahil after nu'ng concert ay dito niya ako dinala sa condo niya para raw makapagpahinga ako.
“Jade, magiging maayos din ang lahat.” nakangiting sabi ni Theo
“Sana nga. . . bago pa ako tuluyang masira.” humina ang boses ko at kaagad kong nakita ang pag aalala sa mata ni Theo
“Maiwan na muna kita, Jade.” tinapik niya ang balikat ko bago ako iniwang mag isa sa kwarto ni Van
Uminom lang ako ng tubig dahil ramdam ko ang pagkakatuyo ng lalamunan ko.
“Kailangan mo pa palang malaman na pinaglalaruan ko siya bago ka magpaka-kuya.”
Ang salitang iyon ay paulit-ulit kong naririnig sa isip ko. Mas pinasisikip no'n ang dibdib ko na paulit-ulit kong sinusuntok.
Muli na naman akong napahagulgol na tila ba hindi manlang ako nauubusan ng luha.
Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa lahat ng problema ko. Halos sinalo ko na lahat.
Pagod na ko sa lahat.
*****
Theo's POV
Mula rito sa sala ay dinig na dinig namin ang hagulgol ni Jade mula sa kwarto ni Van.
Parang nadudurog ang puso ko habang naririnig siyang nasasaktan. Pero alam kong hindi lang ako ang nasasaktan ngayon para kay Jade. Lahat kami.
Napatayo kaagad kami nang may marinig na nabasag. Pumunta kaagad kami kung nasaan si Jade.
Nakita namin siyang nakaupo sa sahig habang umiiyak at ang kamay niya ay dumudugo, malamang binasag niya ang baso gamit ang dumudugo niyang kamay.
Hinayaan na lang namin na si Van ang lumapit kay Jade para ilayo ito sa may mga bubog at pinaupo sa kama.
“Van. . .ang sakit sakit pala. ” umiiyak na sabi ni Jade at isinandal ang ulo sa balikat ni Van
Napangiwi ako nang marinig kong suminghot ang dalawa kong katabi na para bang mas malungkot pa sila kay Jade kaya may karapatan silang maki-iyak.
“Pangalawang beses pa lang akong nagmamahal. . .pero pakiramdam ko buong buhay kong dadalhin ang sakit na nararamdaman ko.”
Sa sinabi niya pa lang ay mas lalo niyang pinatunayang matapang siya. Nasaktan na siya nuong minahal niya si Van, pero nagawa niya pa rin ulit mag mahal.
Bahagyang kinalma ni Jade ang sarili bago pinunasan ang mga luha niya.
“Paabot nga ng phone ko.” utos ni Jade
Inabot ko sa kaniya ang phone niya, medyo basag iyon dahil binato niya kanina.
Hinayaan namin siyang mag dial ng kung sino kahit pa patuloy pa rin ang pag iyak niya.
“K-Kuya Ryle. . . gusto ko ng umuwi sa Palawan.”
_________________________________
_________________________________
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...