Chapter 111 : TBSP
Aeriz's POV
“Anong meron sa bulletin board? Bakit nagkakagulo ang lahat?” bungad ni Clyden sa amin pagtapak niya pa lang sa room
“Ngayon na raw isa-submit ang bagong rank 50.” bored na sagot ni Aj
“Gago! Tangina mo, Aj! Bakit di mo sinabi sa'kin?! Hinayaan mo akong mayamot dito!” inis na sigaw ko sa kaniya
Paano kami hindi mayayamot kung simula pa first period ay wala ng pumasok sa teacher sa amin maliban kay Ma'am Cynthia!
“Ine-expect mong mapapasali ka sa rank 50? Taas naman ng imahinasyon mo.” pang aasar ni Daryl sa'kin
“Kaya ka nadadapa e, sobrang taas kasi ng pangarap mo.” kunwaring iiling-iling na sabi ni Drake
“Baka nakakalimutan niyo, mga sperm, sa rank 50 nakasalalay itong room natin ano?” sarkastikong sabi ko sa kanila na ikinatahimik nila
Maya maya ay nasa pintuan na silang lahat at handa ng lumabas maliban sa'kin.
“Tara na, Riz!”
“Ano pang hinihintay mo riyan? Pasko?”
“Kakaumpisa pa lang ng October, Riz! Huwag kang atat!”
Putanginang mga 'to!
Padabog na tumayo at naglakad papalapit sa kanila nang walang pinapansin. Bahala sila sa mga buhay nila!
Tama si Clyden. Marami ngang nag tutumpukan dito sa bulletin board.
“Tabi kayo dadaan kami!” sigaw ng sperm na si Angelo at nakakagulat man pero humawi nga ang mga tao at binigyan kami ng daan
“Mauna ka, mahal na prinsesa.” bahagya pang yumuko si Kev at ginaya naman ng mga sperm ang katangahan niya
Nakakahiya talaga ang mga ito. Mga walang hiya.
“I can smell it! Aeros' will be on rank 1 agaaain!” dinig naming sabi ng maarteng babae
“Paano laking butas ng ilong mo!” sigaw ni Daryl sa kaniya nagtawanan naman ang mga sperm pati na rin ang ibang nakarinig
Tanginang mga 'to! Luko-loko.
Napatingin na ako sa bulletin board at kaagad ko namang nakita ang pangalan ko na ikinangisi ko.
Rank 50
1. Aeriz Jade L. Gozon - black section“Congrats.” nakangising sabi ni Grae na nasa likuran ko
“Sa iyo rin. Rank 3 ka, sunod ka kay Lucifer e.”
Tumango-tango lang ito habang nakatingin pa rin sa bulletin board.
“We won.” seryosong sabi ni Grae bago hinawakan ang kamay ko at dinala na ako pabalik sa room kaagad namang sumunod ang mga sperm
“Pasok ba tayong lahat?” tanong ni Clyden “Hindi ako tumingin, kinakabahan kasi ako e.”
“Riz 1, me 3, Aj 4, Kiro 8, Nate 11, Mac 14, Klein 15, Clyden 19, Drake 21, Kev 24, Chard 27, Daryl 32, Angelo 33, Josh 35. We passed.” pagrerecite ni Grae sa harap
Nakabisado niya iyon?! Samantalang ako kaming dalawa lang ang nalaman.
“Wooooh!”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...