Chapter 140

3.1K 81 16
                                    

a/n: this is the last part, mahaba-haba ito kaya kakailanganin niyo ang mainit na kape. ☕

Chapter 140 : TBSP

Aeriz's POV

Nagising ako at puting kisame kaagad ang nakita ko. Mukhang nasa Hospital ako.

Naaalala ko ang kaputanginahan ni Red na nagpainit ng dugo ko. Pandalas akong bumangon pero napansin kong nagising si tita na nakayuko sa gilid ng kama ko.

"Riz, mabuti naman at gising ka na." matamis siyang ngumiti sa'kin

Sa tuwing nagigising ako sa mga Hospital Hospital ay palaging bumubungad sa'kin ang magandang ngiti ni tita.

Sana talaga siya na lang ang naging mama ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" malambing na tanong niya ag bahagyang hinaplos ang ulo ko

"Maayos na." napatingin ako sa paligid pero siya lang ang narito "Si Aeros?"

"Riz, magpahinga ka muna masyadong pagod ang katawan mo." naging mapait ang ngiti niya sa'kin

"Tita, nasaan si Aeros?"

"Riz, nagpapahinga pa siya."

"Ayos lang ba siya?" agad na tanong ko na ikinatahimik niya "M-Malala ba ang lagay niya?"

"Nasa ICU siya, pwede mo siyang puntahan mamaya pero sana huwag mo na gawin iyon dahil galit na galit sa'yo ang mama at tito ranzel mo."

"Tita, mukha bang may pakialam ako sa kanila? Kapatid ko ang pupuntahan ko, hindi sila." mariing sabi ko bago umalis sa kinahihigaan ko

Pagkatayo ko pa lang ay sakto namang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin si Nate na namamaga ang mata mukhang mag damag na umiyak.

"R-Riz. . ." nagsimula siyang umiyak bago tinakbo ang pagitan namin at mahigpit akong niyakap

Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi na ako makahinga kaya naman malakas na pinalo ko ang likod niya.

"Arouch!" daing niya at bahagyang lumayo sa akin

"Ano bang problema mo? May pa-iyak iyak ka pa. Namatayan ka ba?" nakangiwing tanong ko sa kaniya

"Akala ko kasi mamamatay ka na ih." naluluha niyang sagot

"Mauuna ka pa sa'king mamatay." sabi ko rito na ikinanguso niya

"Grabe ka naman!" kaagad niyang niyapos ang sarili niya "Saan ka ba pupunta?"

Tsaka ko lang ulit naalala na pupuntahan ko nga pala si Lucifer.

Kaya naman hindi na ako nagsalita pa at mabilis ng tinahak ang lugar patungong ICU habang naka sunod naman sa likuran ko sila Tita at Nate.

Pagkarating ko ay kaagad na hinarangan ako ng nurse na nagbabantay.

"Sorry po pero bawal po talagang pumasok." sabi nito

Walang emosyon na nilingon ko si Tita at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil isang tango niya lang sa nurse ay hinayaan na ako nitong makapasok sa ICU.

Nakita ko ang mga tubong naka kabit sa katawan niya na naging dahilan upang manlambot ang tuhod ko.

"I'm sorry. . .wala akong nagawa para tulungan ka." mahinang sabi ko

Alam kong kahit pa tulog siya ay naririnig niya ako kaya naman patuloy lang ako sa pagkausap sa kaniya.

"Itutuloy ko ang pag punta ng Palawan, sana dalawin mo ako ro'n pag galing mo."

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now