Chapter 109

2.1K 86 7
                                    

Chapter 109 : TBSP

Aeros' POV

“Sinabi mo sa kaniya?! Bakit?! Bakit mo sinabi e alam mo namang delikado?!”

Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi marinig ang galit na boses ni kuya Ryle.

“I have no choice! Narinig na niya ang lahat!”

“So saan mo siya hahagilapin ngayon?”

Natigilan naman ako sa tanong niya. Right after I told Riz that Montero is her father she immediately left the house without saying anything.

Kasalanan niyo kasi e!” paninisi ni tita kila mama “Kung hininaan niyo sana ang boses niyo edi sana hindi maririnig ni Riz ang totoo at hindi na kailangan pa ni Aeros na sabihin kay Riz ang totoo!”

“Kami pa ngayon ang sisisihin mo? Hindi nga namin alam na nakikinig pala siya e!” sigaw ni mama sa kaniya

“Enough!” kaagad kaming natahimik nang galit na sumigaw si kuya Ryle “Mag sisisihan na lang ba kayo riyan kaysa hanapin si Riz?!”

Napabuntong hininga ako at kinuha ang susi ng isang kotse.

Aeros, saan ka pupunta?” tanong ni mama kahit obvious naman na ang sagot

Hahanapin ko si Riz.”

“No way! Gabi na at malakas pa ang ulan!”

Kaya nga mas kailangan pang hanapin si Riz, 'di ba?

Pabagsak na naupo ako sa sofa at inihilamos ang palad sa mukha.

Damn! Sana pala hindi ko na lang sinabi.

“Alam kong nagsisisi ka, pero tandaan mong siya si Riz.” biglang sabi ni kuya na nakaupo sa tabi ko “Mas malala pa rito ang mga pinagdaanan niya noon na nagawa niyang lusutan. Huwag na huwag mong maliitin ang kakayahan ng kapatid mo, she's more than you think.”

“I am aware of that.” halos pabulong na sambit ko

“Pero alam mo ba kung anong kahinaan niya? Kahit pa gaano siya katapang ay may kahinaan siyang magpapabagsak sa kaniya once na malaman iyon ng mga kalaban niya ngayon.”

Parang ako pa ang kinabahan para kay Riz “A-Ano?”

“Ang mga taong nasa paligid niya.” he smiled at me

“And you think I am one of them?” mapait na tanong ko

Umiling si kuya na ikinangiwi ko “You're the top of them.”

Magsasalita na sana ako nang mag vibrate ang phone ko at nakita kong nag text si Grae.

From: Grae
don't worry. she's with me.

***

Aeriz's POV

Masakit ang tama ng ulan sa katawan ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa harap ng bahay ni Grae.

Basang-basa ang mukha ko sa magkahalong ulan at luha.

Hindi ko na maintindihan kung bakit nangyayari sa akin 'to. Kaya pala magaan ang loob ko sa kaniya dahil magkadugo pala kami.

Kaya pala maraming nagsasabing magkamukha raw kami dahil totoo naman pala.

Akala ko. . .duling lang sila pero hindi pala.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now