Chapter 117 : TBSP
Aeriz's POV
“Anong sinasabi mo, Van?” takang tanong ko rito
Nagsusukatan pa rin sila ng titig sa isa't isa at mukhang walang may balak na mag bawi ng tingin.
“Zacharyle is not a Gozon, Jadey.” sabi ni Van habang nakikipag titigan pa rin kay kuya Ryle
“And this man over here, is not a Falcon.” ganti ni kuya Ryle
Si kuya Ryle hindi Gozon, si Van naman hindi Falcon. Ha?
“Ano? Pinagtitripan niyo ba ako?”
Doon lamang sila nagbawi ng tingin. Parehong lumambot ang tingin nila sa akin na para bang gusto nilang unawain ko sila kahit pa wala pa silang paliwanag.
“Get inside. I'll tell you everything.” sabi ni kuya Ryle bago naunang pumasok sa bahay
Bumaling naman ako kay Van “Tsaka na tayo mag usap.” sabi ko rito bago siya tinalikuran at hindi na nilingon kahit pa no'ng tinawag niya ako
Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko kaagad si kuya na nakaupo sa single sofa habang ang braso niya ay magkakrus sa dibdib niya.
“Sit down.” utos nito sa akin at sa hindi inaasahang dahilan ay bigla na lang din akong napasunod
Nakakatakot kasi talaga siya ngayon. Ibang iba sa nakasanayan ko noon.
“Alam kong hindi pa ito nasasabi nila mama sa iyo, marahil ay dahil ayaw din nila na ungkatin pa ang katotohanang adopted child lang ako.”
Nanlalaki ang matang nag angat ako ng tingin sa kaniya “K-Kuya. . .”
“I am Zachary, but the time I got adopted by your aunt and uncle I became Zacharyle. They add LE on my name dahil daw Leigh Ann ang pangalan ni mama.” nakita ko ang pag silay ng ngiti sa mga labi ni kuya na kaagad din nabura “Heart orphanage. . .alam kong alam mo kung saan iyon.”
Tumango ako sa kaniya “Doon ako iniwan ni mama.”
Bumuntong hininga lang si kuya “Napakarami namin. . .may iba't ibang dahilan kung bakit naroon kami. Ang iba ay inabandona ng magulang, ang iba naman ay nag layas, at ang iba pa ay kailangang mag tago dahil sa krimeng nasaksihan. Riz, hindi naging madali ang buhay ko bago ako makapunta sa Heart orphanage. I was someone that I can't even imagine. Akala ko kapag matalino ka ay sapat na, pero kung wala pa lang diskarte ay talo ka. Kaya nakilala ko siya.”
“S-Sino?” bigla akong kinabahan sa isasagot niya
Sinalubong ng malalamig na mata ni kuya ang mga mata ko “His name is Van.”
Tangina.
“He told me things. . . something to learn and something to do. How to fool someone. How to fight back. At iba pang makakapagpanatili sa aking humihinga. Kaya nga hindi ko inaasahang darating iyong panahon na may mga darating na mag aampon. . .dapat kasi ako iyong kukuhanin ng mga Falcon.”
Parang alam ko na ang susunod ah.
“Natakot ako. The last family who adopted me before was so. . . unforgettable. Kaya nang maka takbo ako papalayo ay nabunggo ako ni mama. Her eyes was looking at me softly. Sabi niya na mother's love at first sight siya sa akin kaya kinuha niya ko.”
Mabait talaga si tita. . .dahil sa kaniya wala ako ngayon sa orphanage.
Pero ang bagay na ipinagpapasalamat ko ay iyong hindi ko naging pinsan si Van! Tangina! Ang panget no'n kung malalaman ko bigla na pinsan ko siya tapos naging kami pa naman!
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...