Chapter 128

2.1K 99 14
                                    

a/n: sorry na, busy lang.

Chapter 128 : TBSP

Phoenix's POV

“Balita ko muntikan ng masagasaan sila Jade kagabi.” pagpasok ni Saito ay iyon kaagad ang sinabi niya

“Saan?” hindi interesado kong tanong

I am not interested to Jade anymore. She will die anyway.

Saito looked at me flatly “Really? Iyan talaga ang itatanong mo imbis na kung sino ang may pakana? Malay mo magawa natin silang hikayatin para mapatumba natin si Jade.” he sounded excited

“Gustong gusto mo talagang matalo si Jade, 'no?” pansin ko rito

“Syempre naman. Ikaw ba?”

“Of course. . .I want to get rid of her. . .” I smiled at him bitterly

Hindi ko alam pero parang naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko pa lang na nahihirapan si Jade. Siguro ay dahil iyon sa mga pinagsamahan namin noon.

“That's good! At least parehas tayo ng gustong mangyari.” malawak ang pagkakangiti ni Saito bago niya binuksan ang TV para manood

“By the way, Sai, kilala mo ba kung sino ang nagtangkang sumagasa kay Jade?” kuryosong tanong ko

“Hindi ako ganoon kasigurado pero sa pagkakaalam ko ay iyong muntik ng makasagasa sa kaniya ay isa sa mga taong kumidnap sa kaniya.”

Saglit akong napaisip sa sinabi niya. Nakakapagtaka na hinayaan lang si Jade na makawala ang taong iyon. Noon pa man ay inaalam na ni Jade kung mayroon bang nakawala sa kaniya no'ng gabing iyon.

Ang nakakapagtaka lang ay kung saan humugot ng lakas ng loob ang mga iyon para subukang kalabanin si Jade.

Hindi kaya may alam silang kahinaan ni Jade?

***

Ivy's POV

Naknamputcha! Dinu-doodle mo na naman pangalan ng crush mo!” napaigtad ako sa boses ni Reign na nagmumula sa likuran ko

“Gaga! Hindi ko crush si Totoo. Love ko siya.”

Nagtatakang nakatingin siya sa'kin “Totoo? Sinong Totoo?”

Poging pinsan ni Jade.”

“Eh? Si Ryle? Paano naging totoo?”

(a/n: Ryle pronounced as Reyl. So Zacharyle pronounced as Zakareyl.)

“E 'di ba tagalog ng real ay totoo? Hays. Hirap mag joke sa'yo, nagiging explanation.” naiiling na sabi ko

“Luh! Joke ba iyon? Akala ko kabobohan lang.”

When you spell the word stupid, google will show you how to spell Reign's full name.

“Shut up. Ano bang ginagawa mo rito? Tanghaling tapat, Reign!”

“Sis, buryong buryo na ako sa condo.”

“Edi sana pumunta ka sa playground! Hindi naman playground itong condo ko!”

Badtrip 'to ah.

“The thing is. . .nakausap ko si Ryle kanina---”

“Mang-aagaw kang gaga ka!” halos sugurin ko siya para sabunutan pero syempre hindi ko na ginawa

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now