a/n: 🌷
Chapter 94 : TBSP
Ysha's POV
Dumaan ang mga araw palaging ganoon ang trato ni Aeros sa akin. May mga binibigay siya palagi sa akin at madalas niya rin akong inaayang kumain sa tapsilogan malapit sa school.
“Nililigawan ka ba ni Aeros, Ysha?” naniningkit na ang mata ni ate Janice sa akin habang nag i-stretching
“Huh? Hindi. . .”
Dahil sabi niya noon tsaka na lang siya manliligaw sa akin kapag pwede na.
“Sure ka? Palagi nga kayong magkasama e tsaka binibigyan ka niya lagi ng flowers tapos sasabihin mong hindi?”
“E hindi naman kasi talaga.”
“Hay nako, Ysha! Baka naman nanliligaw na siya sa'yo sadyang manhid ka lang.”
Napailing na lang ako sa sinasabi niya at ipinagpatuloy na lang ang pag i-stretch na ginagawa.
“Palaging nandito sa gym si Ichiro, tingin mo may hinihintay siya?” dinig kong usapan ng mga kagrupo ko
“Lagi ko nga siyang napapansin e tapos palagi pang natingin dito sa way natin.”
“Feeling ko si Ysha, tinitingnan niya.”
At dahil doon ay napatingin ako sa taong pinag-uusapan nila at tama nga sila. Nakatingin siya sa'kin.
Ano bang problema niya sa'kin?
“Uy hala si Kiro at Grae nandito rin!”
Napatingin ako sa entrance ng gym at nakita ko naman ang mga tinutukoy nila.
Iyong Kiro ay ang nakababatang kapatid ni Ichiro at siya rin ang pinakabata sa kanilang apat.
Si Grae naman ay matanda lang 'ata ng buwan kay Kiro. Ayon sa mga naririnig ko.
Umiikot ang paningin ni Kiro sa buong gym nang huminto iyon sa akin dahilan para saglit kaming magkatitigan.
Aktong iiwas na ako ng tingin nang ngumisi siya sa'kin at kumindat.
“Omg! Ang haba talaga ng hair mo, Ysha!”
Hindi ko na lang pinansin ang mga panunukso sa akin ng mga kaibigan ko sa halip ay nag focus na lang ako sa aking ginagawa.
---
Habang nagfe-facebook sa kwarto ko ay napatingin ako sa kapatid kong mahimbing nang natutulog.
“Good night, Yrah.” bulong ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo
Muli kong ibinalik ang atensyon sa phone ko nang mag vibrate iyon. May nag friend request.
Akiro Tobi sent you a friend request.
I accepted it.
Wala naman kasing mawawala kung iaaccept ko siya.
I thought my night will be peaceful not until Kiro's face popped on my messenger.
“What the hell is wrong with him?” mahinang tanong ko bago binuksan ang chat niya
Akiro:
Thief!!!!Alysha:
What???Akiro:
May ninakaw kaAlysha:
Is this prank?Akiro:
Ninakaw mo ang puso at isip ko, pakibalik
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Dla nastolatkówTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...