Chapter 100

2.4K 90 15
                                    

a/n: life update; hindi ako binati ng crush ko agoi.

Chapter 100 : TBSP

Aeriz's POV

Nagising ako nang makaramdam ng lamig pero ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko sa noo.

“Riz?”

Bahagya pa akong nagulat nang pag upo ko ay nakita ko si Kiro na nakaupo malapit sa kama ko. Mukhang nakaidlip siya. Napahawak pa ako sa ulo ko nang kumirot iyon.

Pagkahatid niya kasi sa'kin dito sa bahay ay medyo masama na ang pakiramdam ko dahil naulanan nga kami.

“Saan ang masakit?” kaagad na tanong niya nang makalapit sa akin

“Kiro, ba't nandito ka pa?”

Bumuntong hininga lang siya bago ilapat ang palad niya sa pawisan kong noo.

“Ang taas pa rin ng lagnat mo.”

“Malamig. Pakipatay noong aircon.”

Tumango ito tsaka pinatay ang aircon sa kwarto ko.

Pinayagan ka ni kuya Ryle rito?” takang tanong ko

“Oo basta raw huwag kong isasara 'yong pinto.”

Naks naman! Akala ko gusto na niya magkaroon ng pamangkin kaya hinayaan si Kiro rito sa kwarto ko. Pag untugin ko sila.

“Pawis na pawis ka. Mag bihis ka muna ng sweater tsaka pants, kukuha lang ako ng tubig sa baba para makainom ka na ng gamot mo.” seryosong sabi nito

“Hindi mo kailangan gawin iyan, Kiro. Kaya ko ang sarili ko.”

Nagsusumamo ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin “Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit. Let me take care of you, Riz. Please. . .”

Natahimik ako sa sinabi niya at tanging tango lang ang naisagot ko kaya napangiti siya bago lumabas ng kwarto.

Bakit? Bakit gusto niyang alagaan ako?

I mean, alam ko namang may gusto siya sa'kin pero kasi. . .

Buong buhay ko pinilit kong hindi magkasakit dahil tuwing nagkakasakit ako ay. . .ako lang ang nag aalaga sa sarili ko.

Dahil hindi ko gustong makaabala ng ibang tao.

Dahil ayaw kong maging pabigat sa kanila.

Pero ngayon. . .nagkasakit ako. Ang pinagkaiba lang ng noon sa ngayon ay may nag aalaga sa akin ngayon.

“Riz, ang sabi ko mag palit ka ng damit.” bumalik si Kiro sa kwarto ko nang may bitbit na pitsel at baso

“Sige. Lumabas ka muna.” sabi ko rito at umalis mula sa pagkakaupo sa kama para kumuha ng damit sa drawer

“Bilisan mo lang para makainom ka na ng gamot.” paalala nito bago lumabas ng kwarto at isara ang pinto

---

Kamusta ang pakiramdam mo?”

Nagising ako ng umaga ay si Kiro na naman agad ang bumungad sa'kin.

Nakakasawa na ang mukha niya.

“Umuwi ka na.” iniwas ko ang braso ko sa kaniya nang akmang aalalayan niya ako “Kaya ko ang sarili ko.”

Nang makatayo ako ay kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo mabuti na lang ay nahawakan ni Kiro ang braso ko para hindi ako matumba.

Tangina naramdaman ko ang ikot ng mundo ah.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now