a/n: haha nabuhay na naman me:)
Chapter 132 : TBSP
Ryle's POV
Nagsalubong kaagad ang kilay ko pagpasok ko pa lang ng bahay. Nakatumpok sila sa lamesa na para bang may tinitingnan doon.
Tanging si Riz lamang ang mukhang kalmado at walang pakialam sa pinagtitinginan nila.
Pero talagang ganiyan na siya simula pa nu'ng ipinanganak siya.
“What's that?” I immediately asked
All of them looked at me with fear in their eyes, except Riz who's obviously giving me a bored look.
“Anak. . .” my mom's voice is shaking
Nang makalapit ako nang tuluyan sa kanila ay nagbaba sila ng tingin sa isang brown envelope na nasa lamesa.
“What's this?” tanong ko matapos ko dampotin ang envelope
“Icheck mo kaya iyong laman para malaman mo at hindi ka na tanong pa nang tanong.” nawala ang takot sa mukha ni Aeros at napalitan ng pagiging sarkastiko
Lumalabas na talaga ang pagkakapareho ng ugali nila ni Riz.
Kung hindi lang ako nakukuryoso sa laman ng envelope ay uunahin ko munang batukan si Aeros nang matauhan naman.
“What the fuck?” iyon na lang ang salitang lumabas sa bibig ko matapos makita ang mga litratong nasa loob
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Riz na ngayon ay deretsa ring nakatingin sa'kin.
It was Riz with Black Section, and the other pictures is with her other friends. May nakasulat pang “STAY AWAY OR THEY'LL DIE”
Pero sa lahat ng litratong iyon ay puro ekis at mayroong butas sakto sa noo ni Riz. May mga red paint pa para magmukhang may dugo.
“Nakalagay iyan sa isang box kanina na iniwan sa gate, mayroong patay na itim na pusa ang box kaya itinapon na namin.” Dad said
“What the fuck is this, Riz?!” I can't think straight right now
“Ba't ako ang tatanongin mo? Mukha bang may pakialam ako riyan?” her voice were calm na para bang hindi niya buhay ang nanganganib sa mga oras na 'to
“Wala siyang pakialam kahit pa nanganganib na ang buhay niya, ganiyan siya kayabang.” bakas ang pagkainis sa boses ni Aeros dahil sa kapatid niyang ipinaglihi sa bato
“Hindi ba pwedeng malaki lang ang tiwala ko sa sarili ko?” ganti ni Riz
“Masasagip ba niyang tiwala mo ang buhay mo?” galit na tanong ko na binalewala niya lang
“Kung nag aalala kayo, edi huwag kayong mangialam.”
Right. She never failed to irritate me.
Kapag siya ang kausap ko, pakiramdam ko pasan pasan ko ang buong mundo dahil sa pagkawalang pakialam niya sa paligid.
“Riz, huwag ka muna kayang pumasok bukas? Baka biglang may mangyaring masama sa'yo.” sabi ni mama sa kaniya which is tinanggihan na naman niya
“Okay lang ako, tita. Walang pwedeng gumalaw sa'kin dahil hinding-hindi ko sila uurungan.”
“Kaya ka napapahamak! Napaka tigas ng ulo mo! Ang yabang mo na, ang takaw mo pa sa gulo! Manang mana ka talaga sa. . . .” hindi natuloy ni tita Alliana ang sinasabi at pasimpleng napasulyap kay tito Ranzel
“Oh ano? Manang mana kay Jin Montero? Ba't hindi mo naituloy? Magseselos ba ang asawa mo once na nabanggit mo ang pangalan ng greatest love mo?” punong puno ng sarkasmong sabi ni Riz
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...