PROLOGUE

302 8 0
                                    

Naramdaman mo na ba 'yong feeling na ma-in love?

'Yong tipong kapag nakikita mo siya, parang nakikipagkarera sa kabayo ang puso mo. 'Yong tipong mapalingon lang siya sa daan mo, pakiramdam mo, sinadya niya 'yon at ang ganda mo. 'Yong tipong kapag itinabi ka sa strawberry, mas mapula ka pa kapag nandiyan siya. At kapag may babaeng lalapit sa kanya, sobrang possessive ka.

Kahit mabansagan kang stalker, ayos lang basta malaman mo ang daily happenings sa buhay niya. Bawat status niya sa Facebook, bawat tweet niya, para sa 'yo ay may meaning lahat. At kapag may post na ni-like siya, lalo na kung babae ang nag-post, kasama na siya sa list ng mga profile na ii-stalk mo.

Kung saan siya kakain, doon ka na rin kakain. Kung ano ang favorites niya, unti-unting magiging favorite mo na rin.

Sabi ng science, only one thing can occupy one space at a given time.

Ang hirap naman noon. Ibig sabihin, isang babae lang ang pwedeng mag-occupy sa puso niya. Kung meron na, makikiagaw ka pa ba?

Kung may dumating na chance, at malaman mo ang 100 steps to his heart, will you take it or leave it? Will you make your own road and let destiny follow you'? Or will you follow your destiny where it will lead you?

This is my story.

This is a story about love but this is not a love story.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon