Ilang araw din akong nagkulong lang sa bahay. Tatlong araw na ang nakalipas mula noong pag-aaway namin ni Enzo. Ilang araw din akong nagkulong lang sa bahay. Naka-receive ako ng text mula kay Venice inviting me to her birthday party. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumunta knowing na nandoon sina Enzo at Eula.
Kahit na sobrang daming nangyari sa akin, masaya ako kasi palagi akong kinakausap nina Ate at Lola. Kahit mukha akong tanga na iyak nang iyak, kino-comfort lang nila ako palagi.
Pagbaba ko mula sa kakaiyak, hindi ko inaasahan ang naghihintay sa akin sa sala.
"Hi," sabi ni Enzo. "Can we talk?"
"Tungkol saan?" malamig kong sagot kahit na sa loob ko, inis na inis ako sa kanya. Inis na inis ako dahil kahit gaano kasakit ang ginawa niya ay malakas pa rin ang epekto niya sa akin.
"About Venice... Gusto mong mag-usap somewhere? I brought my car."
"Sige," ang nasabi ko kahit hindi naman iyon ang sinasabi ng utak ko. Napakarupok mo, Hope.
Sa biyahe namin, nakaupo lang ako. Nakatulala. Nakatingin sa daan. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko. Alam kong dapat 'di na ako sumama, alam kong kapag naghiwalay kami, iiyak na naman ako kasi mami-miss ko siya.
Napansin kong pumasok kami sa SLEX. Napansin ko ring sobrang bilis na ng takbo namin, 130kph na yata.
"Ang sabi mo, mag-uusap tayo, hindi tayo magpapakamatay. At noong sinabi mong mag-usap tayo somewhere, hindi ko sinabing dalhin mo ako sa gubat. Alam mo kung papatayin mo ako rito, bababa na lang ako," sabi ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Hope, I'm not going to kill you. I'm sorry. I wasn't thinking," sabi niya sabay menor.
"Hope, I know you've rejected Venice' offer, but... she's really important to me, and I know you're important to her. Every year, she celebrates her birthday abroad, but this year she wants to celebrate it here in the Philippines, because she wants to spend it with you, Chelsea, and Miks, Ever since she met you guys, I felt that she became so happy," sabi ni Enzo.
"Enzo, sa tingin mo ba gusto ko siyang i-disappoint? Ayoko. Pero ayokong makita kayo..."
"I know. Trust me, if I can redo everything, I will go back to when I met you and will do everything for you not to fall in love with me. I'll wish that I haven't met you, so I can never hurt you."
Mahabang-mahabang katahimikan ang namagitan sa amin after kong itanong at linawin kung anong na bang mangyayari sa amin.
"I want you to hate me. I want you to despise me, Hope. Kasi kulang pa 'yon sa ginawa ko sa 'yo," Enzo told me.
Pero bobo na kung bobo. Iba ang sinasabi ng puso ko. I can never hate Enzo.
"Hope, forget about me please. I can never be good enough for you, and I don't deserve someone like you. You'll just hate me, and hate me more. Trust me, I'm not the man for you. So, please... forget about me."
Kung madali lang makalimot, matagal ko nang nagawa.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...