CHAPTER 14

45 2 0
                                    

Nanghina ang mga tuhod ko. Para ngang matatapon ang laman ng platong hawak ko.

"Love! What are you doing? Mahuhulog ang plate mo. Are you okay?"

Alam kong si Bryle 'yon pero hindi ako makasagot.

"Are you in love with Enzo?" tanong niya ulit.

Tuluyan nang nahulog ang plato ko at tumingin silang lahat sa akin. Hinila ako ni Bryle sa isang gilid.

"Answer my question. Are you in love with Enzo?" tanong niya ulit.

"Oo," mahina kong sagot.

"I thought so. Nahalata ko na 'yan dati pa," sagot ni Bryle habang nakatingin kina Venice at Enzo.

"Ikaw, Bryle, mahal mo pa ba si Venice?" tanong ko pabalik. Naikwento niya kasi kagabi naging girlfriend niya si Venice, at siya ang natatanging naging boyfriend nito.

Natahimik siya sandali at pagkatapos ay natawa.

"Venice will always be special to me," sagot niya. "Kahit may fini-flirt ako, kahit na may dina-date ako, kahit na may babae ako, sa huli, siya pa rin ang babaeng special sa puso ko," sagot niya.

"Ibig sabihin, mahal mo pa rin siya?" tanong ko ulit.

"Hmm...Venice and I are not meant to be. But we're soulmates. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay ang soulmate natin ang nakakatuluyan, hindi ba?" paliwanag ni Bryle.

"So, hindi ka nasasaktan kapag nakikita mong may kasama si Venice na iba? Hindi ka ba nasasaktan kapag magkasama sila ni Enzo?"

"It would be better if si Enzo ang makatuluyan niya."

"Ano bang ginawa mo? Bakit ba kayo nag-break ni Venice?"

"Fine, dahil ikaw naman si Love sige sasabihin ko na," Bryle finally gave in. "Naging kami ni Venice noong first year. Nahuli niya akong nakikipag-make out sa cheerleaders, twice. Naghiwalay kami after," sagot niya nang walang preno. "How about you? Kailan mo pa gusto si Enzo?"

"Since fresh pa tayo. Una ko pa lang siyang nakita, gustong-gusto ko na siya. Sinusundan ko siya kahit saan. Alam kong marami akong karibal kaya nag-i-stalk na lang ako. Araw-araw sa loob ng limang taon, naghihintay ako at umaasa," kwento ko. "Kaya sobrang saya ko noong pumasok si Venice sa buhay ko. Parang nasagot na ang mga hiling ko. Parang panaginip ang lahat, hindi pa rin ako makapaniwala," kwento kong parang adik.

Biglang inayos ni Bryle ang bangs ko. Nanlaki ang mata ko at namula buong mukha ko.

"Silly, Hope. From now on, I will always be here for you. You can depend on me," sabi niya sa napaka-sweet na boses.

Tapos hinalikan niya ang noo ko.

"Uy, nai-in love na 'yan sa akin!" pang-aasar ni Bryle.

"Nakakainis ka! Ibig sabihin, lahat ng sinabi mo, pambobola lang? 'Wag mo nga akong bolahin, loyal ako kay Enzo," inis kong sabi.

"Enzo. Enzo. Enzo." sabay ng pag-pout niya. "Alam mo gusto kong ma-in love sa 'yo, Hope. Baka sakaling mapagbago mo ako. Baka sakaling tumino ako kapag minahal mo ako..."

Mukhang seryoso na siya pero nagdududa pa rin ako.

"Paano nga kapag minahal kita at hindi ko nagawang patinuin ka? Paano naman ako, Bryle? Iiwan mo ako sa ere tulad ng ibang babae? Papaasahin mo rin lang ba ako? Sasaktan mo rin ba ako?" tanong ko sa kanya.

"What are you talking about? Ikaw ang pinipili ko ngayon. And I get what I want, Hope," tapos lumapit siya sa akin nang sobrang lapit. "And I want you."

Sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin kaya napapikit na lang ako dahil alam kong hahalikan niya ako.

"Stop!" biglang sigaw ng isang boses.

Napamulat kaming dalawa at napatingin kay Venice. Kasama niya si Enzo na mukhang nagulat din sa nakita niya.

"Are you two about to kiss?" medyo pasigaw na sinabi ni Venice.

"Venice, hindi. Mali ang iniisip mo. Walang nangyayari dito," natataranta na ako.

"What do you think you're doing Ortega?" galit na sinabi ni Venice kay Bryle. "We all know what you're doing here! Why are you hitting on Hope?"

"There's a rule now that I can't hit on Hope?" sagot ni Bryle.

"Yes, because we don't want Hope to get hurt, you jerk!" galit na sabi ni Venice. "Because I don't want Hope to experience the pain I've experienced before okay?"

Lahat natahimik. Ang ibang Outdoor Club members ay narinig na ang mga nangyayari pero hindi sila nagsalita.

"Seriously, ganoon na pala ang tingin mo sa akin?" galit na rin na sumisigaw si Bryle. "I know that I'm a player, but I'm not that low of a jerk!"

People started walking away. Nilapitan ko si Bryle na mag-isa nang nakaupo sa isang kahoy.

"So, what if I hit on you, bawal na ba akong ma-in love? Bawal na ba akong makahanap ng babaeng mamahalin?" sabi niya sabay suntok sa kahoy na inuupuan niya.

Umupo ako sa tabi niya. Bahala na, pero alam kong kailangan niya ng karamay sa oras na 'yon.

Maya-maya pa tinawag na kaming lahat ni Ms. Ira.

Nilapitan agad ako ni Chelsea at Miks para ikwento sa kanila ang lahat ng nangyari. Niyakap ko si Chelsea kasi nga gusto niya si Bryle, nagsosorry lang ako pero sabi niya wala raw 'yon, hindi ko raw kailangan magsorry. Kakain sana kaming tatlo nang biglang lumapit sa akin si Venice.

"Hope, can we talk?" sabay kaming tumayo at lumayo sa lahat. "Sorry for being like that kanina, ha? I just want to be protective... Kasi I like you. Ikaw lang ang girl na friend ko na gusto ko talaga. I don't have a lot of girl friends kasi insecure sila sa akin tapos sisiraan nila ako. But with you, everything is different. You are so honest and nice, kaya ayokong masaktan ka."

"Wala ka naman kasing dapat ipag-alala. Wala namang nangyayari sa amin ni Bryle," paliwanag ko sa kanya.

"I know, pero takot lang ako kasi kilala ko si Bryle," paliwanag niya.

"Venice, mahal mo pa ba si Bryle?"

Nagulat siya sa tanong ko, pero nag-smile na lang siya.

"What? No! Matagal na 'yon. Isa pa, we're better off as friends," she said.

Nag-sorry din ako kay Venice at nagkwento rin siya sa akin ng nakaraan nila ni Bryle.

"That's why I'm so glad na I have Enzo..." sabi ni Venice.

Medyo nasaktan ako at nagulat.

"He's always there for me. Hindi siya nakakalimot na tumawag everyday, ihatid ako every time magkakaroon ng chance, mag-visit sa bahay, tulungan ako sa homeworks and school activities. Palagi niyang chinecheck if okay ba ako. If not for Enzo siguro ngayon sobrang cold at walang pakialam na ako sa mundo. Masyadong malihim at mahirap basahin nga lang si Enzo kaya kailangan kilala mo na talaga siya. Good thing I know him so well."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinasabi niya. Gusto ko talaga si Venice at ayokong magalit sa kanya, pero hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nalaman kong sila na.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon