Sobrang nalungkot ako. Si Miks at Chelsea parehas galit at umiiwas sa akin. In fact, hindi nila ako kinakausap sa classroom at kapag may groupings, hindi nila ako pinapasali. Pakiramdam ko, napakasama kong tao.
Habang mag-isang nakatambay sa field ng school, nagkataong dumating ang Tres Gwapitos. Nakaka-miss din silang makitang magkakasama at buo. Lalo ko tuloy na-miss si Miks at Chelsea.
Naikwento ko sa kanilang tatlo kung anong nangyayari sa amin, at lagi namang nakasuporta ang tatlo. Niyaya nga nila akong pumunta sa gym after class dahil may surprise daw sila sa akin. At kailangan ko raw iyon para naman mabawasan ang lungkot ko.
At hindi nga sila nagkamali, isang engrandeng indoor picnic ang naabutan ko sa loob ng gym. Nandoon din si Miks at Chelsea.
"You guys need to have a talk. I barely know each of you, but I know that you guys are good friends. Walang mangyayari sa parinigan, iwasan, at tampuhan. Settle your issues. Talk," utos ni Enzo.
Si Enzo ang nag-isip ng lahat ng iyon. Siya rin ang naging waiter naming tagadala ng food kapag kailangan namin.
Hindi pa kami nagsisimulang mag-usap, nag-iyakan na kami. Wala kaming ibang ginawa kung hindi magyakapan at mag-iyakan. Sobrang miss namin ang isa't isa na kahit ano pang galit meron sa puso namin last time, parang nawala lahat pagkatapos naming makita ang isa't isa.
Halos dalawang oras kaming nag-usap doon. Hindi namin namalayan ang oras at mukhang hindi pa kami matatapos magchikahan nang bigla kaming lapitan ni Enzo.
"Ladies, I hate to interrupt your lovely reunion, but I would like to inform you that it's already 8:10 PM, and I would very much love to take you home now."
Maya-maya, may dalawang lalaking inayos ang carpet at mga pinagkainan namin habang si Enzo naman, sinabing dumiretso na raw ako sa sasakyan niya. Ang dami palang assistant ni Enzo.
"Miks, where's your house?" tanong ni Enzo.
"Malapit lang ako kay Hope. Pwede mo na akong isabay sa kanya. Si Chelsea ang medyo malayo sa amin," sabi ni Miks.
"Okay. Chelsea, if you don't mind, can you tell me how to go to your house?" tanong naman ni Enzo.
Habang busy ang lahat, napatingin ako kay Enzo at hindi ko napigilang hindi ngumisi. Ilang saglit lang, napatingin siya sa akin at itinaas ang kilay niya.
"Yes, Hope?"
"Aaah... Thank you." Ngumiti ako at ngumiti lang din siya sa akin at kinindatan ako.
Noong maibaba si Chelsea, dumiretso na kami sa subdivision namin. Unang ibinaba si Miks at pagkatapos noon, dumating na kami sa bahay ko.
"Gusto mo bang pumasok muna?" tanong ko.
Sa isip ko, Pumasok ka sa bahay ko! Kating-kati na akong ipakilala ka sa lola at ate ko! Sure akong dagdag pogi points kapag nalaman nila ginawa mo!
"It's late na, and I have to hurry home. I still have things to do. Sorry," sagot ni Enzo.
"Salamat talaga. Alam kong matagal na tayo noong huli tayong nag-usap. Belated happy birthday din pala," singit ko.
"Glad everything is okay. No worries, it's no big deal."
"Promise, ililibre kita sa tindahan ni Aling Bibs!" tapos tumawa kami parehas.
"Well if you really want to repay me for my kindness, what about you free your schedule this Saturday, and I'll pick you up at school at around 10:00 AM?" invite ni Enzo sa akin.
Napatitig ako sa kanya. "S-Sige," I stuttered.
"Good. I can't wait to finally bond with you again. It's been a long time," sabi ni Enzo.
"Uy, na-miss mo ako," at napahawak ako sa bibig ko dahil sa joke na iyon.
"Well, yes. I've missed you, Hope... I have to go now. See you tomorrow?"
Nag-nod na lang ako. Nag-bye siya at kumindat bago umalis.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...