"Hope, excited ka na ba anak?" tanong sa akin ni Mama.
"Kinakabahan ako, Ma."
Nginitian lang niya ako.
"Tama ba 'tong ginagawa ko? Ma, ang bata ko pa. Kaka-graduate ko lang ng high school, magpapakasal agad ako? Ano ba 'tong ginagawa ko, Mama? Alam kong bobo ako, pero kabobohan ba 'tong ginagawa ko, Ma?"
Hindi ko alam bakit ako nagpa-panic, kinakabahan ako, hindi ako mapakali. Dalawang araw na lang kasi, kasal ko na.
"Anak. Normal lang sa edad mo na kabahan. Normal lang 'yon ilang araw bago ang kasal. Naramdaman ko din 'yan sa Papa mo."
"Pero paano nawala, Ma? Mahal ko si Enzo pero natatakot ako. Ano ba 'tong pinapasok ko?"
"Anak, hindi rin madali para sa amin ng papa mo na payagan kang ikasal. Sa tingin mo ba, papayag kami? Pero kinausap kami ni Enzo. Noong pinaliwanag niya sa amin ang kalagayan niya, noong sinabi niya kung gaano ka niya kamahal, ano pa bang magagawa namin? Tanda ko, kapag nagvi-video call tayo ang background ng kwarto mo ay poster ni Enzo. Mahal mo ba si Enzo?"
"Opo, Ma. Sobra." Sagot ko.
"Basta mahal mo ang isang tao, at gusto mo siyang makasama habambuhay, ba't ka pa nangangamba?"
Napapangiti ako sa lahat ng sinasabi ni Mama.
"Pero, Ma... paano kapag... paano kapag nawala na siya, Ma?" Tuloy-tuloy nang tumulo ang luha ko. "Ang sayang isipin na nandiyan lang siya, ang sarap isiping hindi na ako mag-iisa. Pero paano kapag nasanay akong nandiyan siya tapos biglang mawala siya? Ma, anong gagawin ko? Tama ba 'tong gagawin ko? Parang sasaktan ko lang ang sarili ko."
Niyakap na lang ako ni Mama. Ramdam kong medyo nanginginig din ang boses niya.
"Anak, hindi natin alam ang mangyayari. Pero magtiwala tayo. At hanggang nandito pa siya, mahalin mo siya. Mahalin mo siya nang buong-buo para wala kang pagsisisihan. Mahalin mo siya hangga't may pagmamahal ka pa, kasi mabuti ang Panginoon, hindi ka niya pababayaan. Hindi ka niya bibigyan ng kung ano mang problema na hindi mo kayang harapin. Magtiwala ka lang."
Iniwan na ako ni Mama pagkatapos para mag-asikaso ng mga para sa kasal. Maya-maya, tumawag si Enzo.
"Enzo. Bakit?"
"Hi."
"Hello?" tapos narinig kong tumawa siya. "Anong ganap sa'yo?"
"I miss you."
"May ginawa ka bang kasalanan? Magba-back out ka ba?"
"I will never. I can't wait to call you my wife. Soon to be Mrs. Gutierrez."
Noong narinig ko 'yon, halos namula yata ang buong mukha.
"Tama ka na nga riyan, ako ang aatakihin sa puso sa'yo, e. I love you."
"I love you, too."
"Hope?"
"Yes?"
"I'll see you tomorrow?"
"Tomorrow? Anong oras? Bawal na tayo magkita bukas."
May rule kasi kami na three days before the wedding day, 'wag muna kaming magkita para naman the day itself, ma-miss namin ang isa't-isa at mas madoble ang sayang makita namin ang isa't-isa sa altar.
"But... please? Can I see you? You're hurting my heart. Literally."
"Okay, when and where?" nag-aalala kong sagot. Hindi pwedeng masaktan ang puso niya!
"Sabi ko na, hindi mo ako matitiis, e."
"So, dinahilan mo lang ba ang puso mo-"
"Just please? I want to see you."
"Okay, sige na. Magkita na tayo. Bukas. Anong oras at saan?"
"Sa garden sa likod ng bahay ko, 6:00 PM. Okay? See you."
"Okay. Saan ka ngayon?"
"Papunta ako kila Chelsea and Miks."
"Bakit?"
"I'm asking them to deliver the invitations. Then after that I'm off to Venice's house kasi siya ang mag-aayos ng souvenirs, and then off to Mico's and Bryle's because we gotta play some 2k before I get married."
"Babe, makakapaglaro ka pa rin ng 2k. Hindi kita pagbabawalan."
"Yeah, but it's different. It's the last time that I'm going to play as a bachelor."
"Okay na, sige na. Bye, babe."
"Bye. Love you."
"Love you, too."
"Love you three, Mrs. Gutierrez."
Tapos ibinaba ko na. Buong araw lang akong nag-ayos ng mga gagawin sa kasal. Habang abala sa mga gawain, may tumatawag sa phone ko.
"Hello? Mico?"
"Labas ka ng bahay n'yo."
Sumilip ako bigla sa bintana. May naghihintay na matangkad at gwapong binatilyo sa labas. Minsan, naiisip ko, kung wala si Enzo, paniguradong si Mico ang mamahalin ko. Sumalubong agad siya sa akin pagkalabas ko. Hindi ko alam pero parang lalo siyang gumwapo.
"Bakit blooming ka?" asar ko sa kanya.
"Kapag daw nasaktan, gumugwapo."
Napatigil naman ako. Nginitian niya na lang ako.
"So, bakit ka nandito? Akala ko maglalaro kayo ng 2k nina Enzo?"
"Tapos na. Kasama na niya si Bryle, may inaayos sila nina Venice."
"Bakit ka nga napunta rito?"
"Wala lang, gusto lang kita kausapin."
"Effort, ha. Sige. Pasok ka?"
"Hindi na. Tara? Punta tayo roon sa may park?"
"Sige."
Naglakad lang kami sa may park malapit sa subdivision namin. Buong time na naglalakad kami, hindi nagsasalita si Mico.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang-isip siya.
"Hope..."
"Ano?"
"Last na 'to. Last na. Last nang magta-try akong magkaroon ng papel sa buhay mo, pero hindi ko kayang ibigay ka sa iba nang hindi lumalaban."
"Anong ibig mong sabihin, Mico-"
"Sigurado ka ba sa kasal na 'to? Kasi kung hindi, ilalayo kita. Sumama ka sa akin. Ako na lang ang piliin mo, Hope. Hindi kita sasaktan. Higit sa lahat, hindi kita iiwan, Hope. Hindi ka mag-iisa."
"Mico ano bang sinasabi mo? Isang araw na lang bago ang kasal ko."
"Kaya nga may oras ka pa para mag-back out... kung gusto mo. Sigurado ka ba rito? Sigurado ka bang magpapakasal ka nang ganito kabata? Kasi kung hindi, kung hindi ka sigurado, nandito lang ako. Tutulungan kita."
"Mico, please. Itigil mo na 'yang sinasabi mo. Oo, natatakot ako. Oo, may doubts ako sa gagawin namin ni Enzo. Oo, hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga gagawin ko pero sa lahat ng 'yon, isa lang ang sigurado ako, sobrang mahal ko si Enzo at kaya kong gawin lahat. So please..." Tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para hindi ko na makita ang nasasaktan niyang mukha. "Tigilan mo na ako, Mico. Si Enzo ang mahal ko. Hindi ikaw."
Napatahimik lang siya.
"I'm so sorry. I'm so, so sorry."
Nakita ko lang tumulo ang luha niya at pinunasan niya 'yon.
"I'm just so in love with you that I can't bear the thought of losing you. If only you knew how much I would give to have you." Tumingin siya sa akin, tapos ngumiti. Pekeng ngiti. "Bakit kasi si Enzo pa. Bakit siya pa..."
Tumalikod siya sa akin at lumakad palayo.
"I'm so sorry Mico. Hindi ko-"
Hahabulin ko sana siya pero humarap siya sa akin. Nakangiti.
"Don't. Please. You deserve all the happiness in the world. At hindi ako ang lalaking magkakait sa'yo noon. Sana maging masaya ka, Hope. Sana."
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomansaMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...