Org week na! Walang classes kaya nandoon kami sa Outdoor Club room kasama sina Chelsea, Miks, Venice, Mico, Bryle, Enzo, at ang lima pa na kasali talaga sa Outdoor club na sina Kim, Rose, Kate, Eloisa at Christian (na kaaway ni Miks dahil kaagaw niya kay Mico).
Nang makaupo ang lahat, pumasok na si Miss Iñigo at nag-announce, "Hello, good morning. Welcome to the Outdoor Club. First of all, let's elect our officers. Since 12 lang kayo, madali lang ito. We just need a president, a vice president, and a treasurer."
Biglang tumayo si Bryle. "I nominate Buenavents," sabay wink kay Venice.
After that, we decided na si Venice na ang president, si Bryle ang VP, at ang treasurer ay si Chelsea.
"Good. Now, for our first activity and dahil org week naman, we'll go hiking! The hike will be from Tuesday to Friday. So ngayon, you can all go and prepare the things you will need for the trip. Tomorrow we'll meet here at 5 AM," pagtatapos ni Ms. Iñigo.
Kinabukasan, hindi pa ako masyadong gising na gising, ginugulat na ako ni Mico.
"Hoy, slave. Ikaw ang partner ko, ha," dahilan niya, dahil may buddy system na inimplement rin si Ms. Iñigo para sa hike.
"Ayoko! Ang partner mo ay si Enzo o si Bryle, 'di ba?" sabi ko.
"Hindi pwede. Si Enzo at Bryle ang dapat magka-partner. Sila ang laging buddies, tumatayong kuya ni Enzo si Bryle. Ayokong partner si Venice, masyadong bossy 'yon," paliwanag ni Mico.
Nang ayusin ang buddy system, ang naging magkaka-partner ay: Enzo-Bryle, Hope-Mico, Chelsea-Miks, Venice-Kate, Kim-Rose, at Eloisa-Christian.
Si Mico ang katabi ko sa bus. Ako ang nagbitbit ng gamit niya, nagbukas ng snacks niya kaya nasa biyahe pa lang, pakiramdam ko ay pagod na ako. Masyado niyang sinusulit 'yong pagblackmail niya sa akin para maging 'slave' niya. Nasaan naman ang human rights ko?!
Pagdating sa venue, nilapitan ako bigla ni Enzo, "I really wanted to be partners with you."
Pagkarinig ko noon, parang nawala lahat ng pagod ko bigla.
"I don't know. I just feel light when I'm with you. So, I just thought that since it's a hike, it would be better if we're partners, but inunahan ako ni Mico."
Lalong umapaw ang hate level ko kay Mico dahil sa sinabi ni Enzo. Chance ko na 'yon, e!
Matapos ang ilang minuto, tinawag na naman ako ni Mico, "You're my slave. Akin ka lang. Kaya diyan ka lang sa tabi ko. 'Wag kang dikit nang dikit sa iba." tapos tinalikuran niya ako pero hindi siya lumayo. Hala, possessive pala 'tong si Mico?
Pagdating sa camp, nagpakilala ang bawat isa at nagkasundong dapat mas maging close ang buong club by the end of the hiking activity. Pagkatapos, ibinigay na ang tents para sa bawat mag-partner.
"Miss! Si Mico po ang partner ko! Magka-share po kami ng tent?" tanong ko agad kay Ms. Iñigo.
"Hope, sabi ko naman hindi. As much as possible, girl to girl at boy to boy. Pwede ka bang makipagpalit?" paliwanag ni Ms. Iñigo.
Naisip ko si Eloisa, si Christian ang partner niya. "Baka pwedeng magpalit kami ni-"
"No way! Ayoko!" sigaw ni Mico nang sabihin ko 'yon.
"So, magkatabi tayo sa tent?!" tanong ko.
"First of all, wala akong gagawing masama sa 'yo. Second, kapag ikaw ang may ginawang masama sa akin, you are dead!" sigaw niya.
Wala na akong nagawa, kami na ang magkasama at ako rin ang nagtayo ng tent. Hindi man lang siya tumulong kaya habang tapos na ang iba, fini-figure out ko pa rin kung paano magsisimula. Naiiyak na ako sa pagod, inis, at galit kay Mico.
"Let me help you."
Biglang may kumuha ng mga bakal para sa tent. Si Enzo.
"Gutierrez, why are you helping her?" pigil ni Mico.
"Why are you not?" tapos tumingin siya nang straight kay Mico.
Hanggang sa nagkasagutan na ang dalawa. Natakot ako kasi malakas na ang boses nila. Buti at dumating si Bryle para awatin sila.
"What's this?" tingin niya sa akin.
"Uhmmm... tinulungan kasi ako ni Enzo," paliwanag ko.
"That's it?" natatawang sabi ni Bryle. "Hindi ako gigitna dito. Ayusin n'yo 'yan. Pwede ba? Hindi na tayo mga bata."
Pag-alis ni Bryle, tumayo lang si Mico roon. Ilang minuto lang, naitayo na ni Enzo ang tent.
"I just don't want you to be that mean just because you don't like her. I know you, Mico. You're more than this," sabi niya bago umalis.
Natahimik kaming parehas ni Mico.
Humabol pa siya nang nakatalikod na. "You know, I wanted to be partners with Hope, but because you asked her first, I conceded. But if you're just going to treat her like this, I might as well get her from you."
Ramdam na ramdam ko ang haba ng buhok ko. Hanggang sa maghapunan kami, hindi pa rin kami nag-uusap ni Mico. Inihaw na karne ang ulam namin na niluto ni Enzo. Nag-ihaw rin kami ng marshmallows sa bonfire pagkatapos at nagkwentuhan, nagkulitan, at nagplano para sa activities kinabukasan.
Nang patulugin na kami ni Ms. Iñigo, kani-kanyang balik na kami sa tent. Nagulat ako dahil nakahiga na pala si Mico sa loob. Alam kong hindi pa siya tulog kaya dahan-dahan na lang akong pumasok at pumwesto sa sulok ko.
"Mico," tawag ko sa kanya.
"Master," pagtatama niya.
"Balik master-slave na ba ulit tayo?"
"Bakit? Nawala na ba ang feelings mo kay Enzo?"
"Hindi pa."
"Pwes, hindi pa rin tapos ang pagiging alila mo."
Katahimikan.
"Kailan ka ba titigil sa pangaasar? Kasi, sabi ni Enzo kanina na kaya mo ko ginagawang slave kasi galit ka sa akin. I mean, sobra ba? Hindi mo ba talaga ako kayang tiisin?"
"Kung hindi kita kayang tiisin, I would not have made you my partner. I don't know. I don't hate you. I just don't like you."
"Sana lang maging okay tayo," sabi ko noong wala na siyang masabi.
Pumikit na ako at pinilit matulog bago pa ako mautusan ulit.
"Sorry for being a pain in the ass," bigla na lang sinabi ni Mico.
Hindi ako makapaniwala, parang nananaginip na yata ako. May tunog ng sincerity. Hindi mukhang napilitan at galit. Magsasalita na sana ako pero...
"Madami akong iuutos sa 'yo bukas ng umaga. Baka nakakalimutan mong slave kita. Good night," pahabol ni Mico.
Pakiramdam ko sinapian si Mico, baka hindi siya ang nagsasalita kanina.
"Hope, I'm willing to accept your challenge... to be your friend."
Napangiti ako habang nakapikit. Humanda ka sa akin bukas, Mico Loyola.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...