CHAPTER 13

40 1 0
                                    

"Hello? Is somebody there?"

Nagkatinginan kami nang makarinig kami ng isang pamilyar na boses. Si Bryle 'yon!

"What're you doing here, dude?" tanong ni Mico paglitaw ni Bryle mula sa dilim.

"May kasama ka ba, Bryle? O naligaw ka din?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot at ngumiti na lang. Alam na.

At dahil Tres Gwapitos sila, kahit sa pagkawala dapat magkakasama. Kaya wala kaming nagawa, magkakasama kaming natulog. Magkakasama silang naligo sa ilog kinabukasan, at sama-sama kaming kumain ng inihaw na palaka at hinog na langka dahil sa sobrang gutom.

Nang magtatanghali na, sinubukan na ulit naming hanapin ang daan pabalik. Nilagyan namin ng markings ang mga nadaanan na namin para hindi kami lalong maligaw. Habang naglalakad, nakita ulit namin ang ibang mga signs na nilagay nina Enzo at Mico. Makalipas ang ilang minuto, nakarinig kami ng isang babaeng sumisigaw sa 'di kalayuan.

"Bryle! Mico! Enzo! Hope! Oh, my God! I'm so glad I found you!" sabay lapit at yakap ni Venice na halos maluha-luha na.

Chineck niya si Mico kung may sugat, ganoon din ang ginawa niya kay Bryle pero noong kay Enzo na bigla niyang hinawakan ang mukha niya.

"I'm so glad you're okay! I've been worried sick about you!" tapos niyakap niya si Enzo.

Ako naman, biglang sumikip ang dibdib. Napaatras ako tapos napansin kong biglang hinawakan ni Mico ang balikat ko at sinabing, "If you want to be friends with us, you have to accept the fact that they're special to each other."

Muntik na akong maiyak, buti at bigla akong hinila at niyakap ni Miks. Kinumusta niya ako at halos sabunutan dahil sa selos na kasama ko ang Tres Gwapitos buong magdamag. Kinumusta rin kami ni Ms. Iñigo at pinagpahinga kami para daw ready kami sa activities mamayang gabi.

Noong gabi nag-ready kami para sa bonfire. Nagkwentuhan kaming lahat sa paligid ng bonfire.

"Hey, Hope." tawag sa akin ni Mico.

"Ano na naman?"

"Gusto ko lang sabihing malas ka talaga," tapos tumawa siya.

"At mayabang ka!"

"May ipagmamayabang kasi ako. Gutom na ako. Kuha mo nga ako ng pagkain."

"Ang tamad nito! Ikaw na kaya-"

"Hoy, baka nakakalimutan mong slave pa rin kita."

"Hindi pa ba 'yan nawawala?"

"Bakit? Nawala na ba feelings mo kay Enzo?"

"Hindi pa."

"Pwes, hangga't gusto mo si Enzo, hawak kita."

Nakatayo na ako at namimili ng pagkain para kay Mico nang biglang napatingin ako sa kanan.

Nakita ko kasi si Enzo at Venice, nakaupo sa harap ng bonfire at magkayakap.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon