CHAPTER 23

63 4 0
                                    

"Hello, good morning. You all know that every year, we select one student who'll be given a special task. Every year, we add different twists sa tasks na binibigay namin. Sometimes, we give you a list of the things that you should do..."

Ito ang announcement ni Miss Bisbal pagpasok ko sa room. Naguluhan ako dahil akala ko si Enzo na ang napili at ginagawa na niya ang mga task na nakasulat sa planner niya.

"We just would like to announce na meron na kaming napiling student na mabibigyan ng task. But of course, malalaman n'yo kung sino ang student na iyon sa graduation day."

Buong class ko inisip kung ano kaya ang ginagawa ni Enzo sa planner niya kung hindi pala iyon ang yearly task ni Ms. Bisbal.

Sinundo naman ako ni Mico during break time. Sinamahan niya ako during lunch dahil wala ang ibang Tres Gwapitos. Ikinuwento niyang nakaalis na ang mom at dad niya, at mag-isa na ulit siya sa bahay. Pero iba ang pag-alis ng parents niya sa pagkakataong 'yon dahil kahit paano ay nakapag-usap na sila nang masinsinan.

Matapos ang ilang saglit, nag-text si Enzo na magkita kami sa Luneta. Ramdam ko ang inis ni Mico pero kinailangan kong umalis.

Nakita ko si Enzo na nakaupo sa bench, nakatulala, at nakasuot ng earphones. Nakatitig sa kanya ang lahat ng babae sa paligid.

"Hi," sabi ko sa kanya.

Ngumiti ako tapos niyakap niya ako. Yakap na imbes na maramdaman mong katabi mo lang siya, lalo mo lang maiisip na ang layo-layo niya.

Umiyak na lang bigla si Enzo pagkatapos niya akong yakapin. Nagtaka ako, hindi ko naintindihan. After a while, tumigil siya.

"I'm so sorry that you have to see me like this," sabi niya.

"Kung nalulungkot ka, sabihin mo lang sa akin."

"I can't tell you," sagot ni Enzo."It's unfair. I don't want to go."

Wala siyang sinasabing paliwanag, pero nagkaroon ako ng pakiramdam na parang naiintindihan mo siya.

"You know why I called you here?" tanong niya sa akin.

"Bakit?"

"Do you see that car?" Tinuro niya ang isang lumang itim na kotse sa pinakiligid. "Let's break its windows," sabi niya tapos ngumiti na parang bata. Nasa pinakigilid ang sasakyan. Hindi kita ng lahat kasi tago. Isa pa, dumidilim na at itim pa ang kotse. Kumuha kami ni Enzo ng mga bato...

"I'm sorry for stressing you out. But here... Take this rock. Ibato mo lang ang lahat ng inis mo."

Ngumiti na naman siya. Gustung-gusto kong makitang nakangiti siya. Ngumiti ka lang, Enzo.

Biglang siyang sumigaw at binato niya ang malaking bato na hawak niya. Maya-maya, bato lang siya ng bato. Hanggang sa mamaya, nakita ko na namang umiiyak si Enzo. Bumabato rin ako kahit alam kong mali 'yong ginagawa namin. Pero nanghina ako nang makita si Enzo na ganoon.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya nang mapagod siya.

Tiningnan niya ang sira-sirang sasakyan at ngumiti. Habang tumatawa, napatingin ako kay Enzo.

Isang malakas na pito ang sunod naming narinig. Ang saya kanina, naging takot. Dinala kami sa police station ng guard na nakakita sa amin. Kinuha ang information namin at tinawagan ang ate at lola ko. Mas natakot ako sa sasabihin nila kaysa mahuli ng pulis. Kinailangan naming maghintay ng matagal sa station at kinailangan naming maiwan ni Enzo sa isang kwarto. I had to sleep on his shoulder sa sobrang takot at pagod.

Kaya kahit malas, parang swerte pa rin ako.

••••••••••••••••••••••••••

November 15: Tres Gwapitos' Day

Every year, may Tres Gwapitos' Day! Kasabay ng org day ng school ang event na 'yon. May sariling photo booth si Mico. May free hug booth naman si Bryle. Parang fans day kung saan magpe-perform ang Tres Gwapitos. Isa-isa silang nagpapasaya, at sa taong 'yon, si Enzo ang nakatoka.

Papasok pa lang sana ako sa room nang biglang nakasalubong ko si Enzo na mukhang hindi mapakali.

"Hi, Enzo! Ready ka na mamayang gabi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi hinigit na niya ako.

"Saan tayo pupunta?"

"I need help," nagmamadali at hindi mapakaling sinabi ni Enzo.

"Saan?"

"Do my makeup for me."

Napatitig na lang ako sa kanya, tapos tumawa ako nang malakas.

"Okay ka lang? Hindi ako marunong mag-makeup! Gusto mo bang maging clown nang buong araw?"

Tawa pa rin ako nang tawa pero noong nakita kong seryoso siya, nag-panic na rin ako.

Sinamahan ko si Enzo sa mall, bumili kami ng dress at makeup. Kahit hindi ako marunong, sinubukan ko siyang ayusan. Grabe, parang mas babae pa ang kinis ng kutis niya.

Paglabas ni Enzo sa CR, halos mamatay na ako kakatawa. Ang ganda niya!

"How do I look?"

"Mas maganda ka pa sa akin," sabi ko.

"I doubt it. You're beautiful," sabi ni Enzo.

Halos mamatay naman ako sa kilig sa sinabi niya.

Parang kulang pa ang ayos niya kaya naghanap pa kami ng wig.

Pagdating ng gabi, nasa gym na ang lahat ng fans ng Tres Gwapitos. Sina Bryle at Mico nasa stage na.

"Are you ready to see Enzo Gutierrez?" sigaw ni Bryle tapos nag-yes ang crowd.

"This is his year, and ito ang last year ng Tres Gwapitos' Day. As you all know, ga-graduate na kami, and we would like to thank everyone for liking and supporting us," dagdag ni Bryle.

"We love you," simpleng sinabi ni Mico pero ang lakas ng sigaw ng mga babae. Ang dami talagang 'fans' ni Mico Loyola!

"So, are you ready?" tanong ulit ni Bryle. "Well then, let's welcome Enzo Miguel Gutierrez!"

"Hi guys," nagsalita si Enzo at nagwala ang lahat ng babae.

"This night, magpe-perform ako, dance number. Pero, I asked a special girl for help, and magiging partner ko siya sa sayaw. Let's welcome Miss Hope Yazon."

Lumakad ako palabas, nakapikit, pero pagmulat ko, nakangiti lang sa akin si Enzo.

Maya-maya, inabot sa akin ni Enzo ang kamay niya. Shucks, sa harap ng maraming tao, sa harap ng estudyante sa school namin, nandito ako sa stage kasama si Enzo na kasalukuyang iniaabot ang kamay sa akin. Ang tagal-tagal ko nang in-imagine 'to.

"Can I have this dance?"

Noong inabot ko ang kamay ko sa kanya, biglang nag-play ang "Can I Have This Dance" na kanta sa High School Musical.

Bigla akong hinila ni Enzo papalapit sa kanya at ginuide niya ako sa sayaw. Ang galing niyang mag-waltz! Kahit hindi ko alam kung paano, nadala niya ako. Noong natapos ang chorus, bigla akong iniikot ni Enzo tapos ay binitawan ang kamay ko. Dumilim ang paligid at bumulong siya, "Let's kill this performance."

Nagsimulang tumugtog ang mas mabilis na music at nasayaw naman namin nang maayos ang first part. Tapos, acrobatics na.

"You can do this," bulong ni Enzo, tapos hinawakan niya ako, iniikot sa ere, nag-twirl ako at-success! Nagawa namin nang maayos.

Naghiyawan ang mga tao! Tinapos na lang namin ang sayaw na nakatingin at nakangiti sa isa't isa.

Tumakbo siya sa gilid ng stage saglit at biglang naglabas ng isang dosenang red at white roses.

"Fiella Michelli Hope Yazon, I really, really like you. Thank you for making this day special."

Tapos bigla niyang iniabot sa akin ang bouquet ng flowers sa harap ng buong Girlinlove University!

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon