CHAPTER 2

111 5 0
                                    

Mukhang mag-isa akong kakain sa recess. Pagkatapos akong tawagin at pagalitan ni Ms. Ira sa faculty room, wala na sina Miks at Chelsea.

Habang papunta sa canteen, nakita ko si Enzo na kausap ang guidance counselor namin na si Ms. Bisbal. May nakita rin akong isang piraso ng papel na inabot ni Ms. Bisbal kay Enzo. Bali-balita na mahilig magpagawa ng secret tasks ang guidance counselor-isang tao ang mapipili para gawin ang secret task per batch at may dahilan kung bakit ikaw ang napili, at kung ano ang ipapagawa sa'yo. Siguro, secret task nga ang laman ng papel na 'yon.

Aalis na sana ako pero bago pa ako nakagalaw, may kung anong bagay na malakas na tumama sa ulo ko.

"Aray! Ang sakit," sigaw ko.

"Ha! Does it hurt?" biglang may nagtanong.

Parang gusto ko siyang sagutin ng, Obvious ba? Ikaw kaya ang tamaan ng bola sa mukha? pero natameme ako nang makitang si Mico Loyola pala ang may kasalanan.

“Hindi ka kasi tumitingin. You were too busy thinking. Wait. You don't think!" tapos tumawa na siya nang malakas.

Gusto ko pa sanang sumagot pero nagdilim na ang paningin ko dahil sa hilo.

"Pare, anong ginawa mo riyan?" tanong ni Bryle.

"Sinipa ko 'yong bola! Malay ko bang mapupuruhan. Grabe. Weak naman ng babaeng ito," sabi ni Mico.

"Varsity football player ka, natural, malakas ang sipa mo! Dalhin natin 'yan sa clinic!" suggest ni Bryle.

"Si Gutierrez, nasaan?" tanong ni Mico.

"May sinusulat sa puno. 'Yon!" turo ni Bryle.

"Hoy! Gutierrez! Lapit dito! Tara sa clinic."

Nagtataka ang mukha ni Enzo pero 'di na nakapagsalita.

Binuhat ako ni Mico. Kahit nahihilo ako, parang medyo nawala dahil alam kong malapit sa akin si Enzo.

•••••••••••••••••••••••••••••••

"Miss? Are you feeling well?" tanong sa akin ng nurse. "Wag kang mag-alala, nasa clinic ka. Ano ba ang nangyari? Bakit dumugo ang ilong mo?" Lumingon ang nurse sa Tres Gwapitos pagkatapos magtanong. "Miss, anong ginawa sa 'yo ni Mr. Loyola?"

Masama ang tingin sa akin ni Mico.

"Nakita po niya ako na dumudugo ang ilong. Kaka-quiz ko lang po kasi, baka hindi kinaya ng brain cells ko," palusot ko.

Natawa si Bryle. Si Enzo ay nakatitig lang sa kawalan, samantalang si Mico ay napataas ang kilay.

Lumabas ang lahat pagkatapos akong painumin ng gamot at pagpahingahin ng nurse. Naramdaman kong biglang pumasok ulit si Mico. Nagkunwari akong tulog.

"Nakita kita. Gising ka," sabi ni Mico.

Napadilat ako at tumingin sa kanya.

"Hindi ako magtha-thank you dahil sa pinagtakpan mo ako."

"Kaka-thank you mo nga lang, e..." pabulong kong sabi.

"Fine. Dapat lang na pagtakpan mo ako kasi kung hindi mo ginawa 'yon, mas titindi lang ang pambu-bully ko sa 'yo. Pero baka naman sabihin mo wala akong ibinigay sa 'yo... Hi! I'm Mico Loyola. 17 years old. You?" sabay abot ng kamay.

Natulala lang ako.

"Nakakangalay. Ano ba? You just have to say your stupid name!" bulyaw niya.

Napasigaw din ako ng sagot, "Fiella Michelli Hope I. Yazon! Hope!"

Hinawakan ko ang kamay niya. Mainit at malambot, hindi ko na namalayang ang tagal ko na palang hawak ang kamay niya kaya bigla kong nahila.

"Pwede ka na yata umalis diyan. 4:30 na kasi kailangan mo na umuwi. Una na ako, nandiyan na ang sundo ko."

"Sige," maikli kong sagot.

Sa isip ko, nagwawala na ako. Nakipagkilala siya! Nakipagkamay. Pinapauwi na niya ako. Concerned siya sa akin! Oh, my gosh!

Medyo kinilig ako nang slight sa mga nangyari, pero si Enzo pa rin.

"Hope!" biglang sigaw ni Miks.

"Anong nangyari sa 'yo? 'Di ka namin napuntahan noong lunch kasi may inutos si Ms. Baliton," sabi ni Chelsea.

"'Yang boy wonder kasi ni Miks, sinipaan ako ng bola sa ulo," sumbong ko.

Nanlaki ang mata ng dalawa.

"Ang sakit kaya! Nadedlaks ako, four hours daw akong comatose kanina," sabi ko.

Binatukan ako ni Miks. "Aray! Kakasipa lang sa akin ng bola, hindi ba? Baka maalog at mawala lahat nang inaral ko!"

"Comatose? Four hours? Ano 'tong clinic, ICU? At bakit ka sisipaan ng bola ni Mico? Nandito naman ako! Pwede niya akong sipaan ng bola!" maarteng reklamo nito.

"Okay ka na ba?" sabi ni Chelsea.

"Oo, okay na ako. Sige, una na kayo. Kukuhanin ko pa ang gamit ko sa room," sagot ko.

"Okay. Tara na, Miks," sabay hila ni Chelsea kay Miks na nag-iilusyon pa.

Palabas na ako nang mapansin kong may nakakalat na notebook sa ibaba ng kama ko. Baka kay Miks o Chelsea iyon at nalaglag kanina. Pinulot ko at...

"No way!" napasigaw ako.

Enzo Miguel Gutierrez's Planner

Kay Enzo 'yon! Hindi lang basta notebook, 'yon ang planner niya. 'Yon yata ang nag-iisang magandang nangyari sa malas na araw na 'yon.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon