CHAPTER 15

45 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw pagbalik namin galing sa hike namin. Intramurals na pagbalik namin sa university. Masaya ang mga sporty, nganga naman kaming mga lampa.

Sa last day ng intrams, ia-announce na ang mga nanalo. Naghanda ang buong Section F dahil kalaban namin mamaya ang Section A sa basketball. Kaso may balita na absent daw si Mico kaya kapag nagkataon, pwede kaming magchampion sa basketball! Si Miks kasi ang MVP namin!

Papunta na ako sa canteen nang biglang may tumawag sa phone ko. Ang aking "Demon Master"!

"Hello?"

"Pumunta ka sa may south gate ng school in five minutes. Kapag wala ka pa roon, ia-announce ko sa school bukas, kasabay ng pag-announce sa winner ng intrams, na patay na patay ka kay Enzo. Bye."

Bago pa ako makapagtanong tumakbo na ako papunta sa south gate. May itim na kotse roon tapos tumawag si Mico. Sinabi niyang service niya 'yon at sumakay na daw ako. Ibinaba ako ng driver sa tapat ng isang malaking bahay. Modern ang style at maraming glass windows. Pero pagpasok ko, napakadumi ng bahay! Basura rito, basura roon. Marumi lahat ng gamit at nakakalat pati mga libro.

"You're here!"

Tumingin ako sa nagsalita, si Mico, na nakapambahay lang.

"Bakit mo ako pinapunta rito? Alam mo namang may pasok ngayon," sabi ko habang lumalapit siya sa akin.

"My yaya resigned," sabi niya. "Clean all this mess, slave."

"Seryoso ka ba? Ang laki ng bahay mo! Ang daming kalat! At may pasok tayo ngayon!" sagot ko habang papalapit siya.

Bigla siyang natumba sa harapan ko. Pagkasalo ko sa kanya, wala na siyang malay at sobrang init ng katawan. Mukhang sobrang taas ng lagnat niya. Sinubukan ko siyang buhatin pero mabigat kaya medyo kinakalkad ko na lang. Pagdating sa kwarto, inihiga ko siya sa kama. Buti at malinis ang kwarto.

Umupo ako sa sofa at tiningnan si Mico. Sinimulan kong pulutin ang mga basura at ayusin ang mga gamit, pati ang mga damit ay inilagay kong lahat sa washing machine. Pagpunta ko sa kusina, puro pinagkainan ng noodles ang nakita ko. Kung puro ito ang kinakain ni Mico, at may basketball game pa siya, talagang magkakasakit siya. Sinilip ko ang ref at marami namang laman pero kailangang lutuin. Naisip kong magluto na lang ng adobo dahil iyon ang alam ko. Niyaya ko rin si Kuya Driver na pumunta sa drugstore para bumili ng gamot. Pagbalik namin sa bahay nila Mico, nakita kong may text si Miks.

Bebe Miks

Baks! Weru? Game ko na! Kala ko cheer mo ko.🙁

Nag-reply naman ako agad.

Miks! Nasa house ako nina Mico! Ang taas ng lagnat niya, e. Tinawagan niya ako para maglinis kasi nga slave ang peg ko 'di ba? Next time na lang kita ichi-cheer, ha? Love you pa rin! Muahugs🤗

Natapos ko na ang lahat ng lilinisin at super proud ako sa sarili ko. Chineck ko si Mico. Tulog na tulog pa rin. Nilagyan ko siya ng towel na binabad sa malamig na tubig para mawala lahat ng init sa katawan niya. Bigla naman siyang nagising.

"What are you doing here?!" tanong niya.

“Kaloka ka! Inutusan mo ako na magpunta rito! May lagnat ka pala, bakit 'di mo sinabi?"

"Girlfriend ba kita?"

"Ah, ganoon? Nilinis ko na nga po pala buong bahay mo tapos nilabhan ko na mga damit mo! Nagluto na rin ako para may makain ka, hindi 'yong puro instant noodles ka. Kaya humina katawan mo, e. Ito ang gamot sa bedside table mo. Ayan! Kumpleto na 'yan. Aalis na ko!" galit kong sabi ko sa kanya.

Tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako.

"Stupid! Hindi ko pa sinasabing umalis ka kaya dito ka lang muna," sabi ni Mico. "Diyan ka lang. Bantayan mo ako. Hindi ka aalis hangga't 'di bumubuti pakiramdam ko."

"Kung gusto mo bumuti ang pakiramdam mo, uminom ka ng gamot!"

"Hindi ako umiinom nang 'di kumakain."

"Nagluto na nga ako! Nasa kitchen! Adobo."

"Talaga?!" parang biglang nabuhay ang dugo niya sa pagkasabi ko no'n.

"Sige. Ikukuha kita ng pagkain mo."

Pagtayo ko, narinig ko siyang nagsalita, "Hope, kumain ka na rin dito. Thank you."

Mukhang mataas nga ang lagnat niya kasi narinig ko siyang nagpasalamat.

"Ang sarap mo palang magluto," sabi niya nang matikman ang adobo ko.

Tuwang-tuwa ang loko sa luto ko pero nang papainumin ko na ng gamot, bigla na lang nagbago ang mood niya. Galit at iritable na naman. Para kaming mga batang nagpipilitang uminom ng gamot. Nagtalukbong pa siya ng kumot! Hindi na siya nagsalita, lumabas na lang ako at nagluto ng dinner niya. Habang nagluluto, tumunog ulit ang phone ko.

Bebe Miks

Hope-ya Mani Popcorn. Nanalo tayo sa basketball!

'Di mo ako na-watch! Ang daming girlash na kumakabit sa akin! Nandiri ako, girl! Sayang wala ka. Ikaw panakot ko sa mga daga-este sa mga girlash, e. Anyhoo, sinabi namin kay Ms. Samonte na may emergency ka sa house kaya excused ka! 'Yon lang. Pumasok ka bukas!!

Masaya naman ako at nanalo kami kahit hindi ko siya na-cheer. Tumunog ulit ang cellphone ko, akala ko ay si Miks ulit.

+63933xxxxxxx

Hope?🙂

Sinech itey?😌

What?

Sabi ko sino 'to? Si Hope nga 'to. Sino 'to?

Enzo.🙂

Hala? Nagtatatalon ako sa kusina habang nagluluto. Pinalitan ko kaagad ang pangalan niya sa phone ko.

Hope's Future Husband❤️

I didn't see you in school today.🙁

Ay! Absent ako, e. Nandito ako kina Mico. May lagnat siya, e! Ako nautusang mag-alaga. Slave, e.

Are you okay? Hindi ka naman inaway ni Mico? I'm practicing my Tagalog skills for you, btw.😉

Sigaw ako nang sigaw sa kilig nang biglang sumulpot si Mico.

"Why are you screaming?" nag-aalala niyang tanong.

"Wala namang batas na nagsasabing bawal sumigaw!" sabi ko na natatawa at naiinis. "Bakit ka umalis ng kama? Magpahinga ka na! Hindi lang ikaw ang nag-aalala rito. Ingatan mo nga ang sarili mo kasi nag-aalala rin ako sa 'yo."

Parehas kaming natahimik. Nagkatinginan kami sabay nag-iwasan ng tingin.

"Ipagpapaalam na lang kita sa adviser mo. Susubukan kong papuntahin ang ate ko bukas para dalhan ka ng pagkain. Inumin mo ang gamot mo, ha!" dagdag ko.

Inilagay ko ang lahat ng kailangan niya sa side table-gamot, tubig, food, at cellphone for emergency.

“Gabi na. Kailangan ko nang umuwi dahil baka hinahanap na ako nina Lola. Sa ngayon matulog ka at magpahinga ka, okay? Ang hirap naman na wala kang kasama rito. Okay ka lang bang mag-isa?"

Nag-nod lang siya.

Ipinahatid niya ako sa driver niya. Habang nasa biyahe, bigla siyang nag-text.

Demon Master

Thank you, really. For worrying and caring. Take care.

Hindi ko napansing nakangiti na ako habang nagbabasa.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon