Kakaibang challenge ang ginawa namin kinabukasan. Kailangan naming manghuli ng isda gamit ang sibat kasi iyon ang magiging lunch namin. By partner ulit ang task na iyon at siyempre, bilang slave, ako na naman ang magpapakapagod para makakain kami.
Kaunting briefing lang ang ginawa tapos dumiretso na kami sa ilog. Kaya naman pala ganoon ang paraan ng panghuhuli dahil maraming isda sa ilog na iyon at sobrang linaw ng tubig. Medyo mabilis nga lang ang mga isda at mabigat ang sibat.
"Baka gusto mong bilisan kasi nagugutom na ako. Masama akong magutom," sigaw ni Mico sa akin habang nakaupo lang sa gilid.
"You're doing it wrong," sabi ni Enzo na nasa ilog din at may nahuli nang isda. "See that fish, you know that it's going to approach you, right? So, you have to have the proper timing, and you should stay still."
Inasinta ni Enzo ang isang isdang papalapit. Ibinato niya ang sibat at huli agad! Nagprisinta na rin si Bryle at Enzo pero sabi nila, subukan ko raw muna bago nila ako ihuli ng isda. Sinubukan kong mag-target ng isang papalapit na isda. Kumuha ako ng timing habang may papalapit na isda, at tsaka ko inihagis ang sibat.
"Nakahuli ako! Enzo! Bryle! Nakahuli ako!" Talon ako nang talon sa sobrang saya. Pero sa sobrang saya ko, nakawala naman ang isdang nahuli ko. Pinagtawanan ako ng lahat, kahit si Enzo ay pinipigilan din ang pagtawa.
Biglang dumating si Mico at tinanong kung bakit kami nagtatawanan. Tumahimik naman bigla ang lahat.
"Here we go again. What did I do this time?" maang na tanong ni Mico.
"Wala kang ginagawa. Dude, we are camping, and you are not doing anything," sagot ni Bryle.
"There's Hope, and she's my slave," Mico replied.
"Sinasabi ko sa 'yo, Loyola, ayusin mo 'yang galaw mo. I've had enough of you. First, I know hindi mo gustong makisali sa org na 'to, but you're already here, so man up! Second, kahapon ko pa pinapanood ang pagtrato mo kay Hope. I know that you are having a hard time accepting the fact that we're already friends with her, but you don't have to be so mean. She's a girl. Treat her with respect. Hindi tayo pinalaking bastos. Kilala kita, at hindi ka ganyan. We are getting pissed with you," galit nang sagot ni Bryle.
Dahil tahimik ang lahat at hindi alam ang gagawin, isa-isa nang umalis ang mga tao. Naiwan ako at si Mico sa ilog.
"Sorry. Nag-away pa kayo..."
"Are you really that stupid?" galit na namang sagot ni Mico.
Ako na nga nagsorry, ako pa ang 'stupid'? Aalis na sana ako pero tinawag ako ni Mico.
"Hope, wait."
Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya.
"Seriously. Naguguluhan lang ako. What's the point of having a slave if I can't order you around?"
"Siguro kasi minsan, hindi mo dapat gawing literal ang mga bagay. Tsaka minsan, hindi naman masamang makiramdam," medyo sarcastic kong sagot. "Hindi ko naman siguro kasalanang nagkagusto ako kay Enzo. Nagkataon nga lang na nahanapan mo ng paraan para gamitin 'yon laban sa akin. Pero Mico, hindi naman masamang makiramdam. Nag-e-expect pa naman ako na tatanggapin mo ang friendship na ino-offer ko. Alam kong sobra na para hilingin pa, pero ginagawa ko naman ang lahat para maging komportable taylo tsaka para matanggap mo ako." Hindi ko na napigilang maglabas ng sama ng loob.
Tahimik lang siya. Ako naman, nagsimula na ulit manghuli ng isda. Nagutom ako sa speech ko.
"Can you teach me how to do that?" biglang sabi ni Mico na nasa gilid at pinapanood ako.
Napabuntonghininga na lang ako.
"Ganito lang 'yan..." Sinubukan kong ipakita sa kanya ang itinuro sa akin ni Enzo.
"Lemme try," sabi niyang medyo tinatantya ang mood ko.
Tinarget niya ang isang isda at 'di nagtagal, nakahuli na siya agad ng isa!
"Nakakainis ka! Bakit isang try mo pa lang, nakuha mo na?" pagmamaktol ko.
"Bati na tayo, please?" sabi ni Mico na may halong pagpapa-cute.
"Mukha kang puppy," sabi ko sabay tawa nang malakas.
"What? You said I should do my part tapos tatawanan mo ako!" reklamo niya sabay tapon ng sibat sa tubig.
Nakita na lang naming inaagos na ng ilog ang sibat kaya nagkatinginan kami at nagmadaling habulin ang sumibat na sibat.
Nahabol ni Mico ang sibat pero halos maiyak ako nang madapa at tumama sa bato ang tuhod ko.
"You're bleeding!" sabi ni Mico.
Medyo malaki ang sugat kaya agad akong binuhat ni Mico at itinakbo sa camp. Kahit alam kong nag-aalala siya, nakuha pa niya akong asarin na mabigat raw ako.
Pagdating sa camp, agad akong in-assist ng kasama naming nurse. Naghihihiyaw ako sa sakit ng alcohol.
"Here, hold my hand."
Napakurap ako at napatigil sa pagsigaw dahil sa sinabi ni Mico. Napahawak ako sa kamay niya habang nililinis at nilalagyan ng gamot ang sugat ko. Kailangan ding lagyan ng benda para tumigil ang pagdurugo.
After ten minutes, hawak pa rin ni Mico ang kamay ko.
Pagkatapos ay inalalayan na niya ako pabalik sa grupo namin. Kinain naming para sa lunch 'yong mga isdang nahuli namin. Pagkatapos kumain, nagsimula nang kumirot ang tuhod ko. Sobrang sakit. Sinabihan ako ni Ms.Iñigo na huwag nang sumama sa mga activities buong araw hanggang bukas ng umaga at inutusan niya si Mico na bantayan ako. Maghapon kaming nasa loob ng tent. Nagpahinga ako tapos every two hours may nilalagay ako na cream sa sugat para matuyo agad.
Nagkwentuhan lang kami ni Mico. Nalaman kong only son sila ni Bryle. Si Enzo naman, may batang kapatid na lalaki. Si Venice, may ate. Magkababata silang lahat. Mas close si Mico kay Bryle kasi raw minsan may sariling mundo talaga si Enzo.
"Mico, tingnan mo. Ang ganda pala ng sunset sa bundok," sabi ko.
In-open namin ang tent.
"Hope, I'm really sorry for everything," biglang sabi ni Mico habang nakatingin ako sa sunset. "Sa pagsipa ko sa 'yo ng bola before, for saying hurtful words, for always calling you stupid, and for not accepting you as a friend. Sorry for judging you. I'm really sorry." Napangiti na lang ako.
"Hope?" sabi niya ulit.
"Hmmm..."
"Good night. Pahinga ka na."
Humiga na siya sa sleeping bag niya at natulog. Hindi ko alam kung bakit pero ang init-init ng mukha ko. Para mawala, nag-ayos na lang ako ng gamit ko at nag-prepare nang matulog.
Hihiga na sana ako nang biglang may anino sa harap ng tent namin. Gigisingin ko sana si Mico kaso tulog na tulog na siya. Binuksan ko ang tent.
"E-Enzo?"
Nag-smile lang siya sa akin.
"Hope, let's go stargazing," yaya niya.
Kinilig naman ako. Gagawin ko talaga lahat basta kasama si Enzo. Kahit siguro tumalon sa puno gagawin ko. Sinubukan kong tumayo, medyo tuyo na naman ang sugat ko pero mahapdi pa rin. Inalalayan ako ni Enzo pero noong isasara ko na ang tent medyo gumalaw si Mico sa sleeping bag niya.
"Hope? Saan ka pupunta? Gabi na. Magpahinga ka na," utos ni Mico.
"Hope? Are you coming?" sabi naman ni Enzo.
Ano nang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
Любовные романыMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...