"’Wag ka ngang magkunwaring hindi mo alam ang lahat ng 'to!" Nagulat na lang ako nang bigla akong sugurin ni Chelsea. "Ikaw ang may dahilan kung bakit iiwan ako ni Bryle!"
"Nag-break na kayo?" tanong ko.
"Oo! Masaya ka na? Bakit mo ba kasi sinabi sa kanya 'yon?"
"Pinoprotektahan lang naman kita-"
"Kay Bryle? Hope, wala akong pakialam kahit lokohin niya ako!"
Hindi ko akalaing ganito pala katindi ang feelings ni Chelsea kay Bryle. Sinabi ni Chelsea na masyado akong nakialam at hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon para ayusin ang problema nilang dalawa on her own way. Umabot pa sa puntong sinabi ni Chelsea na galit na galit siya sa akin at hindi niya alam kung kaya pa niya akong patawarin.
Nasa gitna kami ng pag-aaway ni Chelsea nang biglang dumating ni Venice.
"What's happening here? Hope, why are you crying? Are you two fighting?" takang sabi ni Venice.
"Wow. Good timing, Miss-I-Have-Everything," sarcastic na sabi ni Chelsea.
"What's your problem?!" iritang sinabi ni Venice.
"Kasi nasa 'yo na ang lahat! Ikaw na ang maganda, ikaw na ang mayaman, ikaw na ang matalino, ikaw na! Pero bakit ba kailangan mo pang sumabit sa buhay ko?" sabi ni Chelsea sabay alis na umiiyak.
"Hope, what's happening?" worried na tanong ni Venice sa akin.
"Nag-break kasi si Chelsea and Bryle... because of you," paliwanag ko kay Venice.
"Me? Why me?"
"Siguro mas mabuting si Bryle ang kausapin mo."
"Bryle?" pagtingin ni Venice sa likod niya ay nandoon si Bryle. Agad na akong umalis sa harap nila para hayaan silang mag-usap, ngunit nanatili ako sa isang sulok sakaling may hindi magandang mangyari.
Ipinaliwanag ni Bryle kay Venice ang lahat ng nangyari. Ang pag-uusap namin at ang mga realizations niya mula noong nagkahiwalay sila, at ang feelings niya kay Venice.
"Playboy ka, Bryle. Nakita ko lahat ng babaeng dumaan sa 'yo. Ngayon, sasabihin mong mahal mo ako... How is that?"
"Sa lahat ng babaeng dumaan sa akin wala namang nakapantay sa 'yo," sabi ni Bryle.
Nagulat si Venice, pero parang hindi naman galit.
"This is so complicated," sabi ni Venice.
"I'm not asking for anything," sabi ni Bryle.
"Then what do you want to happen?"
"I don't know... acknowledge my feelings? Basta 'wag mo lang ako pagselosin," pakiusap ni Bryle.
"Wow. Really now? The Bryle Ortega, magseselos?" sabi ni Venice na parang natatawa.
"Oh, yes. I can be so jealous. You would hate me," sagot ni Bryle.
Parehas silang napabuntonghininga.
"I'm not ready for this," sabi ni Venice. "Besides, kakabreak n'yo lang ni Chelsea tapos sasabihin mo ako pa rin? This is too much Bryle."
"I can wait," Bryle said. "I'll always wait for you. This time, I mean it."
"Well then... Let's just see how this will go."
Hindi alam ni Venice kung anong mangyayari sa kanila o kung may mangyayari ba.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...