CHAPTER 19

50 1 0
                                    

Parang roller coaster ang pangyayari nitong mga nakaraang lingo. Naging close kami ni Mico, pero after a while, hindi na naman kami nagpansinan. Si Enzo at Venice, palaging magkasama. Medyo nagseselos na nga ako at parang gusto ko na i-give up ang pantasya ko kay Enzo.

Pero isa sa mga pinakapasabog na kaganapan ay sina Chelsea at Bryle. True na true! Sila na! Nakakagulat ang make over na nangyari kay Chelsea mula noong sinamahan niya ang pinsan niya from the States na si Eula. Natulala ako sa ganda niya-bagong ayos ang buhok, wala nang salamin, glowing, at blooming. Pagbalik niya sa university at pagkakitang-pagkakita ni Bryle sa kanya, na-love at first sight daw ang playboy ng Tres Gwapitos. Siyempre, kilala ko si Bryle. Ilang beses ko siyang hinarangan para protektahan ang best friend ko. Pero mahirap talaga pigilan kapag nandiyan na ang feelings. Isa pa, ipinagtapat ni Bryle na si Chelsea pala ang long-lost romance niya. Since first year pa pala niya hinahanap ang misteryosong girl na may-ari ng isang red umbrella. Na-love at first sight daw siya dito pero hindi na niya nakita kahit kailan. Kaya nang gamitin ni Chelsea ang lumang red umbrella niya, hindi na siya pinakawalan ni Bryle. Nag-date na sila nang madalas hanggang sa mapasagot niya ito.

Nag-promise naman si Bryle at humingi ng palugit na one week-kung pakiramdam niya ay hindi magwo-work out at hindi talaga siya interesado kay Chelsea, hindi niya ito lolokohin at maayos siyang aalis sa buhay nito.

Kahit naman super playboy si Bryle, nakilala ko na rin siya kahit paano. Ayon, support na lang din ako sa love story nila. Masaya naman si Chelsea dahil matagal na niyang crush si Bryle, kaya masaya na rin ako for her.

Sobrang naging busy ko sa mga bago kong kaibigan-ang Tres Gwapitos at si Venice. Hindi ko napansing palayo na pala ako nang palayo sa mga dati kong kaibigan, lalo na kay Miks. Kaya nang mabalitaan ni Chelsea na halos hindi na kami nag-uusap ni Miks, gumawa siya ng paraan para mag-open up kami sa isa't isa. Sa isang malaking bench sa Centennial Tree kami tumambay. Iniwan kami ni Chelsea at doon na nagsimulang sumabog ang nasa dibdib ni Miks.

Sobrang galit si Miks noong sabihing, "Never akong bumitaw sa tabi mo. Mas masaya nga namang sumama sa mga bagong kaibigan mo na matagal mo nang pinangarap kaysa maging loyal ka sa pangako mong hinding-hindi tayo maghihiwalay. Pakiramdam ko, lumalayo ka, pakiramdam ko nag-iiba ka na at unti-unti nagiging isa na sa kanila."

Iyak lang ako nang iyak sa mga sinabi ni Miks dahil sa tingin ko ay totoo.

Pero pagkatapos naming maiyak at mailabas ang lahat ng nasa loob namin, hindi na kami ulit mapaghiwalay. Naging okay na kami at naibalik ang dati naming bonding.

••••••••••••••••••••••••••••

In a few days, papalapit na ang birthday na ni Enzo. Sa August 28 ang birthday niya kaya naisipan kong mag-mall para ibili siya ng regalo. Isang cute na heart shaped balloon na may "Happy birthday" ang naisipan kong bilhin.

Surprise, surprise, habang nag-iikot sa mall nakita ko sina Enzo at Venice.

Nanghina ang kamay ko at muntik ko nang mabitawan ang lobong kabibili ko lang nang makita ko si Enzo na may hawak ring lobo, same sa binili ko. Nagtago ako at sumunod sa kanila. Mukha akong imbestigador na nakabuntot sa kahit saang store sila pumasok.

"Enzo, are you sure? This idea is cheesy," narinig kong sabi ni Venice. Hawak niya ang isang couple shirt na may nakasulat na "Best Partner In The World" tapos may arrow kay Enzo.

"Please? For me?" sabi ni Enzo.

Nang hindi pa nakuntento, kinuha naman ni Enzo ang couple phone case. Bumili rin sila ng couple glasses, couple hat, couple bracelet. Lahat na ata ng couple items sa store. Nakita ko silang lumipat sa bilihan ng balloon. Ibinili ni Enzo ng red balloon si Venice.

"Really, Enzo? It's your birthday! I should be the one treating you!" sabi ni Venice.

"I'm still the guy, and this is still a date," sagot naman ni Enzo.

Nanghina ako bigla. Napahawak tuloy ako sa may gilid ng isang cabinet.

Sumunod ako sa kanila hanggang sa lumabas sila ng mall at pumasok sa isang bar na may live band sa gitna. Ayoko na sanang sumunod pero kailangan kong pumasok.

Nanghingi ng volunteer 'yong live band at nagprisinta si Venice na kumanta ng "Someone Like You." Pagkatapos, tumayo naman si Enzo at kumanta ng "I'm Yours."

"Hi, good evening. Today is my birthday, but I wanna greet that pretty lady wearing white." Napatingin ako sa suot ni Venice, nakawhite siya, pero nakawhite rin naman ako. Sana ako na lang. "Thank you for sharing this day with me. It was awesome. Everything is better when we're together. You're like another me. You know me so well, and you understand everything I do. Thank you for being so caring and patient. You are my hope..." mahabang speech ni Enzo sa stage. Bumaba siya sa stage tapos bigla siyang niyakap ni Venice. Kinilig lahat ng tao sa nakita nila.

Buong buhay ko, si Enzo ang hiniling ko. Pero may iba na rin siyang hinihiling. Lagi ko kasing nakikita si Enzo na single kaya feeling ko, may chance pa. Pero noong nakita ko sila ni Venice na magkayakap, parang wala na 'yong chance kaya siguro ako nasasaktan. Palabas na sana ako sa bar nang biglang makabunggo ko si Bryle.

"Bakit ka nandito? 'Di ba dapat magkasama kayo ni Chelsea?" galit kong tanong sa kanya.

"E, ikaw? Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba si Venice at Enzo? I knew it!" balik niyang tanong sa akin.

Hinila ako ni Bryle palabas at nagpunta kami sa katabing restaurant.

"Ikaw, bakit mo sinusundan si Venice at Enzo? Nagde-date sila! Nagseselos ka ba? Wala kang karapatan Bryle! Nasaan si Chelsea? 'Wag mo siyang lokohin!" tuluy-tuloy kong tanong kay Bryle.

Hinawakan ako ni Bryle at pinakalma.

"I don't know... Kapag birthday ni Enzo laging may surprise si Venice o kaya lalabas sila o kaya magce-celebrate together. Tapos babalik sila sa amin para sa group party pero may sarili naman silang mundo. Ang hirap lang kasi hindi namin alam ni Mico kung sila na ba o kung may nararamdaman sila para sa isa't isa. Wala naman talaga akong pakialam, e. Kaso nalilito ako, Hope. Naguguluhan ako... Ayokong saktan si Chelsea. You know how I'm so dedicated to her. She's a nice girl at hindi ko kakayaning saktan siya. Pero..." paliwanag ni Bryle.

"Anong pero?" halos pasigaw kong sabi sa kanya.

"Napaisip ako sa sweetness ni Venice. Paano kung kami pa? Gagawin din kaya niya sa akin 'yon. What if hindi ako nagloko? What if hindi ako naging gago? Sigurado ako, ako ang gagawan ni Venice ng ganoon," sabi ni Bryle.

"Pero kaya ka namang gawan ni Chelsea ng ganyan!" I defended Chelsea.

"Pero si Venice 'to, Hope. Si Venice ko. Alam mo bang siya ang TOTGA ko?" sagot niya.

Nasaktan ako para kay Chelsea. "Bryle, umamin ka nga sa akin. Bakit ka ba nakipag-break kay Venice? Bryle, you can trust me. Best friend ko si Chelsea, pero kaibigan kita. Isa pa, kung talagang mahal mo pa si Venice, mas okay na kung 'wag mong lokohin si Chelsea at ang sarili mo," sabi ko habang nakatingin ako sa kanya.

Hinawakan ni Bryle ang kamay ko pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"I was young, and Venice has a lot on her plate. Ang dami niyang activities-active siya sa org at nawalan siya ng time sa akin. So ako naman si tanga, humanap ako ng iba na magbibigay sa akin ng atensyon. She saw me making out with a random girl, then she broke up with me. Sobrang pinagsisisihan ko talaga ang araw na 'yon... kung kaya ko lang ibalik. Pero hindi. We're not together anymore and I just... I don't know Hope. She's the only girl I ever really loved."

Natahimik naman ako. Ano nga bang magagawa ko kung mahal niya talaga?

"Magdesisyon ka nang mabuti kung anong gagawin mo at sino ang pipiliin mo. Si Venice o si Chelsea," sabi ko sa kanya.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon