CHAPTER 5

72 3 0
                                    

Tie a child's shoes.
Paint your locker.
Heal someone.

Habang pinapanood kong magpintura si Enzo ng locker, biglang sinipaan na naman ako ni Mico ng football sa mukha. Inalalayan ako ni Enzo yumuko at nilagyan ako ng panyo sa ilong habang hawak ang kamay ko. Oo, hinawakan na naman niya ang kamay ko! Hope 2, World 0.

Kinabukasan ikinuwento ko kina Chelsea at Miks ang nangyari, pati na ang pag-eksena na naman ni Mico sa amin ni Enzo.

"Okay naman ako, pero napagalitan na naman ni Ms. Iñigo si Mico. Para matulungan siyang mabawasan ang offenses niya, sinabi ko kay Ms. Iñigo na ibawas sa offenses niya ang bawat good deed na gagawin niya. Tapos alam mo bang bigla siyang nagalit sa akin!" kwento ko.

"Naku, 'wag nang damdamin 'yan, Hope." consolation ni Chelsea.

"‘Wag mag-assume nang sobra! Hindi naman kayo close, wag ka umastang bestfriend." sabi ni Miks.

Natamaan naman ako sa sinabi ni Miks. Oo nga naman. Sobrang 'concerned' ko kasi nakalimutan kong iba ang mundo ko sa kanila. Sabi ko sa dalawa pupunta muna ako ng canteen kasi ayoko na mag-isip, at ikakain ko na lang. Habang naglalakad, isang cute na taga-pre-elementary ang nakita kong umiiyak.

"Baby, anong name mo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Charm... My shoes aren't tied..." sagot niya na pabulol-bulol.

"Ang ganda ng name mo! Sige, tutulungan ka ni Ate Hope na itali ang shoes mo," sabi ko naman.

"Ate, can you teach me how to do that?" tanong ni Charm habang tinutulungan ko siya.

"Ganito lang 'yan..." ipinakita ko sa kanya ang pagbuhol nang biglang..

"Prince Charming!" Biglang tumalon si Charm papunta kay Enzo na nasa likod ko na pala.

"Careful, Charm. Are your shoes untied again?" tanong nito.

"Yes, but Ate Hope helped me," sagot niya. Noong makita naman ako ni Enzo mukhang gulat na gulat siya. May dumi ba ako sa mukha?

"Aaah... Gym, clinic, plaza, nosebleed," sabi niya.

Napa-facepalm naman ako. Puro mga kapalpakan ko pala ang naalala niya sa akin.

"I'm seeing much of you lately..." banggit ni Enzo.

Tinapos ni Enzo ang pagtali sa sapatos ng bata. Humalik naman sa pisngi ni Enzo si Charm nang matapos. Parang gusto ko rin sanang humalik pero asa naman ako.

Tumunog na ang bell kaya naghiwa-hiwalay na kaming naglakad pabalik sa klase.

"Hope," biglang tawag sa akin ni Enzo nang nakangiti.

Paglingon ko, may inihagis siya sa akin. Sinalo ko naman agad. Apple. Magpapasalamat pa sana ako pero parang ninja lang siya na biglang nawala.

Pagbalik ko sa room, chineck ko agad kung ano bang nasa planner ni Enzo noong araw na 'yon.

Cheer someone up.
Lift someone to let her feel like she's flying.
Give someone an apple.
Brush a girl's hair.

Ako naman si gaga, nagwi-wish na sana ako ang someone sa lahat ng tasks niya. MMM! Malay Mo Ma-develop! Wala akong ginawa buong klase kung hindi himasin at titigan lang ang apple na bigay ni Enzo. Anong sinabi ni Snow White sa apple ko?

Niyaya na akong mag-lunch nina Miks at Chelsea pero wala akong planong lumabas ng room. Napansin ko na lang na parang biglang tumahimik ang buong klase. Pagtingin ko sa pinto, nandoon si Enzo, inilibot ang mga mata na parang may hinahanap. Natameme ang buong Section F.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon