Isinama ko sina Venice at Bryle bilang back up kinabukasan. Pagpasok namin sa kwarto, mas magulo. Nakahiga lang si Mico sa kama at parang hindi yata naligo. Sinubukan siyang kausapin nang mahinahon ni Venice pero walang epekto. Pinapaalis lang niya kami. Sa inis ni Bryle, umabot pang nagsuntukan sila. Pinilit namin siyang maligo, at habang nasa banyo ay pinalinis namin sa maid ang kwarto.
Pero pagkatapos ng lahat, bumalik na naman siya sa galit at pinalayas niya kaming lahat. Wala kaming nagawa.
Kinabukasan, bumalik ulit ako para ibigay sa kanya ang mga notes galing sa mga teachers. Ginawan din siya ng notes nina Venice, Bryle, at Enzo.
Sa sumunod na mga araw, palagi akong bumabalik para kausapin siya. Habang nire-review at chine-check ko ang status niya kung okay na siya, sumasabay na rin ako ng review. Dahil mas matalino naman siya sa akin, madaling nakahabol si Mico sa nalampasan niyang lessons. Siya na ang nagtuturo sa akin. Kailangan ko na lang siyang piliting pumasok na sa school.
Araw-araw, puro pag-aalaga kay Mico ang naging focus ko. Buti na lang, nandiyan si Eula na naging kasama ni Enzo sa pagre-review niya, sa pagpunta sa library, at research. Suportado naman ako ni Enzo sa pagtulong kay Mico. Parang kapatid na rin ni Enzo si Mico kaya suportado niya ako para mapabalik sa school si Mico. Halos lunch time na lang sa school kami nagkikita ni Enzo at doon nag-u-update kami sa nangyayari sa isa't isa kasama na ang every day na pag-uusap sa text.
Pagdating ng third quarterly exam, sumulpot na si Mico sa school. Masayang-masaya ako at gusto ko siyang lapitan at kamustahin pero palaging masama ang tingin niya sa akin. Hinayaan ko na lang. Ang mahalaga, nasa school na ulit siya para sa exams. Pinupuntahan ko pa rin siya sa bahay, at super yabang pa rin! Sisiw lang daw ang exam sa kanya kahit hindi siya pumapasok. Daig pa niya akong palaging pumapasok pero walang natutunan.
Maiyak-iyak ako sa exams namin pero parang na-survive ko naman. Okay lang kasi happy na ang mood ng lahat after ng exams dahil sa Christmas Party!
Pero kahit tapos na ang exams, parang hindi pa rin ako bumabalik sa dati dahil napansin kong puro Eula na lang ang bukambibig ni Enzo lately. Kaya nang surpresahin ako ni Enzo sa isang candlelit dinner to make up sa busy naming araw before the party, naiyak talaga ako at na-touch.
"I prepared all of this para mag-sorry. I know puro si Eula ang sinasabi ko sa 'yo, and I had been insensitive kaya I arranged this para mag-sorry sa 'yo. Besides, this is my Christmas Party gift for you. I'm not your classmate, but I still want to be your monito," paliwanag ni Enzo.
"Thank you, Enzo. First time lahat. Pakiramdam ko, ang special special ko."
"Kulang pa ang lahat ng 'to, Hope."
Magsisimula na sana kaming mag-dinner nang biglang tumawag ang mommy ni Mico.
"I'm sorry to disturb you right now. Tumawag sa akin ang mga maid sa bahay at sinabi nilang nagwawala si Mico. Binasag na raw niya halos lahat ng vase sa bahay, pinagbabato lahat ng plates, at sinuntok daw niya ang malaking mirror sa may sofa namin. I know this has nothing to do with you, but the maids told me that you're the only one who can calm Mico down. I'm here in Milan and I can't do anything about it. Please, Hope. Help Mico. If not, uuwi talaga ako ngayong gabi at isasama ko si Mico rito sa Milan."
Halos mabitawan ko ang cellphone ko at nanigas ang buong katawan ko. Kaya ayokong sabihin kay Tita ang pagrerebelde at hindi pagpasok ni Mico dahil doon.
"Hope? What happened? What did Tita Mindy say? Tell me," alalang tanong ni Enzo.
"Sabi niya nagwawala raw si Mico sa bahay nila. Kapag daw hindi ko naayos, uuwi daw siya at dadalhin niya si Mico sa Milan."
Nakita kong nagulat si Enzo tapos kumalma ulit.
"He should have known that sooner or later this will happen..." sabi ni Enzo. "Calm down, Hope. It's not your fault. I'm sorry."
"Naiinis ako. Bakit ngayon pa? Hinanda mo ang lahat ng 'to para sa akin!"
Bigla naman siyang tumayo, pumunta sa likod ko at bigla akong niyakap.
"Calm down. This is just a simple dinner. I know na-pressure ka ni Tita Mindy dahil kay Mico, but you know how she is. Right now, you have to go to Mico and try to calm him down or what... I don't really know how you help him."
"Pero 'yong dinner..."
"We can always have dinner anytime. Alam ko ring kapag pinigilan kita, hindi ka mapapanatag kasi iisipin mo si Tita Mindy. So, go to Mico. I'll have the driver come with you."
Napangiti na lang ako kay Enzo at yumakap sa kanya. Buti na lang mature siya at naiintindihan niya ang lahat ng 'yon.
Dumiretso na sa bahay nina Mico. Noong makarating ako, basag-basag na nga ang mga gamit.
"Hoy! Mico Loyola! Ano na naman ba 'to? Akala ko ba okay ka na? Ano 'to? Bakit naging ganito na naman?! Kakatawag lang sa akin ni Tita Mindy! Kapag hindi ka nagtino, dadalhin ka niya sa Milan! Nakakapagod ka na!" agad ko siyang nilapitan sa kinauupuan niya.
"Alam mo, Hope, kung pagod ka na, kung naiirita ka na, kung nagsasawa ka na, e 'di tigilan mo na. Pinilit ba kitang tulungan ako? Pinilit ba kitang pumunta rito? Kaya kung ayaw mo na, 'wag na!" Masama ang tingin niya sa akin.
"Talaga? Tapos ano? Tapos magwawala ka rito sa bahay n'yo? Hindi! Maraming beses na akong naiirita sa 'yo pero hindi kita susukuan!"
"Hope, you already did! Sinukuan mo na ako!" sigaw niya bigla.
"Ano bang sinasabi mo riyan? Nandito na nga ako! Ano pa bang gusto mo?" galit kong sagot sa kanya.
"Oo! Kulang na kulang pa! Kasi ginagawa ko lahat ng 'to dahil sa 'yo!" biglang sabi ni Mico.
"Ano bang pinagsasasabi mo riyan, Mico?" takang tanong ko.
"Hindi ko maintindihan kung tanga ka, bobo ka, o sadyang manhid ka lang talaga. Hindi mo ba nahahalata? Naiinis ako kapag magkasama kayo, naiirita ako kapag siya ang bukambibig mo, nasasaktan ako kapag siya ang katabi mo at hindi ako. Kaya ayokong pumasok sa school kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni Enzo. Naiirita ako kasi iniisip ko palagi kung saan ako nagkulang. Mas nauna naman tayong maging mas malapit kaysa sa inyong dalawa. Saan ako nagkulang? Nahuli ba ako?" halos pabulyaw niyang sabi sa akin.
"Mico..."
"Hope... ako na lang. Sa akin ka na lang. Hindi ka mahal ni Enzo. Ginagamit ka lang niya."
"Ano bang gusto mong palabasin, Mico? Naninira ka ba? Bakit mo sinisiraan si Enzo? Magkaibigan kayo!"
"Hindi ko siya sinisiraan! Kilala ko siya, Hope. Ginagamit ka lang niya! Hindi ka mahal ni Enzo!"
Sinampal ko siya nang malakas.
"Hindi ko alam kung paanong ako ang naging problema mo, o kung ako ba talaga ang problema mo. Pero huwag mong gaguhin si Enzo!" binalaan ko siya. Sobrang galit na ako.
"Inagaw ka niya sa akin, Hope! Akin ka dapat! Akin ka! Mahal kita. Mahal na yata kita. Hindi ko alam! Basta ang alam ko, ikaw ang gusto ko rito sa tabi ko at naiinis ako kapag nakikita kong si Enzo ang dapat na nasa posisyon ko. Ako ang dapat kasama mo. Ako dapat!"
Nagulat ako. Namanhid.
"Tumigil ka na. 'Wag mo nang siraan si Enzo. Sinisira mo pa 'yang buhay mo dahil dito? Sorry pero kahit anong gawin mo, siya pa rin ang mahal ko."
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...