CHAPTER 18

49 3 0
                                    

Totoo ngang naging magkaibigan kami ni Mico. Madalas na kaming magkasama sa school. Si Chelsea kasi, hindi raw papasok nang one week kasi dumating ang pinsan niyang galing States. Si Miks naman, hindi nagpaparamdam sa akin. Kapag makikita ko, laging paalis o kaya nagmamadali kasi may pupuntahan. Si Enzo naman, palaging kasama si Venice. At si Bryle, may tina-target na babae kaya kami lang ni Mico ang nagkikita madalas.

"Hey, Hope, my mom texted me that we're having dinner again at our place tonight. After your class, susunduin kita, okay? Last class mo naman na after, hindi ba?" sabi ni Mico.

Hindi ko alam kung ano na naman ang mangyayari, pero pumayag na ako dahil nandiyan naman si Mico.

After class, diretso na kami sa bahay nila.

"Good afternoon po," bati ko sa daddy ni Mico.

"Good afternoon din. Niluluto pa ang food so mag-relax muna kayo," sabi ng daddy ni Mico na mahinahong magsalita.

Nang makalipas ang ilang saglit, may tumawag sa amin na handa na ang pagkain. Kumakain ako nang biglang nagtanong ang mommy ni Mico.

"How are you, Hope? Are you okay with your studies?"

Teka lang, anong nangyayari?

"Okay naman po," sagot ko na lang.

"If you want some help with studying just tell me. I can get you a tutor."

Napatingin ako sa kanya. Siguro sa iba, 'pag narinig 'yon ay mao-offend, pero 'pag tumingin ka sa mommy ni Mico habang sinasabi 'yon, mukha naman siyang sincere. May nakain ba siya? Bakit siya bumait?

"Okay lang po ako, pero thank you po... umm... Mrs. Loyola," sagot ko.

"Just call me Tita Mindy," sabi ng mommy ni Mico.

"Okay po, Tita Mindy," sabi ko na medyo awkward.

For the first time, ngumiti siya sa akin. Baka may kakaibang sangkap ang ulam namin, nag-iba talaga siya sa pakikitungo sa akin. Siya rin ang nagsabi kay Mico na ihatid na ako sa bahay dahil baka nag-aalala na ang lola ko. Kahit si Mico, parang may nag-iba. Pagkahatid sa akin, sinabi niyang susunduin daw niya ako sa umaga at sa bahay din siya magbe-breakfast.

Anong nangyayari?

Pagkasundo niya sa akin noong sumunod na umaga, another surprise: Pinapapunta raw ulit ako ng mommy niya sa bahay nila para turuan akong magluto. Hindi naman na ako tumanggi dahil maganda na ang pakikitungo niya sa akin.

Ang inakala kong cooking lesson, naging open forum. Maraming naikwento si Tita Mindy sa akin.

"I've always wanted to have a daughter, really. One reason is that I really want to teach her how to cook. His dad and I have always been so busy with work. We always have to go overseas to supervise our business abroad kaya laging naiiwan si Mico mag-isa," kwento ni Tita habang naghahalo.

Tahimik lang akong nakinig.

"When he was a kid, even though we wanted to stay beside him, we couldn't. Our business is growing and we have no other choice but to give up our only time with him. Hanggang sa nakalimutan naming lumalaki na siya at unti-unting lumalayo ang loob niya sa amin."

"I want so much for him. I want him to be a football player, I want him to study hard, I want him to be a well-rounded person. And he did all of that. I'm really glad and proud of what my son has become. Pero alam kong kulang pa. In two weeks, we'll be flying to San Diego for the merger of one of our companies. At matatagalan na naman ang pagbalik namin. Minsan, alam kong hindi ako mabuting nanay kay Mico. I always take him for granted. Napapabayaan ko siya. Tapos ang strict ko pa sa kanya. I know I am unfair. Hindi rin ako expressive. Nahihirapan na nga akong sabihin, nahihirapan pa akong gawin. But you know, I am really, really proud of my son."

Saglit siyang tumahimik tapos, nagkwento ulit.

"Siguro kaya hindi ko ma-express kay Mico ang gusto kong sabihin at gawin ay dahil... he is not my real son," sabi niya na ikinagulat ko. "Siguro, kaya hindi ko rin maipakita kay Mico na proud ako sa kanya kasi I fear rejection. Natatakot ako na baka sabihin niya sa akin na wala akong karapatan because I'm not his real mom..."

She became really emotional and silent.

"Tita, unang pagkikita po namin ng anak n'yo, tinawag niya akong malas. Tapos sinipaan niya ako ng bola, sinigawan, ininsulto, pinaiyak, inasar, inalila, at kung anu-ano pa. Opo, bully po ang anak n'yo," medyo natatawa ko pang sabi. "Pero siya rin po ang nag-alaga sa akin sa camping namin noong nasugatan ako. Siya ang nagtago ng secret ko, siya ang sumasama sa akin sa lunch 'pag wala ang best friend ko at kahit papaano, siya ang nagpapatawa sa akin kapag malungkot ako. Siguro nga po, hindi pa kami masyadong close pero sobrang iniingatan ko ang tiwala niya. Takot din po siyang magtiwala."

Nakikinig lang ang mommy niya. Pero habang nagsasalita ako, may napansin akong gumalaw sa bandang likod.

"Kagayang-kagaya po kayo ni Mico. Sa una, maiinis ka-no offense po, Tita-pero kapag nakilala mo na at nakuha mo na ang tiwala, masarap siyang kasama," sabi ko nang nakangiti. "Tita, alam ko naman pong noong unang pagkikita natin, ayaw n'yo sa akin dahil Section F ako. Aaminin ko pong umiyak po ako noon kasi nasaktan po ako. Jinudge ko rin po kayo noon. Pero alam ko pong mali 'yon dahil ngayon, tinuturuan n'yo pa akong magluto. Kaya 'wag po kayong matakot na ire-reject kayo ni Mico. Mahal po kayo ni Mico. Wala po siyang nababanggit na hindi kayo ang tunay niyang mommy. Alam kong hindi niya sinabi 'yon kasi para sa kanya, kayo lang ang nag-iisang nanay niya."

"Mico, Tita. Please, magsimula kayo ulit."

Alam ko namang narinig ni Mico ang lahat ng pinagusapan namin. Nilapitan ko si Mico na nasa likod ng pinto at hinawakan ang kamay niya. Halatang gulat si Mico dahil nahuli ko siyang nagtatago. Pinalapit ko siya sa mommy niya.

"Alam mong nandoon ako?" gulat na sabi ni Mico.

"Expert nga ako sa stalking. Ako pa ba? Medyo engot ka rin kasi. Kita ang kalahati ng katawan mo sa gilid ng pinto."

Napakamot na lang ng ulo si Mico. Lumapit naman si Tita Mindy at tsaka sabay yumakap kay Mico.

"I'm so sorry, anak..." Niyakap ni Tita si Mico at tuluy-tuloy na umiyak.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon