After that night, everything was a blur. Ang bilis ng mga araw-mabilis at masaya para sa akin. We went back to Luneta. Parang may kinukumpleto pa ring mga task si Enzo dahil sobrang weird ng mga gusto niyang gawin. Habang nakaupo kami at masayang nagkukwentuhan, nautot siya nang malakas at ipinagkalat pa niya sa lahat ng tao roon. Nag-iwan siya ng picture sa isang puno tapos inilagay niya ang number niya roon. At ang pinakanakakatawa at nakakatakot, nakita namin ulit ang couple na pinag-away ni Enzo!
Para makabawi, kinantahan ni Enzo ang couple at humingi ng sorry.
Nang matapos ang gabi, we went to Enzo's house sa rooftop. May inihanda siyang fireworks doon. Pinanood namin ang maliwanag na langit dahil sa fireworks then after noon, tinanong niya ako.
"Fiella Michelli Hope I. Yazon, pwede ba kitang ligawan?"
Hindi ko alam kung paano, kung bakit, pero naniwala akong may himala. Isang Enzo Gutierrez ay nahulog sa isang Hope Yazon. Imposible pero nagkatotoo. At ang saya-saya ko.
••••••••••••••••••••••••••••
Ilang araw na lang, Pasko na. Ramdam na ramdam na ang simoy ng pasko! Ramdam na ramdam ang pagmamahalan!
Si Bryle at Venice, MU na!
Kami ni Enzo, MU na rin.
Si Mico, MIA. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam. Walang text, tawag, at hindi pa siya pumapasok. Pati sina Venice, hindi siya macontact.
Isang hapon habang papunta sa grocery, nakita kong may rambol ng mga gangster sa kanto. Aalis na sana ako kaso narinig ko ang isang lalaking sumigaw. Sumilip ako nang kaunti, at laking gulat ko si Mico pala ang binubugbog!
Tumakbo ako at naghanap ng mga tricycle driver. Sinabi ko sa kanila na mayroong nag-aaway doon sa may eskenita at dali-dali naman silang tumakbo.
Pagdating ng mga tao, nagtakbuhan ang mga kaaway ni Mico. Nakahiga siya sa kalsada at napatingin sa akin.
"Hoy, Mico! Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba?" Nilapitan ko siya tapos hinawakan ang namamaga niyang kaliwang mata.
"Stop!" sabi niya habang tinataboy ang kamay ko. "You're annoying."
Bigla niya akong tinalikuran at paika-ika siyang naglakad paalis.
Kahit paano, special pa rin si Mico sa akin. Kaya noong sumunod na araw during lunch break, tinanong ko si Bryle, Venice, at Enzo kung kumusta si Mico. Hindi rin daw nila alam dahil umiiwas sa kanila. Basta hindi siya pumapasok sa school at galit na ang coach nila at malapit na siyang alisin sa team.
Habang nag-uusap kami, biglang dumating si Chelsea na may kasamang babae. Napatingin ako bigla sa girl. Payat siya, naka-skirt tapos naka-hanging na blouse. Hanggang ribs ang buhok niya at maganda siya. Simple pero malakas ang dating.
"Hello!" bati noong babae sa amin. Nagpakilala siya bilang si Eula. Kamag-anak siya ni Chelsea na exchange student sa school namin.
Biglang napansin kong natahimik sina Bryle at Venice at parehas silang napatingin kay Enzo. Napatingin naman ako kay Enzo na nakatitig kay Eula.
"Hi, Eula," biglang bati ni Enzo.
Umupo si Eula at sinimulan kong makipagkwentuhan sa kanya. Masaya kaming nagkukwentuhan pero tahimik pa rin ang tatlo. Nakita ko pang nagbulungan sina Venice at Bryle. Si Enzo naman, nakatitig pa rin kay Eula na parang may nakita siyang multo.
"Long time no see," biglang sinabi ni Enzo kay Eula.
Teka, magkakilala sila?
"How have you been?" tanong ni Eula.
Pagkaupo ni Eula, lahat kami nagsimula nang kumain. Napansin kong awkward talaga ang tatlo kaya kinalabit ko si Enzo.
"Enzo, may problema ba? Bakit ang tahimik n'yong tatlo?"
Napatitig na lang sa akin si Enzo tapos ngumiti pero pilit.
"Umm, nagulat lang. Because of Eula. She was my childhood best friend," pabulong na sabi ni Enzo.
"Anong nangyari?"
"She migrated to the States. Natapos ang friendship namin doon," maikling sabi ni Enzo.
"Bakit parang galit ka? Okay ka lang ba?"
"We're not in good terms. She left me. Need I say more?" maikling sagot ni Enzo.
Ngumiti na lang ako at hinawakan ang kamay niya. Nginitian naman niya ako pabalik. Buong lunch, hindi nagsalita sina Bryle at Venice. Si Enzo naman, ako lang ang kinakausap. Awkward talaga. Kaya noong matapos ang class, kinausap ko si Chelsea at sinabi ko ang kwento ni Enzo tungkol kay Eula. Pumayag naman siya sa plano kong hayaang mag-usap ang dalawa para may closure.
Pagkatapos ng class, papunta na ako kay Enzo nang marinig ko ang teacher ni Mico.
"Ilang araw nang absent si Mr. Loyola, ilang quizzes at seatworks na ang na-miss niya. May sakit ba siya? Kapag nagpatuloy siya nang ganito, baka ibagsak niya ang 3rd quarter, delikado siya. May honors pa man din siya," sabi ni Miss Arjona.
Lumapit agad ako sa mga teachers at sinabing kukunin ko ang lesson for that week na na-miss ni Mico. Lahat naman sila pumayag at sinabing kung makakausap ko raw si Mico ay sabihin ko na pumasok na daw.
Agad kong tinext ang driver ni Mico, buti na-save ko pa ang number niya. Noong makarating ako kina Mico sinalubong agad ako ng mga maid nila na parang nakakita ng tubig sa gitna ng disyerto.
"Ma'am Hope, buti po dumalaw kayo," sabi ng isang maid.
"Bakit po?"
"Hindi na po talaga namin alam ang gagawin kay Sir Mico. Laging nasa kwarto. Kapag lalabas ng bahay, uuwi nang lasing o kaya bugbog-sarado. Ma'am Hope, natatakot naman po kaming tawagan si Mrs. Loyola kasi baka mapagalitan kami."
Napahawak na lang ako sa noo ko, "Ganoon po ba? Sige po, try ko pong kausapin, ha?"
Agad naman silang pumayag tapos pinapasok agad ako sa loob ng bahay. Ayos naman ang bahay, walang nagbago. Umakyat ako sa second floor papunta sa kwarto ni Mico.
"Mico, buksan mo ang pinto, ano ka ba? Please."
Tapos may narinig akong nabasag sa loob kaya agad-agad kong tinawag ang mga maid at kinuha ang spare key.
Pagbukas ko, nakaupo si Mico sa dulo ng kama. Nakatulala. Sa gilid niya, maraming bote ng alak, pagkain, Band-Aid, mga tela ng damit, at kung ano-ano pa. Napatingin sa akin si Mico tapos tumulala ulit. Nilapitan ko agad siya.
"Mico, ano bang nangyayari sa 'yo? May problema ka ba? Kumain ka na ba? Tumayo ka na nga riyan," pilit ko sa kanya.
Hahawakan ko sana siya pero bigla naman niya akong tinulak. Malakas. Napahampas ako sa may gilid ng kama. Tiningnan lang niya ako. Hindi ko alam pero sa mga tingin niya, pakiramdam ko ang layo niya sa akin. Parang ang lamig niya. Parang hindi siya si Mico na naging ka-close ko.
"Leave me alone."
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...