Enjoy na enjoy ako sa buong Cebu adventure. Breakfast in bed, swimming at scuba diving sa Hilutungan Island, snorkeling, nagpakain ng mga isda, whale shark watching, at jetskiing. Pero sa lahat ng mga nagawa namin, hindi ko naiwasang mag-alala para sa katawan ni Enzo.
"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko.
"Hope, I'm tired as shit right now. Lahat ng ginagawa natin, four times na ng effort ng katawan ko, but I'm doing this for you, for us. I want to get to know you more, and I want to do lots of things with you hanggang kaya ko pa," sabi ni Enzo sa akin.
"I'm having the best time of my life at English 'yon kaya maniwala ka," sabi ko sa kanya.
"Let's go?" nae-excite na sinabi niya.
Sumakay kami sa kotse at pagdating namin sa isang spot, nakasulat sa sign ang "Skydiving".
Pinagsuot kami ng suit at kung anu-anong bakal sa katawan namin bago sumakay sa isang helicopter. Pataas na kami nang pataas, halos mabingi na ako.
"Ready?" sabi ng instructor.
Si Enzo, nasa may ibabaw ko tapos bigla siyang yumakap sa akin.
"Yes!" sigaw pabalik ni Enzo.
Niyakap niya ako. Ako naman, nakatulala pa rin. Niyakap ko si Enzo nang mahigpit. Ang lamig, ang lakas ng impact ng hangin. Baka mawalan siya ng malay, hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla naman niya akong niyakap nang mahigpit.
"Everytime you hug me, that's when my heart beats really fast. So hug me. Para alam kong hindi titigil ang pagtibok ng puso ko, Hope. Just hug me, please."
Hindi ko alam kung bakit naiiyak na ako kaya niyakap ko na lang siya. Napatingin ako saglit, nakapikit siya.
"Anong gagawin ko kapag nawala ka?"
Napatingin siya sa akin, napansin kong may pumatak na luha sa pisngi ko.
"Don't forget me. Please."
Niyakap ko pa siya lalo.
"Iiwan mo ba talaga ako? 'Wag, please."
Niyakap niya ako pabalik.
"Hope, I'm here with you. I'm literally falling. And I'm falling for you. Kung kaya ko, hangga't kaya ko, hindi kita iiwan."
"'Wag na please."
"Hope, I'm fighting."
Napapikit na lang ako.
"Close your eyes, please."
Ginawa ko naman.
"What do you feel? Don't you feel alive, Hope?"
Pumikit ako, naramdaman ko ang buong hangin na sobrang lakas at nakakabingi, halos wala ka nang ibang marinig. Ang lamig, pero ang warm dahil nakayakap sa akin si Enzo.
"Hope, I'm saying this to you now because I want you to be prepared. I don't know when my heart will give up. It can be later, before we sleep, or tomorrow, or the next day when we're eating lunch, or when I'm sleeping, or when we're practicing for our graduation. I don't know when. I don't know how long I can hold on, but I want to tell you that I'm fighting."
Umiiyak siya. Hindi ko alam kung gaano kasakit na roon pa talaga kami sa taas, katapat ng mga ulap nag-iyakan.
"I want to stay with you. Hindi ako tulad ng ibang lalaki. Oo, hindi kita lolokohin. Hindi kita ipagpapalit. Pero hindi ko alam kung mapapakasalan kita o kung mabibigyan kita ng pamilya. Naiinis ako kung bakit may ibang lalaki nagagawa pang humanap ng iba, manloko ng mahal nila. Ako, ang hiling ko, humaba lang ang buhay ko at makasama ka. Sorry, Hope. Sorry that you have to love a guy who's sick. I can't give you everything, that's why I'm trying to do everything with you right now. While I still can, while I'm still here. I want to give you the best memories, so that you will never ever forget about me. Even if you love another guy, you won't completely forget about me."
"Paano ko naman gagawin 'yon, Enzo, ha? Paano kita kakalimutan?"
"Don't."
Napatitig lang ako sa kanya. "Enzo, anong gagawin ko kung bukas hindi ka na gumising? Paano ako makakalimot? Paano ako makaka move on?"
"I don't know, Hope. I don't know. I'm trying to do my best to fight. Para hindi kita maiwan mag-isa."
"I love you."
Sabay bunot ng tali, lumabas ang parachute, may malakas na impact pero pagkatapos noon, bumagal ang lahat. Si Enzo nakatitig lang sa akin; ako nakatitig lang din sa kanya.
"Sometimes, Hope, people don't really leave. They just physically disappear, but they don't leave."
Tinitignan ko lang siya. Alam kong kabisado ko na ang mukha niya. 'Di rin nagtagal, nasa lupa na kami. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang, naka-survive si Enzo. Kung nakaka-survive siya kapag niyayakap ko siya, willing akong yakapin siya buong buhay ko.
"You really give me hope, Hope. Thanks for coming with me to Cebu."
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomantikMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...