Kung suswertehin ka nga naman, isang Enzo ang nakita ko sa gate ng school at nakatambay noong uwian the next day.
"Hi, Enzo. Anong ginagawa mo dito?"
"I'm waiting for my driver," sagot niya.
Gusto ko pa sanang maghintay at samahan siya pero wala akong maisip na palusot.
"Aaah, sige, ingat ka. Uwi na ako."
"Hope."
Humarap ako agad na may napakalaking smile.
"Let's eat."
Eat? Kaming dalawa lang? Parang date?
"Sige! Gora ako riyan!" wala nang arte pang sagot ko. "I mean, game!" Nag-smile ako tapos naglakad na kami.
Lumiko kami sa isang eskinita, sa may tindahan ng kikiam, fishball, at tokneneng.
Medyo nagulat ako kaya tinanong ko siya kung kumakain ba siya ng street food.
"Hindi."
"E, bakit mo ko dinala rito?"
"I want to try this with you."
Okay. Niyaya ko siya sa katabing tindahan, sa suki kong si Aling Bibs. Itinuro ni Enzo lahat. Fishball, squidball, kikiam, kwek-kwek, pati isaw.
"Gusto mo lahat? Sige! Ipapatikim ko sa 'yo ang specialty ko! Pramis! Babalik-balikan mo 'to!" pagmamalaki ni Aling Bibs.
"Hope, aaah," sabi sa akin ni Enzo na tinuturo ang nakabukang bibig para i-shoot ko roon ang kwek-kwek.
Sinubuan ko siya tapos pagkakagat niya ay todo ngiti siya. Nasarapan!
Kinuha niya ang iba pang order at kumain sa isang tabi. Pinapanood ko lang siya, parang anghel na kumakain ng fishball.
"Why are you smiling?" tanong sa akin ni Enzo. Shocks, huli.
"Wala lang. Masarap? Sulit ang 40 pesos mo! Ang dami mong nakain!"
"I know," sabi niya sabay subo pa sa isa pang kwekkwek.
"Nag-enjoy ka?" tanong ko.
Ngumiti lang siya.
Pagkatapos ng streetfood adventure namin, isang batang pulubi ang lumapit para mamalimos, si Carlos Miguel. Gusto kong bilhan ng pagkain ang bata pero pinigilan ako ni Enzo kasi siya na ang bumili ng sobrang daming pansit at lomi. Pinanood naming kumain ang bata at sobra ang pasasalamat niya dahil first time daw niyang makakain ng ganoon kadami. May take out pa!
Nagyaya na akong umuwi at sinabihan kong hintayin na lang ni Enzo ang driver niya.
"I told him to not to go to school anymore because I want to commute," sagot ni Enzo.
"Talaga? Hmmm... nakasakay ka na ng jeep?" tanong ko sabay iling ni Enzo.
"Can we ride that?" tanong niya.
"Oo naman!"
Niyaya ko na si Enzo papunta sa sakayan ng jeep. Nakapila kami at nagkukwentuhan nang biglang...
"That man stole my wallet!" sigaw ni Enzo.
"Aaah!!! 'Yong bag ko rin!" sigaw ko.
Sinubukan naming humabol pero masyado na siyang malayo at lumusot na sa mga eskinita.
"What's inside your bag?" nag-aalalang tanong ni Enzo.
"Yong planner mo-ko!" muntik na akong madulas.
Sobrang nakakalungkot. Paano ko na susundan ang 100 steps ni Enzo?
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...