"Okay, 4-F, sit down. May important announcement ako," sabi ng homeroom adviser naming si Ms. Samonte. "Since malapit na ang first quarterly exam, ang pinakakinatatakutan ng section na ito, mag-aaral tayong mabuti," sabi niya.
Parang hindi naman pumasok sa isip ko 'yon. Plano ko sanang magtago na lang hanggang second quarter.
"At para may inspirasyon kay at ganahan, napag-usapan ng faculty na kailangan ng tulong ng Section 4-F. Para sa Study Day bukas, magco-collaborate ang Section F at Section A. Buddy System. In short, pumayag ang Section A na i-tutor kayo," announcement ni Ms. Samonte.
"Magbubunutan kung sinong magiging partner n'yo from the other section. Maganda rin itong way para mag-interact ang Sections A at F," dagdag ni Ms. Samonte.
Pinapila na kami at bumunot kaming lahat sa isang box ng pangalan ng magiging partner namin sa Section A. Siyempre, kani-kanyang dasal kami nina Miks at Chelsea na sana maka-partner namin ang Tres Gwapitos. Pero ang naging resulta, ang partner ni Miks ay ang cheerleader na si Lyka. Si Chelsea naman ay ang madaldal na si Alyssa. Sa akin naman, walang iba kung hindi si Mico.
Kinabukasan, Study Day, pinuntahan namin ang mga tutor namin sa Section A.
"Wow. How lucky," sabi ni Mico nang makita niyang papalapit ako sa kanya.
"Ako nga 'tong lucky," sabi ko.
"Siyempre. Ako ang partner mo," sabi niya. Parang sumobra ang lakas ng hangin.
Inilabas ko ang books, notebook, ballpen, calculator, eraser, at pencils ko. Lahat na.
"Nilalabas mo lahat. Wala nang space para mag-solve," reklamo ni Mico.
"Magso-solve? Math? Okay na ako sa Math, e."
"O, sige. El Fili na muna," sabi na lang ni Mico.
Tinuruan niya ako sa Filipino, tapos sa English, tapos sa Science. Hindi ko inaasahang mahusay pala siyang tutor dahil marami akong natutunan sa kanya.
"Hindi ka rin naman pala masyadong bobo, 'di tulad ng inakala ko," sabi niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o maiinis.
"Basta mag-focus ka lang kasi, puro kay Enzo ka kasi nagpo-focus. Minamanyak mo na siya, e," kantyaw ni Mico. "Oy, Enzo!" tawag nito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kasi malapit lang sa amin si Enzo at baka marinig niya. Nakurot ko tuloy si Mico sa tagiliran. Napasigaw siya nang malakas at napatingin si Enzo. Agad kong tinakpan ang bibig ni Mico at umiling-iling sa lahat ng nakatingin sa amin.
Maya-maya nang mahimasmasan si Mico sa sakit ng kurot ko, "So, in love ka na kay Enzo?"
'Di ako nakasagot.
"That means yes! Aha!" sabi ni Mico.
"’Wag kang maingay, please! Baka kasi mailang si Enzo," pagmamakaawa ko.
"So, gusto mo siyang maging boyfriend," tanong niya ulit. "If you love him, siyempre you want to have him," sabi ulit ni Mico.
Hindi na naman ako nakapagsalita.
"Sinasabi ko na nga ba, e!"
"Hoy! 'Wag mo namang sabihin kay Enzo," napalakas na naman ang sabi ko.
Biglang tumingin si Venice at Enzo sa amin at ngumiti.
"Ang cute n'yong dalawa!" sabi ni Venice. Tapos, nagtinginan sila at inayos pa ni Enzo ang bangs ni Venice.
"Jealous much?" sabi ni Mico. "You are so obvious. Sasabihin ko na talaga."
Tatayo na si Mico palapit kila Venice pero agad ko siyang hinila.
"Mico, please. Minsan lang ako makiusap! Kahit ano na, gagawin ko 'wag mo lang sabihin, please!"
"Well... That's a good proposal." Nag-isip-isip siya. "Well, then, you shall be my slave."
Anong klaseng cliché ito?!
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomansMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...