CHAPTER 32

33 2 0
                                    

Parang sirang-sira yata ang Valentine's Ball ko.

Ikinuwento sa akin ni Chelsea ang nangyari matapos kong magpa-iwan sa gym. Sumunod sila nina Bryle, Venice, at Miks para awatin ang dalawa. Sobrang gulo raw ng classroom ng maabutan nila iyon.

"Ano bang problema mo, Gutierrez, ha? Bakit hindi mo kayang tigilan si Hope? Ipapaalala ko lang sa'yo na niloko mo siya! Pinagpalit mo siya kay Eula! Kaya wala kang karapatang agawin sa akin si Hope kasi mahal ko siya," sigaw raw ni Mico.

"I didn't have any choice when I let her go! You don't know anything, Loyola! So shut up!" sigaw naman ni Enzo. Doon lang daw niya nakitang galit iyon.

Nagsagutan pa raw ang dalawa bago pumitik si Mico. Susuntukin na niya sana no'n si Enzo nang sigawan sila ni Bryle.

"I know what's happening between the two of you. You're both in love with Hope. But can you please stop and remember that we are all friends? That we are Tres Gwapitos? Gutierrez, dude?! Sorry, but this time, I cannot take your side. We love Hope, and we all know how much she's been through because of you. But what sick game is this? I'm a freaking player, but not like this, Gutierrez. Especially not with Loyola. Bro Code, dude," pigil ni Bryle sa dalawa.

"Enzo, why are you doing this? We know you. Please. Please don't do this. Mico and Hope are happy now. Don't do this," sabi na lang ni Venice.

"I'm sorry, Loyola. I'm sorry, Bryle and Venice. I'm sorry din Chelsea and Miks, for hurting your best friend. I just don't know what to do. I'm so confused, and scared, and I'm in pain and I literally can't breathe. I don't want to hurt any of you nor Hope," paghingi ng tawad ni Enzo.

Tumigil saglit si Chelsea sa pagkukwento. Halata sa mga mata niyang hindi niya makakalimutan ang nangyari noong gabing 'yon.

Sinubukan daw ni Enzo na mag-reach out kay Mico pero hindi na nito magawang lapitan si Enzo.

At least, hindi lumala ang sitwasyon. Sana magka-ayos rin silang dalawa.

Kinaumagahan, kailangan pa pala naming bumalik para maglinis ng gym. Para hindi na ako ma-bully pa, pumunta na lang ako. Pagdating ko sa gym, maraming tao. Akala ko, namamalik-mata lang ako pero nakatingin silang lahat sa akin.

"Fiella Michelli Hope I. Yazon. I'm sorry. For everything. Please, give me another chance," biglang may nagsalita mula sa stage. Si Enzo na may kasama pang banda.

Kumanta siya habang nakatitig lang sa akin. Naguluhan lang ako.

Nahagip ng mga mata ko si Mico sa gilid ng gym. Noong nakita niya akong nakatingin sa kanya, bigla siyang umalis. Sinundan ko agad siya. Narinig ko namang tumawag si Enzo sa akin...

"Hope, don't go. Please. Don't leave me."

Pero umalis pa rin ako. Iniwan ko pa rin siya.

"Mico! Sandali!" tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad niya pero hindi pa rin siya humaharap sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ang braso niya pero tinanggal niya ang kamay ko.

"Mico."

Hinawakan ko ulit ang kamay niya pero inalis na naman niya. Ginawa ko ulit tapos inalis niya.

"Hope, go inside. Enzo's... there," sinabi niyang wala man lang pakiramdam.

"Kung galit ka sabihin mo sa akin, 'wag ganyan," pakiusap ko kay Mico. "Bakit ba pinagtatabuyan mo ako ngayon? Ano bang nangyari kagabi?"

Tinulak ko si Mico para magalit at magsalita.

"At bakit mo ako pinipilit na bumalik doon? Akala ko ba, hihintayin mo ako? Niloko mo lang din ako? Hindi totoo lahat ng sinabi mo? Hindi mo ako mahal?"

"Paano kita hihintayin? Mahal mo pa si Enzo, at mahal ka pa ni Enzo. Saan ako lulugar?" sagot ni Mico.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang mahal pa rin ako ni Enzo. Natahimik lang ako, naguluhan, at napaisip.

"Mico, kapag bumalik ako doon, ibig sabihin-"

"Siya ang pinipili mo. Bakit? Kailan ba naging ako?"

"Ngayon! Ikaw! Ngayon! Handa na akong mahalin ka Mico!" sigaw ko sa mukha niya.

Natigilan siya. Napaiyak ko si Mico Loyola. Bigla niya akong niyakap. Mahigpit. Sobrang higpit. Niyakap ko rin siya pabalik.

"You don't know how happy I am right now. I knew it, aminin mo na kasing mahal mo na rin ako. Ayaw mo pang sabihin."

Tapos tumawa siya habang humihikbi. Napangiti ako kaya niyakap ko siya nang mas mahigpit.

"But... I can't," sabi ni Mico.

Hinawakan niya ang ulo ko. Hindi ko alam kung ako ang may kailangan ng suporta o siya dahil ramdam kong nanghihina siya.

"It's not your fault. I can't love you right now, because... there's someone out there who loves you more than I do," paliwanag niyang hindi ko maintindihan.

"Bakit Mico? Bakit mo sinasabi 'to?"

"Kasi... mahal ka pa rin ni Enzo. At mas kailangan ka niya Hope."

"Pero niloko niya ako. Ayoko na. Natatakot na ako. Ayoko na."

"I know I'll look stupid kapag sinabi ko 'to, but... I know Gutierrez. Mahal ka pa rin niya kaya bigyan mo na siya ng isa pang chance."

Natahimik ako.

"Paano tayo?" tanong ko.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Maybe I'll just love you from afar."

Matapos ang ilang segundo, napansin namin ni Mico sina Chelsea at Miks na tumatakbo papunta sa amin. Noong makita nila kami, hingal na hingal sila at mukhang nagpa-panic.

"Hope! Hope!" sigaw ni Chelsea na hindi mapakali. "Si Enzo! Si Enzo sinugod sa ospital!"

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon