Ako nga pala si Fiella Michelli Hope I. Yazon o Hope. Seventeen years old, nag-aaral sa Girlinlove University.
Hindi ako maganda, mayaman, at lalong hindi matalino. In short, tulog ako noong nagpasabog ng biyaya si Lord. Section F ako, at ako ang kulelat sa klase namin. Nasa ibang bansa ang Mama at Papa ko, si Lola at ang kapatid kong si Faith Miyelle Samantha lang ang kasama ko sa bahay.
Ang buhay ko ay bilog dahil isa itong malaking zero. Studies, social life, lovelife, at pati nga load, zero.
Dalawa lang ang friends ko. Una ay si Chelsea del Mundo. Dapat Section A siya pero dahil sa problema sa transfer papers ay napunta siya sa Section F. Dahil naging kaibigan na niya kaming mga taga Section F, hindi na siya nagpalipat sa Section A.
Pangalawa ay si Michael "Miks" Ortiz, ang pinakagwapong beking kilala ko. Mayaman at matalino siya pero laging inuuna ang lalaki. Mataray rin siya at ginagamit niya 'yon para ipagtanggol kami ni Chelsea sa mga bully.
Zero ang love life ko kasi naman, mula yata noong namulat ako sa mga bagay tungkol sa love, isa lang ang nagustuhan ko. Limang taon na! Nasa Class A siya at hindi lang ako ang may gusto sa kanya for sure dahil kasali siya sa Tres Gwapitos.
Ang Tres Gwapitos ang pinakamayayaman, pinakagwapo, pinaka-hot, pinakamatatalinong lalaki sa school. Oo, hindi ako nagbibiro, akala ko rin sa movies lang may ganon e, pero nagsama-sama talaga sila!
Si Bryle Ortega, ang certified playboy. Halos lahat ng magaganda at hot na girls sa school ay naging girlfriend na niya. Ang pinakamatagal na relationship, three weeks. Siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlo.
Si Mico Loyola, ang certified bad boy. Gwapo pero number one bully ng school. Nambabato ng water balloons sa kung sino ang ma-trip-an. Magtatapon ng bubble gum sa daan tapos vi-video-han ang makakatapak. Siya ang pinakabata at pinaka-immature sa kanilang tatlo.
At si Enzo Gutierrez, ang certified boy-next-door. Siya ang pinaka-weird. Tahimik siya. Madalang ngumiti at minsan, tumatawang mag-isa. Masyado siyang mysterious pero maraming nagsasabi na siya ang pinakamabait.
Kasama sa barkada nila si Venice Buenaventura, ang head cheerleader sa school. Maraming nagsasabi na mabait siya, pero marami ring nagsasabi na bitch daw siya. Ako? Idol ko siya! Girl crush ko nga siya, e. Kahit girls, napapatulala sa ganda niya. Isa pa lang ang nagiging boyfriend, si Bryle Ortega.
"Hoy, 'te! Tulala ka na naman diyan!" sabay batok sa akin. Pagtingin ko, si Miks pala, kasama si Chelsea.
Isang pingot pa ang nakuha ko kay Chelsea nang malaman niyang wala pa akong essay na ipapasa para sa English class namin ngayong umaga.
Si Chelsea talaga ang pinakamatino sa amin. Maganda siya pero walang panahon sa mga lalaki maliban sa kaisa-isang pinagpapantasyahan niya-si Bryle na babaero. Matalino nga sana iyong si Chelsea kaso sa playboy nagkakagusto.
Dagdag na sermon pa ang inabot ko kay Miks nang makita niyang bagsak ang test paper ko sa Physics.
"Nag-fly-flychikaroo na naman 'yang brainy mo! Bagsak ka na naman madam! Watskiloo ba ang problemamalicious?" Pabakla na nang pabakla ang salita ni Miks na minsan, 'di ko na maintindihan.
Sa Tres Gwapitos, si Mico naman ang pantasya ni Miks. Mataas din ang pangarap!
Magsisimula pa lang sana akong gawin ang assignment sa English nang biglang tumunog ang bell.
"Patay na," sabi ko sa sarili ko.
Dumating na si Ms. Iñigo.
Si Ms. Ira Iñigo ang pinakamasungit na professor na nakilala ko. Kulang na lang, magdikit ang eyebrows niya.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomantizmMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...