Sem break na. Mahirap dahil walang pasok at hindi ko makikita palagi si Enzo. Buti na lang, palagi rin siyang nagyayayang lumabas kami. Katulad noong araw na 'yon, nagyaya siya mag-mall at manood ng movie. Kahit pa tinatawanan niya ako dahil iyak ako nang iyak sa movie, habang siya ay NR (no reaction), okay lang basta magkasama kami.
Pagkahatid niya sa akin sa bahay, may pa-surprise pa si Enzo. Isang malaking bear ang naghihintay sa akin sa kwarto ko! May note din na nakaipit kung saan nag-so-sorry si Enzo sa mga pag-aaway namin last time. Sa sobrang kilig ko, dahil unang beses lang iyon nangyari sa akin, naisip kong puntahan siya sa bahay para mag-thank you.
Kaso wala siya sa bahay, umalis lang daw sandali pero babalik din, kaya pinapasok na ako ng kasambahay at sinabing maghintay sa kwarto.
Habang naghihintay, surprise, nandoon ang planner ni Enzo!
Alam kong hindi ko dapat galawin pero parang lumakas ang kabog ng dibdib ko, at naalala ko ang mga sinasabi ni Mico.
Pinikit ko ang mga mata ko tapos binuksan ang planner. Pagbukas ko, ganoon pa rin naman. Nakasulat doon ang mga task niya. Pero parang may kakaiba. Parang lahat ng ginawa namin together ay nakalista doon bilang 'task'.
Ride the LRT.
Give someone an apple.
Go to Quiapo.
Save the dolphins.
Plant a tree.
Set a picnic at the gym.
Break up a couple.
Spend the night in jail.
Give someone flowers.Napaupo na lang ako at umiyak. Tinanong ko ang sarili ko kung anong ibig sabihin ng lahat ng 'yon. Baka tama si Mico na ginagamit lang ako ni Enzo. Baka hindi naman niya ako totoong nililigawan.
Biglang may pumasok sa kwarto na nag-uusap. May kasama si Enzo. Naulinigan ko ang boses ni Eula. Nagtago ako sa cabinet ni Enzo pagpasok nila.
"Tell her, Enzo. Don't be selfish," sabi ni Eula.
"I can't tell her that, Eula. Stop it," kontra naman ni Enzo. "Even if I tell her or even if I don't, either way she's gonna get hurt."
"Then why did you do this? Bakit mo siya pinaasa? Why did you court her? Why did you tell her you like her?" sabi ni Eula.
Gusto kong takpan ang tenga ko, ayokong marinig ang kahit ano. Hindi, hindi ito totoo.
"You have to end it with Hope. Sooner or later you'll have to do it," sabi ulit ni Eula.
"I will. I'm just... I'm waiting for the right time. I'll tell her that I'm sorry, I used her. I'm sorry I lied. I'm sorry for everything and tell her that we can't be together," sabi naman ni Enzo.
"You have to do it, Enzo. Tell her... Tell her about us."
"I can't tell her that. She's nice. Ayoko na siyang saktan pa."
"But you will... You can't avoid that. Kahit anong gawin mo, masasaktan mo siya. Better break her now."
"I can't do this. All she did was love me and be nice to me. How can I break her heart? How can I tell her that I lied and used her? I can't."
Pigil na pigil ako sa luha ko pero sobrang bigat sa pakiramdam kaya hindi ko napigilan na huminga nang malalim. Tumahimik bigla sa parte ng kwarto kung saan naroon sila Enzo. Narinig ba nila ako?
Bigla na lang may kumalampag at bumukas ang cabinet. Gulat na gulat ang dalawa.
"H-Hope? What are you doing here?" tanong ni Enzo.
Bigla namang hinawakan ni Enzo ang balikat ko at dapat pupunasan ang mga mata ko pero hinampas ko palayo ang kamay niya sa akin.
"Wag mo akong hawakan," sabi ko sa kanya.
Nagulat si Enzo sa sinabi ko. Naiyak na naman ako at inabot sa kanya ang planner niyang hawak-hawak ko pa pala.
"Hope... No," tapos napahawak na siya sa noo niya na parang sising-sising ginawa niya ang lahat ng 'yon.
"Paano mo nagawa sa akin 'to, Enzo? Wala akong ginawa kung hindi mahalin ka. Ginamit mo lang ba talaga ako?"
Kahit na alam ko na ang sagot, tumingin ako sa kanya, umaasa. Kahit magsinungaling siya, alam kong tatanggapin ko pa rin siya. Kapag sinabi niyang gusto niya ako, kahit anong narinig ko, maniniwala ako.
"Sorry, Hope."
At tuluyan na ngang nabasag ang puso ko.
"Enzo, wala akong ginawa kung hindi ang ibigay ang lahat para sa 'yo. Paano mo nakonsensya lahat iyon? Paano mo nasabing gusto mo ako? Paano mo akong nagawang halikan? Ganoon ka na ba kadesperado na magawa ang nasa planner para gawin sa akin 'to? Bakit ako?"
"Because... Because you love me too much. I'm not stupid, Hope. I know that when I lost my planner, you got yourself a copy. I saw it in your bag. Kaya pala every time gagawin ko ang nasa planner ko, nandoon ka. Kaya... kaya naisip ko na, na... hingin ang tulong mo with all of these."
Napaupo na lang ako sa may kama niya. Tiningnan ko siya sa mata.
"Enzo, seryoso ako noong sinabi kong mahal kita, kahit nga ngayon na niloloko mo ako, mahal na mahal pa rin kita. Kahit yata bukas kapag pumasok na lahat sa akin ng ginawa mo, mahal pa rin kita. Pero dahil sa katangahan ko kaya nasasaktan ako, hindi ba? Alam mong hindi kita kayang hindian kaya ako ang ginamit mo, tama ba? Nagmahal ka na ba? Tandaan mo, Enzo. Kapag naramdaman mo 'tong nararamdaman ko ngayon, kulang ang pagluhod sa akin sa paghingi ng tawad. Tandaan mo 'yan."
Tumungo lang siya.
"Sorry, Hope."
Sorry? Mawawala ba niyan ang sakit na nararamdaman ko? Makakalimutan ko ba lahat kapag sinabi niya yan? Nakakatawa.
BINABASA MO ANG
100 STEPS TO HIS HEART
RomanceMatagal nang hinahangaan ni Fiella Michelli Hope Yazon si Enzo Miguel Gutierrez, ang boy-next-door at tahimik na miyembro ng Tres Gwapitos. At dahil senior year na nila sa high school, handa siyang gawin ang lahat upang mapalapit rito. As fate would...