CHAPTER 26

48 3 1
                                    

Mabigat ang accusations ni Mico kay Enzo. Hindi pa ako masyadong maka-get over sa away namin pero isang pasabog na naman ang bumulaga sa akin. Venice and Bryle talked to me one time, hindi na raw kaya ng konsensya nilang itago sa akin ang totoo.

Eula is more than a childhood friend. First love ni Enzo si Eula. Hindi sila mapaghiwalay noon. Sobrang dependent nila sa isa't isa. Hindi official pero halos magkadugtong na sila ng buhay noon bago umalis si Eula.

Akala ko pa naman ay okay lang at mabait lang si Eula, pero kailangan ko palang mag-ingat. Hindi ko isusuko si Enzo.

Nang makita ko si Enzo na papunta sa library, nag-volunteer akong samahan siya. Gusto ko rin sanang magkausap kami tungkol kay Eula. Na-disappoint lang ako dahil tinanong niya kung okay lang bang isama namin si Eula sa library work namin.

"Eula ulit? Hindi ba magkasama na kayo noong isang araw? Tsaka noong isang araw? Tapos ngayon, kayo ulit? Siya na lang kaya ang ligawan mo?" Medyo napasigaw ako at may ibang taong tumingin sa akin pero galit kasi talaga ako. Eula na naman.

"Hope, she needs this. What's wrong with you? Since when were you so against this? Sasamahan ko lang siya. No big deal," Enzo said. "Why are you so jealous right now? Stop it. It's getting annoying."

"Ako pa ang annoying, Enzo?" sagot ko.

"Why? Did I stop you noong nagpupunta ka kay Mico?" balik niyang tanong.

"Si Mico na naman? Tinutulungan ko lang siya noon."

"Same with me. I'm just helping Eula.”

Napapikit na lang ako. Hindi ko na kaya.

"Fine. Sige. Bahala ka na. Buhay mo 'yan. Sorry."

Inayos ko ang shoulder bag ko tapos ang buhok ko at dapat maglalakad na paalis. Binagalan ko. Hinihintay kong pigilan niya ako. Pero naiyak na lang ako kasi sa bawat hakbang na lumalayo ako sa kanya, wala man lang siyang ginawa para pigilan ako.

Naglakad ako nang naglakad hanggang makarating sa gym. Nagulat ako dahil nandoon si Mico. Nagbalik training na siya for basketball.

Napakalamig ng treatment niya sa akin, pero nang makita niya akong halos naiiyak na, nilapitan pa rin niya ako.

Nag-usap ulit kami, at kahit galit, sinamahan niya ako roon para i-comfort ako. Kahit papaano naramdaman ko 'yong sinasabi niyang mahal nga niya ako.

100 STEPS TO HIS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon